Hindi ko pa man nakakalimutan yung dusang dinanas ko sa paggawa ng plant design namin, e eto na naman ang isang pahirap sa buhay. Bad trip, ayoko na talaga. Ni hindi pa man gumagaling yung sakit ng likod at balikat na natamo ko sa mahigit na dalawang linggong pagpapaikot-ikot at pagpindot ng mouse at pag-iisip sa harap ng computer. Leche, ang sakit talaga, lam mo yun, para akong sinaksak sa me balikat, ang hapdi. Yung plant design na yun talaga ang rurok ng lahat ng mga hirap sa buong buhay ko sa kolehiyo. Tumira kami ng mga kagrupo ko sa iisang bahay sa loob ng mmahigit na dalawang linggo. Nung umpisa mejo buo pa ang pananalig namin na matatapos namin siya bago ang pasahan ng grades. Pero habang lumilipas ang mga araw, napapagtanto na namin ang realidad na hinding hindi mangyayari yun. Kaso, wala naman kaming magawa kaya tuloy pa rin kami sa pagtrabaho. Impyerno talaga ang paggawa. Bukod sa napakainit na dahil sa summer, kami rin ay unti-unti nang umiinit ang mga ulo dahil pakiramdam namin wala nang katapusan ang ginagawa namin. Kakaiba na talaga, pati pamamaraan namin ng pag-uusap kakaiba na rin, lam niyo yun, me halo nang kawalan ng pasensya. Lumalabas lang kami para kumain ng panandalian o kaya man magpasa ng mga natapos na sa adviser namin. Ang adviser namin...haaay...isa siyang...tsk tsk tsk...ayoko nang magsalita. Magaling siya pero WAG NA WAG niyo siyang kukunin na adviser sa plant design kung ayaw niyong magpakamatay.
Balik sa kwento. Yun na nga, minsan nagkakasya lang kami sa isang latang sardinas. Por Dios! Isang lata para sa limang tao! Pero yung malaki naman, hehehe. Pero halos hindi nga kami kumakain ng sardinas sa bahay e at konti pa rin ang laman nun para sa aming lahat! Terible talaga.
Ganito ang ekesena sa pang-araw-araw, hindi rin naman kami nagkakalayo ng mga ginagawa e:
1.)Gising
2.)On ng computer
3.)Gawa na ng kung anuman
4.)Kain sandali (Minsan nakakalimutan pa, lalo na ang agahan)
5.)Trabaho ulit
6.)Kain sandali
7.)Nuod KIM SAM SOON, ang tanging palabas na napapanood namin ni Erma at Iche
8.)Trabaho hangga't kaya
9.)Tulog
Mukang hindi naman masyado mahirap? Ha! Pag yan ginawa mo ng mahigit dalawang linggo, nakakalokang tunay. E pano pag weekends, edi walang KIM SAM SOON? Siya na nga! At sobrang kakarampot lang ng oras na nilalaan namin sa pagkain kumpara sa oras na ginagamit namin sa paggawa noh. Maaga na rin pag natulog kami ng alas-dose o ala-una.
Hay, iniisip ko lang ang mga pangyayari e napapagod na ako.
May kanya-kanya rin kaming pagkakataon na dumating na sa puntong pinanghihinaan na kami ng loob, at luluha na lang kami ng basta, e ano pa nga bang magagawa namin? Ala nga namang basagin namin yung mga gamit dun e hindi naman namin bahay yun? Kaya ayun, iiyak na lang ang sama ng loob. Nung mga bandang dulo na, sadyang nagkakasawaan na talaga kami, tipong sinasabihan na namin ang isa't isa na wag muna kaming magkikita nang matagal na panahon kasi nakakasuka na, medyo biro na medyo totoo. Kakaiba na talaga ang timpla ng mga ulo namin nun, para na kaming tunay na magkakapatid kung mag-usap. Mabuti? Hindi! Yung tipong pag-uusap ng magkakapatid na halos wala nang pakialam kung nakakasakit dahil sanay na, ganon. Pero ayun nga, dahil sanay na kami wala na kaming pakiramdam sa mga ganong hiritan.
Para sa akin, ang pinakamalalang nangyari ay nung dumating ang mga kabarkada naming ayos na ayos ang mga mukha't pananamit samantalang kami ay wala pang suklay, ligo at kain. Patapos na kami nun e. Edi ayun, nandun sila at nilalaro nila yung asong hindi man talaga pumupunta dun sa pinatatrabahuhan namin. Mukhang naging masyado siyang masaya siya sa pakikipaglaro sa kanila kaya pati yung kordon ng kuyente pinagtripan, dalawang beses niya hinugot yung saksakan. Ang resulta? Nag-crash lang naman PC ko, naglaho lahat ng files ko sa buong taon, ang mga files na pinakaimportante sa college life ko. Lahat lahat. At siyempre kasama na dun yung pipings na ginawa kong ng tatlong araw. Pinakuha ko na lang sa tatay ko yung computer. Para akong nagtemporary insanity nung gabing yun, hindi ko na magawang umiyak sa halip, parang ang saya saya ko at pinagkukukulit ko ang mga tao at maya maya natulog na lang ako. Pagkagising, isang buong araw pa ulit ang ginugol ko sa pag-ulit ng pesteng pipings na iyan. Pag-uwi ko tiningnan ko kung ano pang natira sa mga files ko. P***ng**a talaga. Pag iniisip ko lahat ng nawala parang gusto ko iuntog ang ulo ko sa pader. Umiyak na lang ako ng umiyak sa harap ng PC. Hindi ko talaga kinakaya, hanggang ngayon, pag iniisip ko siya parang ang sarap... Yun na yun, nangyari na. T*n*i*a.
