Nag-overnight ulit kami nung Friday para sa 142. Whew, 3 consecutive Fridays na kaming nago-overnight dito sa bahay! Pero nitong nakaraang Biyernes masaya dahil…secret…kami lang ang may alam nun…hihihi, exciting!!! Pero nung umaga nabad-trip ako sa Ate ko, sobrang inuusig niya ako, bakit lagi na lang daw kami sa bahay gumagawa. Muntik na akong umiyak nang lubos nung sinumbong ko siya kay Mama. Hindi na tuloy ako nakapag-agahan. Ayun, diretso sa skul. Oki naman yung consultation namin may memorable na ginawa si Iche nung consultation, hindi ko talaga makakalimutan yun, ang saya!!! Kinuwento ko pa nga yun kina Mama at natawa din sila. Pero pagkatapos ng consultation sobrang bangag na ako kaya umuwi na ako agad at siya nga, pag-uwi ko kumain lang ako sandali tapos nakatulog agad. Ang dali ko na naman mapagod, maybe it’s that time of the month na soon. Hehe.
Nagkaroon ako ng mga sugat sa wrists ko dahil dun sa liquid na ini-extract namin, may blisters na siya at nung pinakita ko kay Mama pinagalitan pa ako, kesyo magpepeklat na daw yun ekek. At ang exag ha, magjacket daw ako sa lab, yung tipong balut na balot talaga para hindi daw ako madampian nung asido. Pero magla-lab gown na ako this week para mas safe naman. Nakakabangag tumambay sa lab habang kumukulo yung mga mixture, puro ethanol na nalalanghap namin. Lagi tuloy akong bagsak pag-uwi sa bahay.
In furnace, tumira kami sa lab this week, as in lumalabas na lang kami para kumain at pagkasara ng lab at nung nag-job fair. Pero keri lang, at least may net na sa lab at dinadala din naman ni iche laptop niya kaya nakakagawa rin kami ng ibang mga bagay. Hindi kami makakapag-lab for two days kasi may gagamit ng work area namin kaya kelangang gumawa muna ng ibang bagay. Mami-miss kita lab!!! Yak, ang baduy, wahaha!!!
Gusto ko manood ng Kombo Kombo this Tuesday, 20 pesos lang kasi tapos 16 bands. But no!!! Plant visit sa Wednesday kaya I’m torn. Pero namimiss ko na rin kasi high school friends ko, nag-MIA na naman ako ulit e. At wala pa rin akong napupuntahan show ng deltajoy maliban sa Maskipaps. Kaso nung unang plant visit kasi kung hindi pa ako tinext ni Louie, hindi ako nagising ng maaga kahit na nag-alarm ako, hindi na nga ako nakapag-shampoo nun sa sobrang madali e. Baka ngayon maiwanan na ako nang tuluyan pag pumunta pa ako dun sa gig. Bahala na, depende sa mood. If ever pumunta ako, hindi na lang ako iinom ng anything alcoholic o kaya man hindi na talaga ako matutulog para siguradong hindi ako ma-late. Ewan.
Napupuyat ako sa insaniquarium na ito a. Pero kanina habang naglalaro, ang dami kong napulot na aral. Hindi kelangan maraming-marami ang isda, oki na yung hindi masyado puno ng guppies yung tank pero kayang buhayin ang mga carnivores at ultracarnivores. Ika nga ni Erma, “law of diminishing marginal returns”, ayos na ang hindi masyado marami basta yung matitira ay productive at abot pa rin naman sa target ang nagagawa. Kaso syempre kelangan ingatan yung konting natitirang yun. Nakakainis pag bumibili ako ng pagkamahal-mahal na ultra-carnivore tapos miminsan lang na papatayin ng mga epal na aliens na yan, dead ang 10,000 dollars ko, minsan tatlo pa silang mamamatay sa isahang tirahan lang, 30,000 dollars na yun!!! hmp!!! Pero syempre hindi rin naman dapat pabayaang basta-basta na lang mamatay yung mga guppies, kahit minsan hindi talaga kinakaya ng powers na mapakain ang lahat, dapat pa ring gawin lahat para maalagaan sila. Hokei, ang OA ko na, insaniquarium lang ‘to. Pero aliw noh?
