Sunday, April 25, 2010

When the good days come...

..take advantage of it. This is one of those days, I took a sick leave since I was not feeling well... NOT!!! Hahaha. This was kinda planned, but I did not tell my "plan" to my teammates, because I read in a magazine that you can better achieve a goal if you don't tell a soul. I can't remember the whole complex explanation, but I think it goes something like if you tell someone, it already feels like you've already done something, when in fact you have not. And if you don't tell anyone and you do achieve your goal, the magnitude of the gratifications are n times better. Haha, I hope I understood correctly. So from now on, I'll restrain myself from being such a blabber with my goals in life. Today, my objective is simply to take a breather. I haven't taken any leaves for weeks now and working 5 days a week, though a norm, is still quite taxing. And I'm glad I did it, my mood today is contemplative and laid back. If I get into the groove, I'll try to sort whatever it is I feel like sorting today.

On another note, I got a postcard from Soli!!! And it adds to my already good mood:


Thanks Soli, you're so sweet :)

Wednesday, April 21, 2010

Lowest of lows

All-time low. Hindi ko talaga kinakaya ito. Lord, please help me get through this.

Monday, April 19, 2010

Monday, April 12, 2010

Rut

There is something wrong with me. A telltale sign is my urge to shop like it's payday twice a week. Today after buying another expensive item that I can't get my mind off since last night, I discovered that my credit card is maxed out! This only means that I'm in a highly severe RUT. For the last few weeks, I've been buying clothes that I have no idea where to wear, bottles of expensive perfumes, and loading my car with gas so I can unnecessarily go anywhere and everywhere.

I usually go on a spending spree whenever I need to distract myself from things that I should be doing or when there's some emotional baggage being dragged around. This time it's both. I've been putting off updating my resume and sending it out to the world. I should have done it weeks ago, but it's just like putting off review for board exam which is still months away. No hurries, until you realize how little time you have left! Ok, now I'm really disturbed. Then there's my issue with you being so far away, and the minimal communication we've been having. Ai ai ai, I'm at a loss.

Nevertheless, I feel that I'm not yet recovered from this phase of wrongness. I just can't resist the gravitational pull of pretty designer cuties, hahaha. Come what may. Let's see what happens to my bank account in the coming days.

On a different note, I found these vadalisms on an Eng'g CR. My gulay! I thought these thingscan only be found in AS. I thought Eng'g students nowadays are a bunch ofgoody two shoes. Good job ladies! :D






Saturday, April 03, 2010

Mahal na Araw sa Arayat

Ilang taon na din mula nung huli naming dalaw sa Arayat para sa Mahal na Araw. Pumupunta kami dito para makasama ang mga kamag-anak namin... at para makakuha ng masarap na buro, longganisa, tocino, gulay at bigas, hahaha!

Pero nag-iba na talaga ang mga panahon. Naabutan ko pa yung mga sinaunang araw kung saan nakakasakay pa kami ng mga kalabaw bilang transportasyon. Hindi pa rin gaanong patag ang mga kalsada noon, bonggang bongga lang talaga.

Sa araw nagtatakbuhan at naglalaro kami sa mga maalikabok na kakahuyan ng Gatiawin. Haha, OA, hindi naman talaga ganon kasukal, puro mababang halaman lang naman ang nandoon. Sa gabi naman nagtatakbuhan at naglalaro kami sa mga maalikabok na kakahuyan ng Gatiawin. Haha labo. Nagbabaraha din kami, syempre peborit namin ang walang kamatayang 1-2-3 pass, at bilang parusa, mamumula ang mukha mo sa lipstick, o mamumuti sa johnson's baby powder. At highlight ng araw namin, ang mga nagsasalibatbat sa kalsada! Pag may dadaang nagsasalibatbat nagkakagulo na kaming mga makukulit na bubwit. Masaya kasi, maraming klase ang makikita mo. Andyan yung nagtatambling sabay blag! Hagalpak sa lapag! Ilang beses kaya nila kelangan gawin yun hanggang sa makarating sa simbahan? Meron din yung nanghahabol at nangangain ng mga usiserong bata gaya namin, haha. Pag ganun yung dumaan, ay kasaya naman talaga. Meron yung parang earth worm lang, gapang sa lapag pero kakaiba gapang niya, hindi ko ma-describe. At meron din namang normal lang, naglalakad habang hinahampas yung likod niya ng dahon na may food color na red. Kunwari matindi na ang pasakit na natamo niya sa maghapong pagpepenitensya at mapapatawad na siya.

