Masaya tong araw na ito in fairness.
Nung umaga pumunta ako sa pasalamat para sa mga kabataan kasi sinama namin ng nanay ko yung baby namin at pareho kaming naiyak ng nanay ko nung nananalangin na, kasi sobrang nagpapasalamat talaga kami at nagkaroon kami ng munting anghel sa bahay namin.
Pag-uwi ko may inasikaso ako para dun sa banda na pinapaayos nung organizer nung jameng'g kaya medyo tanghali na ako nakapunta sa skul. Masaya naman ang naabutan ko, kahit na hindi naman talaga ako nakalaro, pakiramdam ko kasali pa rin ako kasi todo nagsusuportahan kami ng mga orgmates ko.
Pagkatapos nakikain muna kami dun sa party ng department namin bago kami pumunta dun sa pagpapraktisan ng mga kabanda ko. Masaya naman yung nangyari kahit na akala ko ay medyo kakaiba kasi ako lang ang babae sa amin. Hindi pa rin masyadong naaayos yung mga kanta pero ok lang kasi first practice pa lang naman e, kayang-kaya nila yun, magaling naman sila e, lalo na yung gitarista. Natuwa din ako kasi ok din yung nakuha naming bagong bokalista kahit na medyo nahihiya pa siya. Natatawa ako kasi nabuhay na naman yung dating isyu na hindi naman talaga isyu dahil mali kasi ang ipormasyon at iyon ay isang pawang tsismis lamang. Masaya naman yung gabi, pagkatapos ng praktis nilibre kami nung isa alumni na kasama namin at nagkukulitan kami lahat sa McDo. Pilit naming pinagkakasya ang 200 pesos sa siyam na tao kasi lahat kami ay walang pera at umaasa lang sa libre at in fairness, nagawan naman ng paraan.
Buti na lang din at sinabayan ako nung isa kong kasama pauwi kundi kaawa-awa talaga ako nun.
At bilang panghuli, nahuhumaling na talaga ako dun sa isang napili naming kanta na tutugtugin nila, sana lang talaga walang sablay...