1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag flag ceremony?
Kasi lagi ring nahuhuli yung crush ko, para maganda ang view!!! Nyahaha!!!
2. Anong favorite mong bilhin sa canteen?
Cadbury Timeout, clubhouse na pizza flavor, at chocolait, Saint Pwe Pizza
3. Na-guidance / principal’s / ARO ka ba?
Hindi naman ata, yung regular chenes exam lang sa guidance
4. Sinong favorite teacher(s) mo?
Ma'am Sanchez (Pinoy), Ma'am Bawagan (World History), oki rin si sir Job at Jleg. Pwede na si Ma'am Vea, marami rin ako natutunan kay Ma'am kaso parang habang tumatagal nagiging masungit siya, lalo na nung latter part ng 3rd year bio at Cell Bio elective nung 4th year.
5. Sinong most hated teacher mo?
Sir Coronado, hands down. sa kanya ako unang nakatamo ng bagsak na exam, earth sci yun, lech.
6. San ka usually tumatambay?
nung extern pa ako sa front lobby pag hapon, canteen pag lunch time, minsan back lobby. nung dormer na ako, sa dorm, hehe.
7. Your most unforgettable experience?
Dami e, yung pagti-trip ng jadeng kay mam florentino.
Nung natuto akong mag-bike nung fair.
Nang umiyak ako, fair ulit.
Carpoolmates lakwatsa.
Playing sita in ramayana, halos hindi man kami nag-usap ni rama during the whole play, nung pinahuli ko lang yung golden deer.
Iliad, nasa stage ako during the whole play and I had to speak at the top of my lungs forever para marinig ng audience, narrator kasi ako.
The little notes that I exchanged with my barkada lalo na nung hindi na kami magkakaklase, it really cheered me up, they were just the sweetest.
Pagkuha ng soil sample sa pasig na kadiri talaga sabay nag shangrila kami after.
Muon party.
Yung unang bagsak na iniyakan ko ever.
Nung finally nagdorm ako, sabay naging extern yung crush ko, shet.
Jade Party sa bahay sa Antipolo.
Nung nawalan ng tubig for three days straight at hindi na-suspend ang klase, sabay sinuspend for three days naman, nung may tubeg na, wirdo talaga yun.
Nung napaiyak namin si Mam Mariano, wahaha, ang evil.
Basta madami, nakakahiya, nakakasaya, nakakalungkot at kung anu-ano pa.
8. Most unforgettable anything in high school?
Hmmm...first day of classes, late kasi ako nakapasok, mga more than a week late.
9. Varsityme?
Masyado akong magaling for varsity, bawal daw may superpowers dun e.
10. Sinong unang nakilala mo nung high school?
si Jakes or Shayne or Dea or Nikki J. Bigla kasi nila akong kinulit nun e, kasi nga latecomer ako.
11. Sino-sino kabarkada mo nung high school?
Mims, Nics, Ange, Celine, Soli plus may iba pa akong close friends na hindi naman talaga barkada.
12. Namimiss mo ba uniform mo?
Never, I hated it.
13. Ilang beses mo nawala ID mo?
Hindi ko maalala e.
14. Favorite teacher’s quotable quote?
Hindi ako masyado magaling umalala nyan e, but I remember Ma'am bernal forcing my classmate to "SHRIEK!!!" as in sinisigaw niya talaga yun at lagi niya kaming sinabihan na she likes spaghetti and meatballs in our essay answers. Si Sir Cipriano naman tinatawag na Gretchen lahat ng babaeng estudyante kasi hindi niya kabisado mga pangalan nila.
15. Most unforgettable person?
Syempre berks. at yung mga maintenance na may pangalan sa likod gaya ni Eliseo et al.
16. Best friend nung high school?
Basta mga kabarkada ko.
17. I-describe ang mukha mo sa grad .
Baboy!!! Double Chin, ang pangit ng hair ko, maiksing alanganin
18. Anong binibili mo sa labas pag uwian?
Nung sa carpool lagi kaming pumupunta sa starmart or sa cherry foodarama, minsan nag-grocery kami ng mga ka-service ko para may pagkain habang naglalaro sa sasakyan ng kung anuman, cards or the like, minsan jollibee or greenwich. Pag may pera kumakain kami ng Mexican food sa Miggy's sa may Visayas or Project 8, sarap! Basta masaya sa carpool nun e, para kaming barkada, puro pa siraulo mga kasama ko, pag walang pera, utangan galore. Lagi tuloy nagagalit si Mama kasi kung kelan nagcarpool ako saka lagi akong late umuwi.
19. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
Wala naman, pero lagi ako nagugulat sa mga pusa sa dorm noon. May nagpakamatay na kasi dun sa may wing namin e. May isang beses nakatulog ako tapos pag-gising ko madilim na tapos super hindi ako makaalis sa kama ko, nusa upper bunk kasi ako, tapos super dilim sa kwarto at bigla talaga akong inatake ng takot. hindi ako nakadilat at nakagalaw hanggang sa dumating na yung isa kong room mate at binuksan yung ilaw. Abnormal ko talaga nun.
20. Nangarag ka ba sa updating / paghahabol sa graduation?
Hind ata masyado, class officer pa kasi ako noon kaya sila ang naghahabol sa akin kasi treasurer ako and they will not be cleared unless pirmahan ko clearance nila, mwahaha!!! dun sa ibang papirma, basta hindi ako magpapapirma unless sure na pwede na, ayoko ngang pahirapan sarili ko noh.