Napansin ko na naging sobrang makakalimutin ko na nitong mga nakaraang linggo. Sa sobrang makakalimutin ko ay:
- Pag bumubunot ako ng panyo ko sa bulsa ng jacket ko na iniiwan ko sa opisina, mapapagalaman ko na may apat na panyo na ang nandun
- Nung isang beses, sumakay na ako sa tricycle at nasa may bungad na kami nang mapagtanto ko na naiwan ko pala wallet ko sa bahay, pinabalik ko pa ulet yung trike sa bahay
- Lagi na lang bukas ang trolley ko pagdating ko sa office, nakakalimutan ko kasi ikandado
- Pagpasok ko isang araw, natakot ako kasi wala sa trolley ko yung PC ko, at nung hinanap ko, nakakalat lang siya dun sa lapag sa isang sulok ng area namen sa opisina, putek
- May gamot kasi akong gamit ngayon at kaninang umaga, sa sobrang makakalimutin ko, tatlong beses ko siyang ininom kasi nakakalimutan kong nainom ko na pala siya, dapat isa lang
- Lagi na lang ako tumatawag sa office para sabihin na pakihanap at pakitabi yung charger o headset ko kasi naiwan ko na naman
Malamang may mga iba pa e, hindi ko lang maalala.
Masyado nang madalas ito, e hindi naman ako ganito dati. Bakit kaya?
1 comment:
haha. nagkakaiche-syndrome ka ata kaya lang times three!
nangyayari rin sakin yung maraing panyo, pero hanggang dalawa lang ako.
awa anng diyos di pa nangyayari sakin yung naooverdose sa gamot hha!
malamang, dahil marami ka iniisip.
Post a Comment