Kanina, nung pauwi ako, natakot ako bigla. Pakiramdam ko kakaiba yung paligid. Nag-umpisa nung pagbaba ko sa jip sa katipunan, pakiramdam ko ang konti ng mga tao, pati na ng mga sasakyan, ni hindi man ako nahirapang tumawid. Tapos yung nasakyan kong jip kakaiba, walang konduktor tapos ang tahimik nung makina at ang dilim nung loob, tapos wala ding radyo, kinilabutan talaga ako. Basta kakaiba talaga, hindi ko rin maintindihan, tapos pati yung langit kakaiba, walang mga ulap at bituin pero parang nakakatakot yung liwanag. Bumaba ako sa Robinson's kasi magpapaprint sana ako pero ang aga nagsara nung mga tindahan, mga 8:30 pa lang naman yun. Tapos bababa sana ako sa Masinag pero naaninagan ko na sarado na rin yung mga pwede kong puntahan. Naglakad ako pauwi mula highway kasi naghahanap pa rin ako ng computer shop tapos wala na namang masyadong tao sa paligid. Dun pa sa pagpapaprintan ko sana, tokwa, ang daming nag-iinuman. Basta kakaiba ang hangin. Wirdo ko na ba? Basta natakot talaga ako kaninang pauwi samantalang nakauwi na naman ako nang di hamak na mas gabi pa. Buti na lang nasa bahay na ako, siguradong ligtas.
Anyway, mag-isa na lang ako ngayon sa baba at ayoko na magmuni-muni sa mga kawirdohan ko kanina. Last week was such a sickly week for me. Nung Wednesday hindi ako nakapasok kasi nilagnat ako, Monday pa lang hindi na oki pakiramdam ko kasi la ko gana kumain tapos ala pa ako kasabay, buti na lang kahit na late na, nakapag-lunch pa din kasi si Iche hindi pa rin pala kumakain. Pero nung Tuesday tinamad na talaga ako. Nung Thursday naman pumasok ako pero nung mga after lunch nangangati na mukha at kamay ko. Paguwi ko may mga pantal na ako. Pagkagising ko naman, wala na, iba na itsura ko, para akong nabugbog sa pamamaga. Hindi ako pumasok nung umaga kasi medyo malala talaga. Pero pumasok pa rin ako nung hapon kasi ayoko na maka-miss ng 136 namin at me 142 overnight kami kinagabihan. Ayun naman, pumasok ako nang may mga pantal sa muka at namamaga ang mata, kahindik-hindik. Pero keri lang, hindi naman na lumala. Ang salarin: palabok.
Kaka-exam lang namin. Wala akong masabi talaga sa halimuyak ni Sir! Hoohoo! Sa may aisle pa naman ako nakaupo at lagi siya dumadaan malapit sa akin. Yeesh!
Ayun lamang. Magsasagot pa ako ng app form e. Grabe, I'm sick and tired of app forms na talaga!!!
No comments:
Post a Comment