Ika nga ni Gretchen Barreto sa pamilya nya, “I’m hurting, I’m really hurting”.
Kapag ako ang nasa bahay laging bad trip ang nanay ko, parang lagi akong may nagawang kasalanan kaya dapat ay parusahan. Kapag sila ang nasa bahay, parang ang gaan gaan ng feeling ng nanay ko…pero sa kanila lang iyon, sa akin walang pinag-iba. Para sa kanila, ako ang kontrabida, ako ang bastos, ako ang walang pakialam. Lahat sila ay ganoon ang tingin sa akin. Pero diba’t ang kontrabida ay hindi inuutus-utusan ng bida? Bagkus, siya pa nga ang-nang-aapi.
Alam ko na minsan matigas din ang ulo ko, at minsan ay hindi mapigilang umalma. Nasasaktan din naman kasi ako. Ayos lang naman talaga sa akin ang magtrabaho sa bahay e, pero hindi na ako kelangang sampalin ng mga masasakit na salita para lang kumilos, hindi naman kasi ako tamad na kagaya nila. Pero sana maintindihan nyo na hindi naman pwedeng palagi ko na lang gawin lahat ng inuutos sa oras na gusto nyo. May sarili rin naman akong buhay at sa buhay ko pa lang na iyon ay hindi ko na mapagkasya ang oras ko.
Naalala ko noon, nung sya ang nahihirapan ng kagaya ko nagyon hindi naman kayo ganito sa kanya. Walang problema kahit na sa eskwela na sya tumira, hatid sundo pa sya kamo. Inihahanda nila lahat ng pwedeng magpagaan sa sitwasyon nya. Pero ako, minsan lang akong nagpasundo, parang pinahirapan ko na kayo ng husto at ang sama na ng loob nyo sa akin.
All I want is just a little support, but what do I get? An endless intinerary of household chores, bills to pay, and errands to do. I understand that I’m the only one who is available enough to do these things, but I only wish that you could put things in their right places. I can only do so much. Wala akong mahabang baba na kagaya ni Ai-Ai para maging martir, o kaya man red, blue with matching stars na costume ni Wonder Woman at higit sa lahat, hindi ako isang ES Department teacher para magkaroon ng pusong gawa sa bato.
2 comments:
oi, mag-update ka naman ha. hehe. -alan
psst. kaw pala superproxy. lagay ka tagboard! vandal page!
Post a Comment