Saturday, April 03, 2010

Mahal na Araw sa Arayat

Ilang taon na din mula nung huli naming dalaw sa Arayat para sa Mahal na Araw. Pumupunta kami dito para makasama ang mga kamag-anak namin... at para makakuha ng masarap na buro, longganisa, tocino, gulay at bigas, hahaha!

Pero nag-iba na talaga ang mga panahon. Naabutan ko pa yung mga sinaunang araw kung saan nakakasakay pa kami ng mga kalabaw bilang transportasyon. Hindi pa rin gaanong patag ang mga kalsada noon, bonggang bongga lang talaga.

Sa araw nagtatakbuhan at naglalaro kami sa mga maalikabok na kakahuyan ng Gatiawin. Haha, OA, hindi naman talaga ganon kasukal, puro mababang halaman lang naman ang nandoon. Sa gabi naman nagtatakbuhan at naglalaro kami sa mga maalikabok na kakahuyan ng Gatiawin. Haha labo. Nagbabaraha din kami, syempre peborit namin ang walang kamatayang 1-2-3 pass, at bilang parusa, mamumula ang mukha mo sa lipstick, o mamumuti sa johnson's baby powder. At highlight ng araw namin, ang mga nagsasalibatbat sa kalsada! Pag may dadaang nagsasalibatbat nagkakagulo na kaming mga makukulit na bubwit. Masaya kasi, maraming klase ang makikita mo. Andyan yung nagtatambling sabay blag! Hagalpak sa lapag! Ilang beses kaya nila kelangan gawin yun hanggang sa makarating sa simbahan? Meron din yung nanghahabol at nangangain ng mga usiserong bata gaya namin, haha. Pag ganun yung dumaan, ay kasaya naman talaga. Meron yung parang earth worm lang, gapang sa lapag pero kakaiba gapang niya, hindi ko ma-describe. At meron din namang normal lang, naglalakad habang hinahampas yung likod niya ng dahon na may food color na red. Kunwari matindi na ang pasakit na natamo niya sa maghapong pagpepenitensya at mapapatawad na siya.

Tapos pag lumalalim na ang gabi, maglalamyerda na. Kakain ng mga fish balls, palaka, bibingka, day-old chick at kung anu-ano pang mga pagkain na pwede bilhin sa paligid ng mga nagpapasyon at abot-kaya ng mga barya sa bulsa namin. Hanggang sa matapos ang ilang araw ng pabasa ganon lang buhay namin. Sa huling araw mamamalengke na ang mga nanay para sa mga iuuwi sa Maynila.


Ay! Muntik ko nang makalimutan. Swimming sa Banyo! Hindi eto yung banyo=kubeta. Banyo lang tawag sa place. May resort dun na may apat ata o limang pool. Tapos yung isa dun yung main attraction, may natural water falls kasi, refreshing (chez!). At dahil nasa Pampanga yon, nagkalat ang pagkain. May nagbebenta ng inihaw na mais, barbecue, tapos nahuhulog lang sa mga puno ang mga kasoy at duhat. Pero siyempre magbabaon naman kami ng maraming marami ding pagkain. Sa kasamaang palad, ang huling balita ay nagka-land slide daw doon kaya napapaligiran na siya ng mga evacuees at hindi na kaaya-ayang puntahan sa kasalukuyang panahon. :(

Ayun, ganun gawain namin nung mga paslit pa kami, magpakalat-kalat lang sa Arayat at pasakitin ulo ng mga matatanda sa kakahanap sa amin. Habang tumatanda, nagkakaroon din ng mga pagbabago bilang palatandaan ng pag-asenso, hehehe. Naging pusoy o pusoy dos na ang mga laro sa baraha. Barya na ang pot, hindi drawing sa mukha. Sinasama na kami nila Mama sa palengke at pwede na kaming pumili ng klase ng buro at longganisa. Tapos ayun, may nag-debut, nag-asawa, nag-debut, nag-asawa, nag-abroad, nag-asawa, nag-abroad, nag-stay, bumalik galing abroad, tumaba, pumayat at kung anu-ano pa. In short, sadyang malaki pamilya nila Mama, kaya marami talagang nangyayari, haha.

At tuwing uuwi ka, bilang pag-welcome isa sa mga ito ang welcome message:
a.) Kamusta:
a.1) Tumaba ka!
a.2) Ang taba mo ngayon!
b.) Kamusta:
b.1) Pumayat ka ha!
b.2) Ang seksi mo ngayon! (ehem, haha joke lang)
Basta to that effect, nakaka-touch.

Pero ngayon, matatanda na sila (wahaha!), marami na ang nag-iba. Unang una, ang KJ nung pari doon! Tapusin ba ang pabasa ng Miyerkules?! Eh Huwebes pa lang ang simula ng bakasyon noh. Labo talaga. Dumayo pa kami sa ibang bayan para kumain ng isaw, hahaha. Pangalawa... basta maraming nagbago, hahaha!

Syempre andun pa din naman ang mga minamahal kong pinsan at tiyo/tiya dun. Pero wala na ang mga kapanabayan kong mga pinsan/pamangkin dun, naka-move on na sila, kasama na yung Ate ko. Ngunit bilang kapalit, kongkreto na ang mga bahay at semento na ang lahat ng kalsada dun! At para nang hotel yung evolved form ng ancestral house dun, ang dami nang air-conditioned na kwarto at may wi-fi pa! O diba??? Hahaha. Pero sana magkasabay-sabay ng uwi ang mga tao para makapag-bonding na ulit kami, kahit di ako marunong mag-kapampangan :P.

Sige Mount Arayat, hanggang sa susunod, paalam! :)








Midnight Train to Georgia

I'm very very sleepy. But I don't want to go to sleep, I want to miss you. And I am missing you... terribly. I hate and love this feeling. What are you doing right now? Please let me know. Please please don't be a stranger. If you want, I'm gonna board the midnight train. Just tell me.