Hala, naflip na. Nag-update na naman. Wala akong mahanap na isusuot sa photoshoot bukas. Me sinukat ako tapos tinanong ko kapatid ko, sabi niya mukha daw akong abstract, hehe, sa tingin ko nga rin. Meron pa akong isang sinukat, mukha naman akong losyang. Yung isa, oki lang, pero hindi ko pa rin feel. Bahala na, ang hirap kasi hanapan nung napili naming motif e.
Nagugutom ako. Hindi ako inaantok pero nagui-guilty ako na hindi ako natutulog kasi alam kong kelangan ko yun lalo na sa mga panahong ito. Kaso andami kong nainom na coke kanina e tapos nagkape pa ako. Nagugutom ako. Ay, nasabi ko na pala yun.
Ang saya talaga ng soundtrack ng 50 first dates, napaka... basta... makabagbag-damdamin? Parang ganun. Malungkot pero hindi. Well, madami namang ganung kanta e, masaya yung mensahe pero malungkot pa rin kasi hindi ka naman maka-relate sa kasayahan nung kanta. Maiisip mo lang na wala ka nung mga sinasabi nung kumakanta, na parang ang saya saya niya kasi inlab siya, na parang buo na ang buhay niya kasi meron na siyang mahal, pero kaw, wala lang, malulungkot ka lang ng lubos kasi wala ka nun. Twak! Ano ba ito? Nafi-flip na talaga ako. Kelangan ko nang gumimik. Kelangan na ng dibersyon. Grabe, ang tagal ko nang hindi gumigimik, namimiss ko na mga pinsan ko, siraulo kasi yung mga yun e. Ang galing galing nilang maghanap ng pang-aliw, kayang kaya naming ubusin ang magdamag hanggang umagahin na sa kakagimik sa kung saan saan. Naalala ko tuloy nung nag-Adonis kami, yak yak talaga, hindi ko na ulet gagawin yun sa buong buhay ko. Pero nakakatawa yun kasi dumating yung puntong parang wala lang, kebs na lang sa mga nasa stage. Pero kadiri talaga. Tapos nung isang beses na nag-Malate kami, bigla kaming nag-Tagaytay pagkatapos para magpalamig at mag-inuman out of sheer impulse at hanggang ngayon ay hindi alam ng mga magulang namin ang ginawa naming yun. Yun talaga ang isa sa mga pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. Grabe, miss ko na ang mga happening na nakalipas.
Pero iba na talaga priorities ko sa ngayon. Need to focus on the more important things. Tumatanda na e, hehe. Medyo sawa na rin ako sa mga inuman, hindi gaya dati na OA talaga ko uminom, patayan ba, bawal kasi sa aming tumigil hangga't meron pang iinumin o kaya man ay nagsusuka ka na. Hmmm... Nagdadalawang-isip ako kung ipu-publish ko ba itong entry na ito, napapaghalata ang mga kalokohan ko dati e, hehe, pero enjoy yun! Naloko na. Bahala na.
1 comment:
para kayong pang 'teen movies' hehe!
Post a Comment