Tinatamad ako pumunta sa *tooooooooot*, kaso saying sa pera at lahat ata pupunta. Wateber, na-K-KJ mode na ako e. Pag iniisip ko kasi nakakatamd mag-prepare and stuff. Hehe, what a viscious cycle. Bahala na, kung may willing na pumalit sa slot ko oki lang na hindi ako pumunta. Pucha, ang corny ko, pero nakakasawa na kasi.
Haha, kamusta naman sa horoscope ko for today, so appropriate:
The stars are telling you that it's time to get out of a rut. The best way to do that? Take off for parts unknown as soon as you can. If you can't get out of town, explore a new neighborhood or see a foreign film.
Why not?!
Artist: Jack Johnson
Song: Banana Pancakes
Album: In Between Dreams
[Buy "In Between Dreams" CD]
You hardly even notice
When I try to show you this
Song it's meant to keep you
From doing what you're supposed to
Like waking up too early
Maybe we could sleep in
I'll make you banana pancakes
Pretend like it's the weekend now
And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
There ain't no need to go outside
But just maybe, hala ka ukulele
Mama made a baby
I really don't mind the practice
Because you're my little lady
Lady, lady love me
Because I love to lay here lazy
We could close the curtains
Pretend like there's no world outside
And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
There ain't no need to go outside
Ain't no need, ain't no need
Can't you see, can't you see
Rain all day and I don't mind
Telephone singing, ringing, it's too early
Don't pick it up
We don't need to
We got everything we need right here
And everything we need is enough
It's just so easy
When the whole world fits inside of your arms
Do we really need to pay attention to the alarm
Wake up slow, wake up slow
But baby, you hardly even notice
When I try to show you this
Song it's meant to keep you
From doing what you're supposed to
Like waking up too early
Maybe we could sleep in
I'll make you banana pancakes
Pretend like it's the weekend now
And we could pretend it all the time
Can't you see that it's just raining
There ain't no need to go outside
Ain't no need, ain't no need
Rain all day and I really really really don't mind
Can't you see, can't you see
We've got to wake up slow
Slow down everyone you're moving too fast... Frames can't catch you if you're moving like that...
Sunday, January 29, 2006
Sunday, January 22, 2006
Random Random
Kakainactive lang ng nonstop ko sa globe. I love globe! Ay, anlabo nun a. Anyway. Kaninang umaga nagpunta kami ni Erma sa Antipolo para maghanap ng kasoy shells para sa 136. Ang mahal ng pamasahe galing masinag a, 15 pesos for a jeepney ride up! Pero nag-enjoy naman ako sa biyahe, so reminiscent of going up to Baguio minus the very cold weather and painful butt from the long trip. Ayun, ang ganda naman ng view, second time ko pa lang kasi nakaakyat dun, una yung nagparehistro ako para sa eleksyon.
Pag dating ko dun, dumiretso ko sa McDo. Kaso late na pala nakaalis ng bahay si Erma kaya naghintay muna ako. Kaya tada! Ilabas ang Ang Pao ng McDo! Nakapaglunch ako for 25 pesos, nyaknyaknyak! Pagdating ni Erma, nagtanong na kami kung saan nakakakuha ng balat ng kasuy. Buti na lang super helpful nung isang ale at mega inalalay niya kami sa paghanap, tinawagan niya pa yung bagsakan/lutuan ng kasuy at hinanap niya kami ng trike na marunong pumunta dun. Pagdating namin dun, me nakausap kaming isang mama, sabi niya ubos na daw yung balat kasi hinakot na siya kahapon at nanlulumo na kami. Pero kakaiba kasi naaaninag naman namin yung saku-sakong parang pakiramdam namin ay balat dun sa may bandang sulok. Buti na lang naisipan niyang tanungin yung parang amo at yun na, lasing pala yung manong na nakausap namin! Asus! Tanghaling tapat lasing, tama ba yun!? In furnace, sobrang namumula yung mata niya kaya hindi naman nakakapagtaka. At siya na nga, hindi kami nagkamali, yung mga sako ay puno ng cashew nut shells! Jackpot! Hehe, babaw. Ang saya, feeling plant visit, andun din yung lutuan. Picture picture pa kami ni Erma dun no, syempre dapat may ebidensya, hahaha! Bumili kami ng sampung kilo. Ang bait din nung ale dun. Nakakatuwa kasi ambabait ng mga taong nakausap namin. Ambabait pala ng mga tao sa Antipolo, hehe. At nung pauwi na kami nakakatuwa kasi parang sikat na ang CNS sa pagkakaroon ng asido kahit na mga karaniwang tao lang alam nila yun, astig. Bago kami sumakay bumili ako ng suman, si Erma bumili ng kalamay bago kami pumunta sa biyakan. Kaso sana bumili din ako ng kalamay kasi yun pala yung mas gusto ni Mama, umarya na naman kasi ang kakuriputan ko e. Ang saya, hindi kami nabigo sa pagpunta namin dun. Bow.
