Saturday, July 11, 2009

Buhay Checklist

Sige, since nawiwindang at naiinip ako at hindi na talaga ako mapakali, gagawa ako ng checklist ng kung ano ba talagang gusto ko sa buhay:

1.) Bili ng kotse - Check
2.) Matapos bayaran ang kotse
3.) Pero habang pinagtratrabahuhan ang pambayad sa minamahal kong sasakyan, bawal magsayang ng oras kaya dapat magsimula na ako sa PAGMAMASTERALS ko. Sa ngayon, I'm thinking EnE...
4.).) Makapagshift ng career sa trabaho na sa tingin ko ay mas fulfilling at mas mae-enjoy ko
*Warning to self: Liliit ang sweldo mo, maghanda ka na, para hindi naman kawawa si family
5.) Masubukan makapagtrabaho at tumira sa iba't ibang bansa, sana naman magamit ko ang mga inaral ko
6.) Kapartner ng 5 ang travel the whole world drama
8.) Somewhere sa gitna ng 5 at 6, gusto kong maging tambay ng medyo matagal, mga 1 to 2 months at least pwede na. Hindi ako magttrabaho, hindi ako maghahanap ng trabaho, tunganga mode lang. Tambay nga.
7.) Dapat magawa ko ang 1 to 6 sa madaling panahon para pwede na akong mainlab nang hindi masyadong iniisip na baka makahadlang lang ito sa mga pangarap ko sa buhay
8.) Mainlab, mag-asawa, at maging nanay. Sana yung magiging asawa ko magaling sa buhay para kung maisipan ko mag-housewife lang, kering keri.

Ayun, syempre nasa huli talaga ng listahan ko ang love life. Ganun talaga, hindi pa siya kasama sa short term plans ko. Life muna. Hay sana matupad ko tong lahat ng to.