Tuesday, November 23, 2004

Shiver


So I look in your direction
but you pay me no attention do you
I know you don't listen to me
Cause you say you see straight through me don't you

But on and on, from the moment I wake
till the moment I sleep
I'll be there by your side
just you try and stop me
I'll be waiting in line
just to see if you care

Did you want me to change
Well I changed for good
And I want you to know
That you'll always get your way
I wanted to say

Don't you shiver
Shiver
Sing it loud and clear
I'll always be waiting for you

So you know how much I need you
But you never even see me do you
And is this my final chance of getting you

But on and on, from the moment I wake
'Till the moment I sleep
I'll be there by your side
Just you try and stop me
I'll be waiting in line
Just to see if you care

Did you want me to change
Well I changed for good
And I want you to know
That you'll always get your way
I wanted to say

Don't you shiver
Don't you shiver
Sing it loud and clear
I'll always be waiting for you
Yeah I'll always be waiting for you
Yeah I'll always be waiting for you
Yeah I'll always be waiting for you
For you
I will always be waiting

And it's you I see
But you don't see me
And it's you I hear
So loud and clear
I sing it loud and clear
And I'll always be waiting for you

So I look in your direction
But you pay me no attention
And you know how much I need you
But you never even see me

-coldplay

*naapektuhan ako, grabe

Saturday, November 20, 2004

Hay naku, nararamdaman ko yung eksaktong naramdaman ko nung 4th year hayskul ako, kaya nga hindi ako pumunta sa grad ball namin. Yung pakiramdam na nagsawa na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, na parang nagiging routine na lang ang lahat, ayoko na ng ginagawa ko, kelangan ko na ng panibagong setting ng buhay ko, ayoko nang makita ang skul ko ang ang mga tao dito (maliban sa mga kaibigan ko). Parang nagiging joke ang lahat, at matatawa na lang ako at sasabihin sa sariling "Ano ba talaga pinaggagagawa mo ha?!". Nakakatawa naman, 4 years din ang pinalipas bago ko maramdaman ito ulit. Kagabi nagpapakalat-kalat ako sa mall, at habang naglalakad ako nakita ko ang mga bagay na tunay na gusto kong gawin o makamit sa buhay ko at syempre, naiyak na naman ako. Nung hayskul pa lang, tinatanong ko na ang sarili ko kung tama ba ang pinili kong field, pinilit ko ang sarili kong mag-oo. Sa bagay ito naman lang talaga ang pinaka-ayos para sa akin among the sciences...pero science nga ba ang gusto ko? Nakakainis kasi kapag naiisip ko ngayon, it's just a matter of not having a choice, I simply didn't have the luxury of choosing what I really want to do. Pwede rin namang masyado akong naging duwag para gawin ang gusto ko dahil talaga namang may kapalit yun na importante rin naman sa akin.Basta, kapag nagka-anak ako, hindi ko siya pipiliting mag-aral ng mga bagay na hindi naman talaga niya ikasasaya. Pero ngayon, wala na, masyadong na akong tumanda, eto na, tanggapin na lang. Pakiramdam ko ginagawa ko na lang ang lahat dahil dapat ko itong gawin at ito ang "tama" na landasin. Wateber, tatapusin ko na lang muna itong hinayupak na kursong to at magbo-board exam tapos saka ko na lang aayusin ang mga bagay-bagay sa buhay ko.

Peste, Christmas pa naman, lalo pa naman akong nagiging unstable at sabog pag dumadating ang panahong ito. Ang abnormal ko talaga, bad trip.

Saturday, October 09, 2004

tinatamad ako

Grabe, sobrang tagal ko nang hindi nag-update. Wala pa rin akong masulat e, tuwing nagsusulat kasi ako, puro na lang reklamo, at ayoko nang magreklamo, gusto ko lang maging kuntento sa buhay ko, yun lang naman gusto ko maramdaman sa ngayon.

Yun lang.

Thursday, August 19, 2004

Ika nga ni Gretchen Barreto sa pamilya nya, “I’m hurting, I’m really hurting”.

Kapag ako ang nasa bahay laging bad trip ang nanay ko, parang lagi akong may nagawang kasalanan kaya dapat ay parusahan. Kapag sila ang nasa bahay, parang ang gaan gaan ng feeling ng nanay ko…pero sa kanila lang iyon, sa akin walang pinag-iba. Para sa kanila, ako ang kontrabida, ako ang bastos, ako ang walang pakialam. Lahat sila ay ganoon ang tingin sa akin. Pero diba’t ang kontrabida ay hindi inuutus-utusan ng bida? Bagkus, siya pa nga ang-nang-aapi.