Pag-uwi ko naabutan ko pa yung laban ni Pacquiao. Ang galing, nanalo siya!!! Mabuhay!
Tapos nun, gumawa na akong ng mga assignments, app forms. Yada yada yada. Fast forward.
Syempre, hindi ko pwedeng i-miss ang TV night ko, Joey-Fran-Will and Grace-F combo ito. Nakakainis yung F, parang naiiyak na ako nung pinapanood ko siya kanina lalo na dun sa night life segment. Hay, miss ko na maglakwatsa. Ngayon kasi ang depinisyon ko na ata ng gimik ay plant visit! Napaka-geeky. Pero oki lang rin, mami-miss ko din to after grad (ata). At masaya naman ako sa mga topics namin sa 136 at 142 kahit haggaran talaga. At saka feeling ko super close na kami ng grupmates ko, si Raissa, Lui, Iche at Erma. Special mention ke Erma at Iche kasi si Iche sa 190 lang naiba, si Erma naman talagang mega block-mate ko this sem sabay magka-way pa kami pauwi kaya ewan ko na lang.
Lapit na matapos term namin, sadness. Super mami-miss ko EC-mates ko. Pero aasikasuhin ko muna Talentine. Dapat masaya! Kasi wala akong Valentine's date, nyaknyaknyak ulit.
Kakaiba, hindi pa ako inaantok. Minamahal ko na si Jack Johnson, ang soothing ng mga songs niya, parang John Meyer na Coldplay na Maroon 5. Salamat sa pinsan ko, binigyan niya kami ng softcopy nung album e. Masyado na ata akong nasanay magpuyat. Naku, baka ma-late ako sa meeting time namin bukas sa 136, magagalit si Miss Minchin Erma. Tutulog na ako. Gud am sa lahat!!!:)
Inaudible Melodies
Jack Johnson

Brushfire fairytales
Itsy bitsy diamond wells
Big fat hurricanes
Yellow bellied given names
Well shortcuts can slow you down
And in the end we're bound
To rebound off of we
Well dust off your thinking caps
Solar powered plastic plants
Pretty pictures of things we ate
We are only what we hate
But in the long run we have found
Silent films are full of sound
Inaudibly free
Slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Inaudible melodies
Serve narrational strategies
Unobtrusive tones
Help to notice nothing but the zone
Of visual relevancy
Frame-lines tell me what to see
Chopping like an axe
Or maybe Einstein should just relax
Slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Well Plato's cave is full of freaks
Demanding refunds for the things they've seen
I wish they could believe
In all the things that never made the screen
And just slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Slow down everyone
You're moving too fast
Frames can't catch you when
You're moving like that
Moving Too....
Sunday, January 15, 2006
Kung anu-ano lang
Hello!!! Wala lang, naghahanap lang muna ako ng outlet, nahahaggard na kasi ako e. Kahapon ang dami dami kong inisip na dapat gawin pero nakalimutan (uy, pinapatugtog ang all i have, gusto ko to e) kong may pagsamba pala ng umaga at binyag ng pamangkin ko sa hapon. Maaga ako natulog at maaga nagising pero nung ini-install ko na yung Visio, nagloloko yung burner at hindi niya mabasa. Ang tagal tagal ko sa pag-aayos sa Visio na yan, factsheet! Hindi ko rin naman naayos agad. At nagloloko rin kasi yung profile ko kaya gumawa pa ako ng bagong profile at na-OC pa ako at binutingting ko pa yung mga programs na nakuha ko ke iche nung nag-142 kami dito nung Friday. Ang dami ko nang games! Pero hindi ako masaya kasi hindi ko naman malalaro. Buti na rin nagpunta kami sa pinsan ko kasi dun ko inayos yung visio at gumana na siya pag-uwi ko. Nakakahiya nga e, eat and run ako, ang dami pa kasing gagawin e. Mukhang mas magiging haggard pa ang mga susunod na linggo, sana kayanin. Kahapon nga e, sabadong sabado hanggang 6 nasa skul pa ko, kasi naman si ma'am pagkatapos ng isang oras na consultation me pinagawa pang madami sa amin. Oki na rin, at least ayos na yun, gagawin din naman namin yun sooner or later kaya mabuting matapos na. Pero natutuwa ako kasi may pinabasa sa aking patent si Miss Minchin No.2 (aka Erma) at mukhang may future ang CNSL sa fuel additive, nyahaha! Sana magawa namin ito, syet, nae-excite ako! Marian Fidel, humanda ka! Pero mas masaya sana kung may stipend na ano? Factsheet na DOST yan!!! Hindi ko na tuloy na-claim yung gradpic ko, wahehe. Yaan mo na, makukuha ko rin yan balang araw, hindi ko rin naman masyado feel kunin e. At balita ko lumipat na ang F3 sa Recto, napaswerte ko talaga. Akala ko pa naman madali ko lang makukuha kasi sa UST lang ang kapatid ko. Hay, sana maging mas oki ang buhay ko. Akala ko pa naman masaya ang pagpasok ng taon, pero EOEA na pala agad at sobrang napagod kami dun. At lumalala rin ang sitwasyon dito sa bahay, wala na akong magawa kundi tanggapin lang ang kahit ano mang sibihin ni Mama. Pag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot. Nalungkot pa ako sa nangyari sa kaibigan ko nung high school, putek, hindi ko pa siya natatawagan, sabi ko pa naman tatawag ako this weekend. Ang lungkot talaga, naka-relate pa kasi ako sa problema nila. Wala na akong oras para sa relaxation a. Ganito ba talaga dapat? Siguro nga, at 10 units lang ako sa lagay na ito. Pano pa kaya si Louie? Louie pasensya na kung hinahaggard ka na namin a at nakakahambalang na kami sa Memcom duties mo, kung nasan ka man ngayon, pasensya. Naku, pag nabasa 'to ng mga Miss Minchin namin(Iche at Erma), baka pagalitan ako nyan. Alert alert!!! May 126 pa! Nyahaha, ang saya pala magsulat ng ganito, walang tigil sa pagtype, sulat lang kung ano ang maisip. Ayan, wala na tuloy ako maisip. Tama na nga. Time's up. Mabuhay ang lahat ng may plant design at 136! Babay.
Saturday, January 07, 2006
High School Days
1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag flag ceremony?
Kasi lagi ring nahuhuli yung crush ko, para maganda ang view!!! Nyahaha!!!
2. Anong favorite mong bilhin sa canteen?
Cadbury Timeout, clubhouse na pizza flavor, at chocolait, Saint Pwe Pizza
3. Na-guidance / principal’s / ARO ka ba?
Hindi naman ata, yung regular chenes exam lang sa guidance
4. Sinong favorite teacher(s) mo?
Ma'am Sanchez (Pinoy), Ma'am Bawagan (World History), oki rin si sir Job at Jleg. Pwede na si Ma'am Vea, marami rin ako natutunan kay Ma'am kaso parang habang tumatagal nagiging masungit siya, lalo na nung latter part ng 3rd year bio at Cell Bio elective nung 4th year.
5. Sinong most hated teacher mo?
Sir Coronado, hands down. sa kanya ako unang nakatamo ng bagsak na exam, earth sci yun, lech.
6. San ka usually tumatambay?
nung extern pa ako sa front lobby pag hapon, canteen pag lunch time, minsan back lobby. nung dormer na ako, sa dorm, hehe.
7. Your most unforgettable experience?
Dami e, yung pagti-trip ng jadeng kay mam florentino.
Nung natuto akong mag-bike nung fair.
Nang umiyak ako, fair ulit.