Tapos pag lumalalim na ang gabi, maglalamyerda na. Kakain ng mga fish balls, palaka, bibingka, day-old chick at kung anu-ano pang mga pagkain na pwede bilhin sa paligid ng mga nagpapasyon at abot-kaya ng mga barya sa bulsa namin. Hanggang sa matapos ang ilang araw ng pabasa ganon lang buhay namin. Sa huling araw mamamalengke na ang mga nanay para sa mga iuuwi sa Maynila.


Ay! Muntik ko nang makalimutan. Swimming sa Banyo! Hindi eto yung banyo=kubeta. Banyo lang tawag sa place. May resort dun na may apat ata o limang pool. Tapos yung isa dun yung main attraction, may natural water falls kasi, refreshing (chez!). At dahil nasa Pampanga yon, nagkalat ang pagkain. May nagbebenta ng inihaw na mais, barbecue, tapos nahuhulog lang sa mga puno ang mga kasoy at duhat. Pero siyempre magbabaon naman kami ng maraming marami ding pagkain. Sa kasamaang palad, ang huling balita ay nagka-land slide daw doon kaya napapaligiran na siya ng mga evacuees at hindi na kaaya-ayang puntahan sa kasalukuyang panahon. :(

Ayun, ganun gawain namin nung mga paslit pa kami, magpakalat-kalat lang sa Arayat at pasakitin ulo ng mga matatanda sa kakahanap sa amin. Habang tumatanda, nagkakaroon din ng mga pagbabago bilang palatandaan ng pag-asenso, hehehe. Naging pusoy o pusoy dos na ang mga laro sa baraha. Barya na ang pot, hindi drawing sa mukha. Sinasama na kami nila Mama sa palengke at pwede na kaming pumili ng klase ng buro at longganisa. Tapos ayun, may nag-debut, nag-asawa, nag-debut, nag-asawa, nag-abroad, nag-asawa, nag-abroad, nag-stay, bumalik galing abroad, tumaba, pumayat at kung anu-ano pa. In short, sadyang malaki pamilya nila Mama, kaya marami talagang nangyayari, haha.

At tuwing uuwi ka, bilang pag-welcome isa sa mga ito ang welcome message:
a.) Kamusta:
a.1) Tumaba ka!
a.2) Ang taba mo ngayon!
b.) Kamusta:
b.1) Pumayat ka ha!
b.2) Ang seksi mo ngayon! (ehem, haha joke lang)
Basta to that effect, nakaka-touch.

Pero ngayon, matatanda na sila (wahaha!), marami na ang nag-iba. Unang una, ang KJ nung pari doon! Tapusin ba ang pabasa ng Miyerkules?! Eh Huwebes pa lang ang simula ng bakasyon noh. Labo talaga. Dumayo pa kami sa ibang bayan para kumain ng isaw, hahaha. Pangalawa... basta maraming nagbago, hahaha!

Syempre andun pa din naman ang mga minamahal kong pinsan at tiyo/tiya dun. Pero wala na ang mga kapanabayan kong mga pinsan/pamangkin dun, naka-move on na sila, kasama na yung Ate ko. Ngunit bilang kapalit, kongkreto na ang mga bahay at semento na ang lahat ng kalsada dun! At para nang hotel yung evolved form ng ancestral house dun, ang dami nang air-conditioned na kwarto at may wi-fi pa! O diba??? Hahaha. Pero sana magkasabay-sabay ng uwi ang mga tao para makapag-bonding na ulit kami, kahit di ako marunong mag-kapampangan :P.

Sige Mount Arayat, hanggang sa susunod, paalam! :)








Midnight Train to Georgia

I'm very very sleepy. But I don't want to go to sleep, I want to miss you. And I am missing you... terribly. I hate and love this feeling. What are you doing right now? Please let me know. Please please don't be a stranger. If you want, I'm gonna board the midnight train. Just tell me.