Alam ko na minsan matigas din ang ulo ko, at minsan ay hindi mapigilang umalma. Nasasaktan din naman kasi ako. Ayos lang naman talaga sa akin ang magtrabaho sa bahay e, pero hindi na ako kelangang sampalin ng mga masasakit na salita para lang kumilos, hindi naman kasi ako tamad na kagaya nila. Pero sana maintindihan nyo na hindi naman pwedeng palagi ko na lang gawin lahat ng inuutos sa oras na gusto nyo. May sarili rin naman akong buhay at sa buhay ko pa lang na iyon ay hindi ko na mapagkasya ang oras ko.

Naalala ko noon, nung sya ang nahihirapan ng kagaya ko nagyon hindi naman kayo ganito sa kanya. Walang problema kahit na sa eskwela na sya tumira, hatid sundo pa sya kamo. Inihahanda nila lahat ng pwedeng magpagaan sa sitwasyon nya. Pero ako, minsan lang akong nagpasundo, parang pinahirapan ko na kayo ng husto at ang sama na ng loob nyo sa akin.

All I want is just a little support, but what do I get? An endless intinerary of household chores, bills to pay, and errands to do. I understand that I’m the only one who is available enough to do these things, but I only wish that you could put things in their right places. I can only do so much. Wala akong mahabang baba na kagaya ni Ai-Ai para maging martir, o kaya man red, blue with matching stars na costume ni Wonder Woman at higit sa lahat, hindi ako isang ES Department teacher para magkaroon ng pusong gawa sa bato.

Sunday, August 15, 2004

Weekend

Biyernes: Sabi dati nung isa kong kaibigan, ang musika ay buhay, sana naramdaman ko ito noong araw na iyon. Hindi bumagay sa kalagayan ko ang kanta, lalo tuloy ako nainis. Ang sagwa talaga ng mga pangyayari sa buong maghapon, parang naniniwala na tuloy ako sa Friday the 13th.

Sabado: Sarap kumain!!!

Linggo: Naramdaman ko ang epekto ng pagpapagod at pagpupuyat ko nung nakaraang linggo kaya buong maghapon akong natulog. Paggising ko lalo ko naramdaman ang pagod at sakit ng ulo at eto ako ngayon, pagod pa rin pero nagsusulat.

Wednesday, August 04, 2004

Gulong

Hindi ko alam kung ano susulat…hmmm...ano ba…exam bukas…exam sa Biyernes…10-page reading…2-page critical paper….n-page reading…maglaba sa Sabado…a required novel…exam sa Wednesday…hmmm…ang oras walang katapusan…kaso pati rin naman ang mga gagawin ko hindi rin nauubos…isang malupit na pag-ikot ang lahat… iba-iba ang anyo...pero pare-pareho lang naman talaga kung tutuusin…lahat nilikha para pagurin ang isang tao…taong kagaya ko…

Wednesday, July 28, 2004

Burnout

Nakakapagod talaga maging masaya. These past few days, I feel that trying to be cheerful, bubbly or whatever, drains me. It drains me whenever I try to talk too much or get too involved in something. I don’t know if it’s because of burnout from school or from home or from my whole existence in this society altogether. I feel so unreal and everything else seems surreal. Whenever I’m in a crowded place and it’s just too damn noisy, it just exhausts me. Pakiramdam ko kasi hindi totoo ang lahat, ako’y nasa isang panaginip, at ang mga naririnig ko ay mga alingawngaw lamang.

Lately I’m truly finding refuge in my solitude. The hustle and bustle around me makes my head split. I‘ve been resorting to different vices and I don’t even understand why. Maybe because doing these things temporarily verifies my understanding that the world that I’m living in is just a big fraud, and that my being too is a fraud. Maybe because clouding my mind makes me forget all the stupid and meaningless thoughts that clutter my head. Or maybe I’m simply losing my mind. Shit, I need a shrink.