Carpoolmates lakwatsa.
Playing sita in ramayana, halos hindi man kami nag-usap ni rama during the whole play, nung pinahuli ko lang yung golden deer.
Iliad, nasa stage ako during the whole play and I had to speak at the top of my lungs forever para marinig ng audience, narrator kasi ako.
The little notes that I exchanged with my barkada lalo na nung hindi na kami magkakaklase, it really cheered me up, they were just the sweetest.
Pagkuha ng soil sample sa pasig na kadiri talaga sabay nag shangrila kami after.
Muon party.
Yung unang bagsak na iniyakan ko ever.
Nung finally nagdorm ako, sabay naging extern yung crush ko, shet.
Jade Party sa bahay sa Antipolo.
Nung nawalan ng tubig for three days straight at hindi na-suspend ang klase, sabay sinuspend for three days naman, nung may tubeg na, wirdo talaga yun.
Nung napaiyak namin si Mam Mariano, wahaha, ang evil.
Basta madami, nakakahiya, nakakasaya, nakakalungkot at kung anu-ano pa.
8. Most unforgettable anything in high school?
Hmmm...first day of classes, late kasi ako nakapasok, mga more than a week late.
9. Varsityme?
Masyado akong magaling for varsity, bawal daw may superpowers dun e.
10. Sinong unang nakilala mo nung high school?
si Jakes or Shayne or Dea or Nikki J. Bigla kasi nila akong kinulit nun e, kasi nga latecomer ako.
11. Sino-sino kabarkada mo nung high school?
Mims, Nics, Ange, Celine, Soli plus may iba pa akong close friends na hindi naman talaga barkada.
12. Namimiss mo ba uniform mo?
Never, I hated it.
13. Ilang beses mo nawala ID mo?
Hindi ko maalala e.
14. Favorite teacher’s quotable quote?
Hindi ako masyado magaling umalala nyan e, but I remember Ma'am bernal forcing my classmate to "SHRIEK!!!" as in sinisigaw niya talaga yun at lagi niya kaming sinabihan na she likes spaghetti and meatballs in our essay answers. Si Sir Cipriano naman tinatawag na Gretchen lahat ng babaeng estudyante kasi hindi niya kabisado mga pangalan nila.
15. Most unforgettable person?
Syempre berks. at yung mga maintenance na may pangalan sa likod gaya ni Eliseo et al.
16. Best friend nung high school?
Basta mga kabarkada ko.
17. I-describe ang mukha mo sa grad .
Baboy!!! Double Chin, ang pangit ng hair ko, maiksing alanganin
18. Anong binibili mo sa labas pag uwian?
Nung sa carpool lagi kaming pumupunta sa starmart or sa cherry foodarama, minsan nag-grocery kami ng mga ka-service ko para may pagkain habang naglalaro sa sasakyan ng kung anuman, cards or the like, minsan jollibee or greenwich. Pag may pera kumakain kami ng Mexican food sa Miggy's sa may Visayas or Project 8, sarap! Basta masaya sa carpool nun e, para kaming barkada, puro pa siraulo mga kasama ko, pag walang pera, utangan galore. Lagi tuloy nagagalit si Mama kasi kung kelan nagcarpool ako saka lagi akong late umuwi.
19. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
Wala naman, pero lagi ako nagugulat sa mga pusa sa dorm noon. May nagpakamatay na kasi dun sa may wing namin e. May isang beses nakatulog ako tapos pag-gising ko madilim na tapos super hindi ako makaalis sa kama ko, nusa upper bunk kasi ako, tapos super dilim sa kwarto at bigla talaga akong inatake ng takot. hindi ako nakadilat at nakagalaw hanggang sa dumating na yung isa kong room mate at binuksan yung ilaw. Abnormal ko talaga nun.
20. Nangarag ka ba sa updating / paghahabol sa graduation?
Hind ata masyado, class officer pa kasi ako noon kaya sila ang naghahabol sa akin kasi treasurer ako and they will not be cleared unless pirmahan ko clearance nila, mwahaha!!! dun sa ibang papirma, basta hindi ako magpapapirma unless sure na pwede na, ayoko ngang pahirapan sarili ko noh.

Subscribe to:
Posts (Atom)