Noong isang araw nakikipagkwentuhan lang ako sa isang mabuting kaibigan. Tapos, bigla niyang natanong sa akin "kaw saan ka addict?", at natameme naman ako. Oo nga, saan ba ako adik? Honest naman ang aking sagot, sabi ko wala naman, kung ano lang maisipan kong gawin. Pero nabahala pa din ako, hindi ako maka-move on sa tanong at medyo nakakainis na. Kapag iniisip ko kasi, wala nga naman akong isang gustung gustong ginagawang bagay, baket ganun. Yung tipong sa sobrang gusto ko siya, magagawa kong pag-ukulan siya ng maraming maraming oras. Am I losing my passion for life? No, I refuse! Dahil dyan, mag-iisip ako ng mga bagay bagay na gusto ko talagang ginagawa:
1.) Kumuha ng mga litrato
2.) Mamili ng bonggang mga damit, mura man o mahal
3.) Maglakwatsa sa mga malalayo at tahimik na lugar
4.) Magbasa ng libro
5.) Magtingin ng kagandahan sa kahit anong anyo
Ayan, medyo gumaan na ang loob ko. Kahit na wala sa kahit na ano mang mga bagay sa taas ay ikauunlad ng kabuhayan ko, sa tingin ko naman itong mga ito ay malaki ang maitutulong sa pagyaman ng aking puso. Ngayon pag may nagtanong ulit sa akin ng kaparehong tanong, kahit di naman ako talagang adik sa mga nabanggit, masasabi ko namang gustung gusto ko ang mga ito. Salamat sa pagtanong ha. :)
***Iba talaga ang nagagawa ng pagsulat pag may nakakapagpabagabag sa loob mo. Kanina sumasakit na ulo ko, ngayon naging positibo pa ang kinalabasan ng nauna kong kalituhan.