March 4, 2005:
I got home at a little past ten, nag-mini stop pa kasi kami ni Erma e, super gutom na kasi ako, hindi kasi ako nakagapag-dinner before our exam. I did bad in the test, I wasn’t able to study well because I was very busy preparing some things for the elections in KEM tapos the night before the exam, Mama asked me to go to my sister’s place to pick up something. Kaso masyado akong naengganyong maglibot kasi sa Eastwood yung condo ni Ate kaya late na ako nakauwi at pagdating ko sa bahay ay pagod na talaga ako. Ayun, palpak talaga yung exam.
March 5, 2005:
Hay salamat at nakapagpahinga na akong muli. Kagabi natulog ako at around eleven tapos nagising ako ng mga 6 at nagbasa-basa ng nobela at natulog ulit ng mga seven. Ginising ako ni Mama ng nine kasi kelangan na bayaran yung insurance at tubig so I got up, naligo at humayo na. Dumaan din ako kanina sandali sa skul para makiusyoso total dadaan din naman ako ng katips. Tapos umuwi na ako at natulog ulit for three more hours, sarap!
Namimiss ko na high school friends ko. They’ve been constantly asking me to have lunch or dinner with them kaso I’m just too busy for now. Dalawa pa kasi exam ko nitong nakaraang week kaya haggaran talaga. Gusto ko nang makipagtsismisan tungkol sa latest sa mga minamahal kong batchmates sa Pisay. Nagyayaya nga silang pumuntang skul e para sa Pisay fair, tutugtog din kasi yung Deltajoy. But no! The ticket for the concert na gaganapin costs 150! Hindi na lang, said na talaga ang bulsa ko e, tipid to the max ako ngayon. Ang olats olats ko nga e, ang tagal ko na talagang hindi nakakapag-mall, ni hindi ko man lang mapapalitan yung lens nung salamin ko, hirap na hirap tuloy ako pag nagkaklase. Hay, Dr. Ester Ogena ng DOST nagsusumamo ako sa iyo, bigay mo na yung reimbursement ko. Makapunta ngang DLRC next week para mangulet.
March 9, 2005
Nagpunta ako sa Albert Hall kanina para suportahan yung friends ko sa thesis defense nila. Though I didn’t understand any of their topics, kasi parang hard core genetics na siya, natuwa pa rin ako kasi parang todo na-apply nila ang mga natutunan nila at mukhang may sense talaga yung mga research nila, about vaccines, epitopes, malaria, at pagpatay ng mga daga. Parang napupunta talaga ako sa ibang dimension kapag sila kasama ko, kumpara kasi sa mga tao sa Engg parang super tamed (excuse the term) ng mga tao sa Albert, parang hindi sila taga-UP, ang behave nila. Pero I still have an equally great time pag kasama ko ang HS friends ko. They have just the right dose of superficiality that kind of what makes them different from my other friends, may pagka-konyotic na hindi kasi yung mga yun e, konyotic pero ang lupet uminom at magmura. Pero ang galing talaga nila, alam na alam nila whenever something’s bothering me, as in tatawag sila or text ng pangangamusta o yayaya sa labas tapos yun, kayang kaya nila akong paiyakin kasi ilalabas ko na lahat ng sama ng loob ko. Alam na alam nilang isang bote lang ng red horse ang katapat for me to spill my guts out, umiiyak habang tumatawa, palibahasa lasing, pero hindi ako masyadong naaapektuhan ng hard drinks. Tapos kapag bigla akong pumupunta sa Albert, they’ll pause what they’re doing para kulitin ko sila. Mayroon kasing mga bagay na hindi ko masabi sa mga Engg friends ko na sa kanila ko lang nasasabi and vice versa kaya kelangan ko talaga sila pareho sa buhay ko. Kaso, unlike my Engg friends mejo protected talaga sila kaya mas spontaneous ang mga kaibigan ko sa Engg. Pero either way, I love all of my friends and they are the ones who help keep my sanity intact.
Bumalik na ako ng Engg nung maglu-lunch na sila, ayoko sumama dun sa mga yun, pag sila ang kasama ko kumain napapagastos talaga ako ng malupet e.
Ayun, tapos na eleksyon, mixed emotions ang nararamdaman ko, excited, natatakot, overwhelmed. Na-drain talaga ako nung campaign period and even before nun kasi kalaban ko yung kabarkada ko at na-feel ko talaga na may tension sa pagitan namin tuwing election issues ang pag-uusapan. Sobrang umiyak ako nung nalaman kong tatakbo pala siya, hindi lang isang beses, kaya emotional rollercoaster talaga ever nung preparations, e mejo sensitive talaga ako pag friendship issues e, as in to the highest level. Pero nairaos na din naman. Sayang lang at hindi ko makakasama sa pagiging EC yung iba kong kaibigan kahit na alam kong kayang kaya din naman nila ang trabaho, pero hindi ko naman kasi desisyon yun. Alam ko malaking responsibilidad ang aakuin ko pero aware naman ako dun mula pa nung una kong mapagdesisyunang tumakbo. Alam ko na kapag nagsimula na ang term namin ay tuluy-tuloy na trabaho ito and there’s no room to slack off. Kelangan mabalance ng mabuti ang oras, pera at atensyon, pordat, bibili na ako ng matinong planner. Pero ang pinaka-concern ko talaga ay ang gastos kasi hindi napupulot ang pera. Well, come to think of it… when we start working... it IS a never ending gastos... Never ending pagtatabi ng pera... pang events, panplano, pangkain, pang gimik (hehe, sabay ganun)... pero the rewards naman are priceless: happiness and fulfillment, the feeling of completeness and joy is actually more important than that popular concept of 'ginhawa'... I find a moment of laughter, of joy in gaining new friends, of happiness in knowing that you’ll be able to help to the best of your ability- despite the monotony of work and sacrifices - more rewarding than having comfort.. Siyempre when we look at it, the task ahead of us is daunting…pero come to think of it, what big responsibility isn’t daba? I’ll just have to work hard to do my best like what I’ve really planned from the start. Salamat sa lahat ng nagtiwala! :)
1 comment:
kaya nyo yan. i believe in you guys. and i think mas prepared ka for that responsibility kesa sa'kin. sabi ko naman sa'yo handa akong matalo. hehe di lang pala ako ang nakaramdam ng tension haha.
galingan nyo guys!
Post a Comment