Sunday, February 19, 2006

Post-Talentine

Halos buong araw ako tulog. Kasi naman, nitong linggong ito, kakarampot lang pahinga ko. Kagabi alas-dose na ako nakauwi kasi nagtangka pa akong mag-fair dahil andun HS friends ko, but no, naghahanap ako ng auto load pero pagtingin ko sa bag ko, wala cellphone ko. Hindi rin naman ako masyado nag-alala kasi nag-isip akong mabuti at naisip ko na naiwan ko siya sa sasakyan ni Iche kasi nagbihis kami dun at tinanggal ko yung cellphone ko in the process. Ayun, hindi ako natuloy, sayang. Pag-uwi ko, naramdaman ko ang matinding pagka-lobat. Dumiretso na ako sa kwarto at habang binabasa ko yung mga tula dun sa organizer ni Ate na blangko hindi ko na namalayan at nakatulog na ako sa lapag. Nagising lang ako ng mga 5:30 ng umaga kasi nananakit na likod ko at yun nga, bukas pa ilaw, patay electric fan at nakahandusay ako sa lapag. Kaya yun, umayos na ako at natulog ulit. Gumising ako ng mga alas-9 tapos sumamba. Pag-uwi ko natulog ako ulit tapos nagising ng mga pasado alas-kwatro.

Ang saya ng Talentine kagabi! Todo-bigay lahat ng batches na nag-perform, ang OT talaga ng mga KEMers! Sayang nga lang, 3rd place lang kami, hindi rin kasi kami masyado handa e. Nag-ayos lang kami mga 2 hours before. Pero maganda pa rin presentation namin, talented talaga batch namin e, 02B da best! Hehehe.

Friday night: Nag-fair kami c/o Erma. Nakakapagod siya. I suddenly remembered how I hate being amidst a place so crowded with people. Pero syempre fair yun, nag-octopus kami, kumain, tumambay at...yun na pala yun. Konti lang yung ok na bands e, medyo disappointing. Keri lang, kasama ko naman mga friends ko at matagal-tagal na rin kaming hindi lumalabas nang magkakasama.:) Umuwi kami at around 3:30 am at kina Iche kami natulog ni Erma kasi may 142 pa kami the following day. Hay 142, 142, 142...bakit mo ba ako pinapahirapan ng gani2...Hehehe, corny. Parusa yung dinidesign kong reactor, it's going nowhere, nade-depress na ako dahil dito, leche.

Thursday night: Miting de Avance.

Wednesday: Woke up at around 4 am for the plant visit. We went to James Hardie. Highlight of the tour: 1-hour stop at Market! Market! Hehe, joke! Pero first time ko makapunta dun and first times are almost always fun.:) Pagdating sa school, I consulted with Ma'am Escoto my lostness in the liquefaction reactor. I must say that I wasn't very enlightened, huhu. I researched in Eng'g lib later and played Nerts after. I then met up with my friends, ate dinner, and entered the fair since we had free tickets c/o Anne. But I was inside for less than 30 minutes only since I was feeling very sleepy.

Tuesday night: Valentine's Day! I had a date with my single girl kabarkadas. We went to Libis for dinner, had some window shopping, and a bottle of beer. It was nice, I had a chance to catch up with them. But I had to go home early since my father picked me up at around 12:30.

Ayun.:)