=====================================================================================================================================
Pero kahit na sa pangkabuuang tanaw, isa talagang kalbaryo ang dumapo sa amin, marami rin namang mabuti at masayang alaalang napulot. Nakakatuwa sa kung paanong sa mga simpleng pamamaraan ay napapasaya namin ang isa't isa. Nagkakantahan kami, nagbibiruan, nagaalaskahan at kung anu-ano pa. Ang abnormal kasi naming lahat e, limang mga wirdong tao na pinagsama-sama sa iisang bahay. Siguro kasi mababaw rin naman ang kaligayahan naming lahat kaya nagkakasundo kami sa kalokohan. Paborito ko pag kinakanta na namin ang Moments of Love na sisimulan sa "dudududu dudu dududududududu dudududu du, moments of love..." at yung "coz i had a bad day, choba choba..." as in ganung lyrics ang kinakanta namin, hindi kasi namin alam kasunod e. Minsan tsismisan grande, pag-usapan ang mga tao-tao at madalas nakakabuo na kami ng kung anu-anong kwento kutsero kasi ginagawan namin sila nga mga script sa buhay, syempre paborito namin gawan ng istorya ang adviser namin, hehehe. Meron din kaming kanya-kanyang sinusubaybayang palabas na nagbibigay din ng panandaliang saya, ako, si Erma at Iche, Kim Sam Soon, si Lui, A.I. at Encantadia, si Raissa naman, Naruto.
Minsan naman may mga bisita kami. Masaya kapag magulang ang bumibisita sa amin kasi ibig sabihin makakakain kami ng matino kaya nagpapasalamat talaga ako sa mga magulang ko, ni Iche at nanay ni Erma. Ang saya nga e, nung isang beses, dahil sa sobrang kahabagan, nilibre kami ng mga magulang ni Iche sa Kamay-Kainan, buffet, ang sarap!!! Nung mga panahong yun para kaming hindi nakaranas ng pagkain sa restaurant sa buong buhay namin, pagpasok namin para kaming mga batang abot-tenga ang mga ngiti sa sobrang pananabik. Ang sarap! Ang saya! Minsan naman pinupuntahan din kami ni Hans at RJ para dalhan ng pagkain kaya salamat din sa kanila. Salamat din sa mga dyosa sa pagbisita kahit na na-excite talaga yung aso sa pagdating nila at pinagtripan tuloy yung kable. Salamat din sa lahat ng nagbigay ng moral support tulad ng mga orgmates namin at lalo na sa mga CO-EC namin. Sa isang banda, natutuwa ako dahil sa suporta, tulong at kawang-gawang nakamit namin habang gumagawa kami. Nakakatuwa talaga na nagawa naming malampasan yung pagsubok na yun kahit na umaabot na talaga kami sa mga limitasyon namin. Sobrang nagpapasalamat din ako dahil buti na lang kasundo ko ang mga kasama ko sa bahay na iyon, pakiramdam ko tuloy sobrang magkakalapit na kami sa isa't isa. Ayoko nang maulit pa ito kahit kelan pero laking pasasalamat ko na kayo ang kasama ko at mami-miss ko talaga kayo Iche, Erma, Louie at Raissa.
PD Soundtrack:
1.) Unwritten
2.) Borrowed Heaven
3.) Moments of Love
4.) Bad Day (choba choba)
5.) Because of You
6.) Angels Brought Me Here
7.) Big Yellow Taxi
8.) Inside Your Heaven
9.) Big Yellow Taxi
10.) You're Beautiful
11.) Yellow
etc.
=====================================================================================================================
April 19, 2006
Ngayon, wala na akong kahit anong dapat gawin kundi hintayin ang graduation, kaya naglinis muna ako ng mailbox. Sa paghahalughog, nahanap ko tong tulang ito, paborito ko to dati e. Eto yung tinula ko sa klase nung 4th year high school sa Pinoy, kabisado ko pa nga ito noon e. Ang ganda, ang lungkot.
Dahong Lagas
Namamalas mo bang ang dahong nalagas,
Laruan ng hangin sa gitna ng landas,
Kung minsan sa iyong kamay ay mapadpad
Gaya ng paglapit ng kawawang palad?
Ako ay ganyan din, balang araw,irog,
Kung humahagibis ang bagyo at unos
Kagaya ay dahon sa gabing malungkot,
Ako sa piling mo'y ihahatid ng Diyos.
Naririnig mo ba ang munting kuliglig
Na sa hatinggabi'y mag-isa sa lamig,
At sa bintana mo'y awit din nang awit
Ng nagdaang araw ng sawing pag-ibig?
Ako man ay ganyan din, darating ang araw
Na kung ako'y iyong sadyang nalimutan,
Ang kaluluwa ko'y ikaw'y lalapitan
At sa hatinggabi'y payapang hahagkan.
Paghihip ng hangin, pagguhit ng kidlat,
Kung ang hangi't ulan ay napakalakas,
Kagaya ng dahon sa iyo'y papadpad,
Gaya ng kuliglig sa iyo'y tatawag.
At akong wala na sa iyong paningin,
Limot na ng madla't halos limot mo na rin,
Walang anu-ano sa gabing madilim,
Dahong ipapadpad sa iyo ng hangin.
Jose Corazon de Jesus