*O wag kang tumingin ng ganyan sa akin, huwag mo akong kulitin huwag mo akong tanungin. Kung iisipin mo di naman dati ganitokay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay*

Monday, July 26, 2004

Sagad

Bakit ganun, tuwing umuuwi ako, pakiramdam ko hindi ako napapahinga, bagkus lalo pa akong napapagod. Diba dapat pag nasa bahay ka dapat mas komportable ka na? Nakakaubos lakas talaga manatili sa bahay namin, pakiramdam ko alila ako, ako na lang lagi ang nakikita ng nanay ko, walang humpay sya kung mag-utos. Sa eskwela pa nga lang pagod na ako e tapos pagdating sa bahay ang sasambulat sa akin ay “ Sino ba maghuhugas nito, kapitbahay?...maghiwa ka na ng baguio beans…hindi lang yan yun, meron pang isa pang plastic sa pridyider…magsampay ka na…itupi mo na yung mga bagong tuyong damit…bukas punta ka sa Project 7 kasi tumawag na si ethel…tapos daan ka na rin sa mercury, bili ka ng gatas…sa Biyernes ikuha mo ulit ng birth certificate yung pinsan mong hindi mo naman kilala...sa isang araw naman pumunta ka sa buwan para magpalutang-lutang ka na lang dun habang buhay!”-ha! sana nga mangyari!. At bawal pa magreklamo, para bang wala na akong karapatang mapagod, pag nakita akong nagpapahinga parang bigla na lang makakaisip ng bagong iuutos sa akin. Palibhasa hindi magawa ng nanay ko na utusan ng utusan si paboritong bunso at ang dakila ko namang ate ay pagod galing sa trabaho. O baka naman sadyang ako lang talaga ang paborito kaya pangalan ko na lang ang palagi nilang naaalala kapag may utos. Pag nagreklamo ako ito naman ang linya: “ Wala ka talagang pakialam, wala ka nang iniisip kundi sarili mo at ang mga kabarkada mo”. Kapag kelangan ko naming mag-aral ito naman: “ Napakamakasarili mo talaga, puro ka na lang aral, e kung sa eskwela ka na lang kaya tumira? Sa susunod na semestre talaga, pahihintuin na muna kita”. At nagtataka sila kung bakit parang ayaw kong tumatagal sa bahay.

Hindi ko na alam kung paano gagawin ko, maaga na nga ako umuwi kung maari e, kasi alam ko naman na hindi na kayang mag-alaga ng nanay ko ng bata sabay maglinis ng bahay. Aba, may konsensya din yata ako. Sa umaga naman, nililigpit ko na yung pwede kong iligpit sa kakaunting libreng oras na meron ako. Hindi naman din kasi ako tamad sa bahay e, kaso marunong din naman ako mapagod. Alam ko naman na ako ang pinaka-rebelde sa amin, pero hindi ko naman pinapabayaan ang mga responsibilidad ko. Pero kahit na anong gawin ko parang napakasama ko pa rin sa paningin nila. Ayoko na ng ganito, para akong under probation, bawat pagkakamali ko ay magnified ng x1000. Pakiramdam ko tuloy bumulusok na ng isang milyong puntos pababa ang EQ ko. Pigang piga na nga ang utak ko, pati ba naman lakas ko kelangan sinasagad? At ito’y bahagi lamang ng mga problema ko. Sa totoo lang, sinusubukan ko na talagang isantabi ang lahat at kaya ko namang gawin yun, pero yun ay kung magpapakalayo layo ako. Pero kung lahat na lang ng magpapaalala sa mga suliranin ko ay nakapaligid sa akin, mahirap din talaga. Akala ko ba simple lang ang buhay, pero bakit parang hirap na hirap ako?

Sunday, July 25, 2004

Transcendence

I'm doing much better now. These past two weeks have been some sort of treatment for me. Whenever I go to my barkada to complain and cry, I really feel my problems fade away bit by bit, although I'm not fully recovered yet. Pakiramdam ko nga naging pangalawang tahanan ko na sa eskwela yung college nila e. Iba talaga kung meron kang mga kaibigang nandyan lagi para sa iyo at handang makinig, mararamdaman mo talaga na may nagmamahal sa iyo kahit anumang problema mo. Pinagtiyagaan talaga nila ako kahit na sa tuwing nagkikita kami ay para akong lasing na naglalabas ng sama ng loob, umiiyak pero pinipilit ngumiti at tumawa, lalo na yung tungkol sa isa kong suliraning malala na halos magdulot na ng kabaliwan ko. Tinuruan nila akong wag masyado seryosohin ang buhay dahil sa ganyang ganyan nawawala ang katinuan ng mga tao. Hindi na ako makapapayag na tumigil ang mundo ko dahil lang dun sa mga pesteng yon, ayoko na magpaapekto, gusto ko lang ay maging maayos buhay ko. Tama yung kaibigan ko, magsimula muna sa sarili, at ang lahat ay susunod na. Ngayon ko talaga napagtanto kung gaano ko sila kamahal at kung gaano sila kaimportante sa akin. Paano kaya kung mawala sila sa buhay ko... wag naman sana mangyari.