Friday, January 14, 2005

Suntok sa Buwan

Kakaiba, bigla akong na-depress kanina. Bakit tuwing Friday night ang lungkot ng hangin kapag naglalakad ako pauwi. Hindi ko talaga maintindihan, pero nalulungkot talaga ako. Well it's really not just a feeling of sadness, but more like emptiness. Sabi nung teacher namin sa hum kanina, the more knowledge you attain, the more sorrowful you become, ibig sabihin ba tumalino ako? Hehe, asa pa. Pero medyo naniniwala din ako dun, na ignorance is bliss. Hay, siguro kung mabaliw ka dahil sa sobrang saya, nirvana talaga yun. Alam mo yun, dahil baliw ka, masaya ka na palagi, you won't ever give a damn anymore about the things that happen outside your crazy little world. Here I go again, babbling on and on about my twisted ideas, nahahawa na ata ko dun sa teacher ko e, ang daldal niya kasi, pero unlike me, his ideas sound so philosophically intense while mine just seem plain stupid. What to do, what to do... Actually madami, hindi ko pa nga natatapos basahin yung binabasa kong nobela, kasi lagi na lang akong late umuwi at computer kaagad ang kaharap ko, tulad ngayon. Nakakainis nga e, maganda yung libro,pero the bulb of the reading lamp that I'm using got busted, ang hirap tuloy magbasa, ang liit kasi ng font.

Tatapusin ko na lang ang entry na ito sa pamamagitan ng lyrics ng suntok sa buwan, para me malagay ako sa title, wala na naman kasing sense pinagsusulat ko e. Pero ang ganda kasi ng lyrics, kanina ko lang nagets...

Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan

'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin

Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko'y 'di nabibitin

Haaay...