OO, buhay ako.
Full blown na ang work load ng team namin. Warafrigginsheeeet. Ang hirap, nakakapagod, halos wala nang panahon para sa break, demanding ang mga tangang mga taong pinagsisilbihan namin. Sana gawan ito ng paraan ni bossing. Kagabi lang napa-OT ako ng mga 1 1/2 oras kasi kahit na pwede na namin ipasa sa kasunod naming mga tao ang trabaho, ang hirap kapag ikaw na nagsimula kasi alam na alam mo na kung ano ang nangyayari. At tatlo pa kami sa lagay na yun a, e darating pa naman ang panahong dalawa na lang. Wala nang pansinan yun. Buti na lang mahaba ang off ko, halos apat na araw, makakapagpahinga naman. Hay, sana dumating na yung mga dagdag na mga tao. Baka maubusan na ako ng lakas. Pero matagal na matagal pa yun kasi matagal ang training at kung anu-ano pa.
Pero sa kabila ng mga reklamo kong ito, masaya naman ako. Ang saya ng may trabaho na, hindi ka na nga humihingi ng baon, nakakatulong ka pa sa bahay. Mas may laya din na maglamyerda kasi mas may laya na din ang pitaka. Ang dami ko din natututunan, parang hindi kami nauubusan ng mga bagong kaalaman.
Masaya din kasama ang mga katrabaho ko, nagkakasundo talaga kami mula trabaho hanggang sa kalokohan. Puro masisipag din lahat kaya hindi naman gaano nagkakaproblema sa ganong aspeto ng trabaho. Pag nagalalakwatsa kami wala na kaming ginawa kung magtawanan at maggaguhan. Umpisa pa lang naman enjoy na talaga ako kasi puro sila kalog. Aylabdemol.
Kapag medyo hindi na ako naninibago sa trabaho, maghahanap pa ako ng ibang magpagkakaabalahan ng panahon maliban sa opisina. Pero sa ngayon pagbubutihan ko muna ang ginagawa ko.
Buhay buhay.