Nagising na naman ako sa mga manok. Panget ng gising ko. Nagpaprint ako ng EEE handouts sa tatay ko at nakita ko na naman yung finished product, wadahek! Ginawa na namang 1 slide per page! Pucha naman, nasabi ko na yon sa tatay ko e, na 4 or 6 slides per page, siguro kasi pdf file siya kaya hindi niya alam kung paano i-edit. Pero naha-hayblad talaga ako, mukha na siyang kasing kapal ng libro at supposedly there are two lectures pa sabi ni Maam. Hindi naman ako pwede mainis kasi ako na nga lang itong nagpaprint, ako pa magrereklamo. Putek, this sucks.
Nalulungkot ako, nafi-feel ko na naman ang pagiging sacrificial lamb ko dito sa bahay, lagi kasi ang nagiging kaso ay I have to give up things of my own to give way for other members of the house. Kung kelangan may puntahan, kahit malayo, ako palagi, mag-absent na lang daw ako, saka na mag-aral. Tapos dahil sa financial turmoil namin ay meron na naman akong kelangan igive-up for my brother sa pag-aaral niya sa college. Putek, chunks are building up in my throat na. Nakakalungkot talaga. Pero alam ko namang no choice ako kasi si Ate ay may trabaho at ang kapatid kong mas bata ay plain useless at baka kapag siya pa ang inutusan ay lalo pang magkandaleche-leche. Ako rin ang nagiging dumpsite ng nanay ko ng kanyang excess baggage towards our situation. Pero ako, hindi ako pwede magreklamo coz I don't want to heighten my mom's worries, nakikinig na lang ako kahit ayoko na talaga kasi it's really weighing me down. Ganun talaga. Wala na akong magagawa, ganito na ito for life.
Sana may kadamay ako sa bigat ng loob ko na hindi ako iiwan kahit ano mangyari, na magiging pader kong sasandalan at sisilungan kapag masyado na akong napapaso sa init ng araw.
Sana hindi na ulit ako magresort sa masasamang bisyo...