Pag dating ko dun, dumiretso ko sa McDo. Kaso late na pala nakaalis ng bahay si Erma kaya naghintay muna ako. Kaya tada! Ilabas ang Ang Pao ng McDo! Nakapaglunch ako for 25 pesos, nyaknyaknyak! Pagdating ni Erma, nagtanong na kami kung saan nakakakuha ng balat ng kasuy. Buti na lang super helpful nung isang ale at mega inalalay niya kami sa paghanap, tinawagan niya pa yung bagsakan/lutuan ng kasuy at hinanap niya kami ng trike na marunong pumunta dun. Pagdating namin dun, me nakausap kaming isang mama, sabi niya ubos na daw yung balat kasi hinakot na siya kahapon at nanlulumo na kami. Pero kakaiba kasi naaaninag naman namin yung saku-sakong parang pakiramdam namin ay balat dun sa may bandang sulok. Buti na lang naisipan niyang tanungin yung parang amo at yun na, lasing pala yung manong na nakausap namin! Asus! Tanghaling tapat lasing, tama ba yun!? In furnace, sobrang namumula yung mata niya kaya hindi naman nakakapagtaka. At siya na nga, hindi kami nagkamali, yung mga sako ay puno ng cashew nut shells! Jackpot! Hehe, babaw. Ang saya, feeling plant visit, andun din yung lutuan. Picture picture pa kami ni Erma dun no, syempre dapat may ebidensya, hahaha! Bumili kami ng sampung kilo. Ang bait din nung ale dun. Nakakatuwa kasi ambabait ng mga taong nakausap namin. Ambabait pala ng mga tao sa Antipolo, hehe. At nung pauwi na kami nakakatuwa kasi parang sikat na ang CNS sa pagkakaroon ng asido kahit na mga karaniwang tao lang alam nila yun, astig. Bago kami sumakay bumili ako ng suman, si Erma bumili ng kalamay bago kami pumunta sa biyakan. Kaso sana bumili din ako ng kalamay kasi yun pala yung mas gusto ni Mama, umarya na naman kasi ang kakuriputan ko e. Ang saya, hindi kami nabigo sa pagpunta namin dun. Bow.
Pag-uwi ko naabutan ko pa yung laban ni Pacquiao. Ang galing, nanalo siya!!! Mabuhay!
Tapos nun, gumawa na akong ng mga assignments, app forms. Yada yada yada. Fast forward.
Syempre, hindi ko pwedeng i-miss ang TV night ko, Joey-Fran-Will and Grace-F combo ito. Nakakainis yung F, parang naiiyak na ako nung pinapanood ko siya kanina lalo na dun sa night life segment. Hay, miss ko na maglakwatsa. Ngayon kasi ang depinisyon ko na ata ng gimik ay plant visit! Napaka-geeky. Pero oki lang rin, mami-miss ko din to after grad (ata). At masaya naman ako sa mga topics namin sa 136 at 142 kahit haggaran talaga. At saka feeling ko super close na kami ng grupmates ko, si Raissa, Lui, Iche at Erma. Special mention ke Erma at Iche kasi si Iche sa 190 lang naiba, si Erma naman talagang mega block-mate ko this sem sabay magka-way pa kami pauwi kaya ewan ko na lang.
Lapit na matapos term namin, sadness. Super mami-miss ko EC-mates ko. Pero aasikasuhin ko muna Talentine. Dapat masaya! Kasi wala akong Valentine's date, nyaknyaknyak ulit.
Kakaiba, hindi pa ako inaantok. Minamahal ko na si Jack Johnson, ang soothing ng mga songs niya, parang John Meyer na Coldplay na Maroon 5. Salamat sa pinsan ko, binigyan niya kami ng softcopy nung album e. Masyado na ata akong nasanay magpuyat. Naku, baka ma-late ako sa meeting time namin bukas sa 136, magagalit si Miss Minchin Erma. Tutulog na ako. Gud am sa lahat!!!:)
Inaudible Melodies
Jack Johnson
Brushfire fairytales
Itsy bitsy diamond wells
Big fat hurricanes
Yellow bellied given names
Well shortcuts can slow you down
And in the end we're bound
To rebound off of we
Well dust off your thinking caps
Solar powered plastic plants
Pretty pictures of things we ate
We are only what we hate
But in the long run we have found
Silent films are full of sound
Inaudibly free
Slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Inaudible melodies
Serve narrational strategies
Unobtrusive tones
Help to notice nothing but the zone
Of visual relevancy
Frame-lines tell me what to see
Chopping like an axe
Or maybe Einstein should just relax
Slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Well Plato's cave is full of freaks
Demanding refunds for the things they've seen
I wish they could believe
In all the things that never made the screen
And just slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Moving Too....