Slow down everyone you're moving too fast... Frames can't catch you if you're moving like that...
Sunday, January 15, 2006
Kung anu-ano lang
Hello!!! Wala lang, naghahanap lang muna ako ng outlet, nahahaggard na kasi ako e. Kahapon ang dami dami kong inisip na dapat gawin pero nakalimutan (uy, pinapatugtog ang all i have, gusto ko to e) kong may pagsamba pala ng umaga at binyag ng pamangkin ko sa hapon. Maaga ako natulog at maaga nagising pero nung ini-install ko na yung Visio, nagloloko yung burner at hindi niya mabasa. Ang tagal tagal ko sa pag-aayos sa Visio na yan, factsheet! Hindi ko rin naman naayos agad. At nagloloko rin kasi yung profile ko kaya gumawa pa ako ng bagong profile at na-OC pa ako at binutingting ko pa yung mga programs na nakuha ko ke iche nung nag-142 kami dito nung Friday. Ang dami ko nang games! Pero hindi ako masaya kasi hindi ko naman malalaro. Buti na rin nagpunta kami sa pinsan ko kasi dun ko inayos yung visio at gumana na siya pag-uwi ko. Nakakahiya nga e, eat and run ako, ang dami pa kasing gagawin e. Mukhang mas magiging haggard pa ang mga susunod na linggo, sana kayanin. Kahapon nga e, sabadong sabado hanggang 6 nasa skul pa ko, kasi naman si ma'am pagkatapos ng isang oras na consultation me pinagawa pang madami sa amin. Oki na rin, at least ayos na yun, gagawin din naman namin yun sooner or later kaya mabuting matapos na. Pero natutuwa ako kasi may pinabasa sa aking patent si Miss Minchin No.2 (aka Erma) at mukhang may future ang CNSL sa fuel additive, nyahaha! Sana magawa namin ito, syet, nae-excite ako! Marian Fidel, humanda ka! Pero mas masaya sana kung may stipend na ano? Factsheet na DOST yan!!! Hindi ko na tuloy na-claim yung gradpic ko, wahehe. Yaan mo na, makukuha ko rin yan balang araw, hindi ko rin naman masyado feel kunin e. At balita ko lumipat na ang F3 sa Recto, napaswerte ko talaga. Akala ko pa naman madali ko lang makukuha kasi sa UST lang ang kapatid ko. Hay, sana maging mas oki ang buhay ko. Akala ko pa naman masaya ang pagpasok ng taon, pero EOEA na pala agad at sobrang napagod kami dun. At lumalala rin ang sitwasyon dito sa bahay, wala na akong magawa kundi tanggapin lang ang kahit ano mang sibihin ni Mama. Pag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot. Nalungkot pa ako sa nangyari sa kaibigan ko nung high school, putek, hindi ko pa siya natatawagan, sabi ko pa naman tatawag ako this weekend. Ang lungkot talaga, naka-relate pa kasi ako sa problema nila. Wala na akong oras para sa relaxation a. Ganito ba talaga dapat? Siguro nga, at 10 units lang ako sa lagay na ito. Pano pa kaya si Louie? Louie pasensya na kung hinahaggard ka na namin a at nakakahambalang na kami sa Memcom duties mo, kung nasan ka man ngayon, pasensya. Naku, pag nabasa 'to ng mga Miss Minchin namin(Iche at Erma), baka pagalitan ako nyan. Alert alert!!! May 126 pa! Nyahaha, ang saya pala magsulat ng ganito, walang tigil sa pagtype, sulat lang kung ano ang maisip. Ayan, wala na tuloy ako maisip. Tama na nga. Time's up. Mabuhay ang lahat ng may plant design at 136! Babay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment