Friday, March 21, 2008

Umuusok na Maundy Thursday

KABOOM!!! Nasa kwarto ako nun sa condo. Nagising ako dun sa pagsabog. Tapos... tapos... natulog ako. Uieeeoooeuieeeooo!!! Nagising na naman ako kasi ang ingay ng mga sirena. Maya-maya... natulog ulet ako. Pero dahil ako ay ako, hindi rin ako talagang nakatulog nang tuluyan, paikut-ikot lang sa kama. Hanggang sa tinawag ako ni Ludivine, "Maita...". Nun, medyo nagkaroon na ako ng ulirat at sumagot ako, "ano yun? ano nangyayari?", may konting pagpapanggap kasi inaantok pa ako. Sumilip kami sa bintana at aba, hindi na biro, nagtatakbuhan na ang maraming mga tao sa kalsada, may dala-dalang appliances at kung anu-anong gamit. At kasama nila, may mga limang trak ng bumbero na nakaparada sa kanto ng Vito Cruz at Pasong Tamo (este, Chino Roces pala, sori naman). Syempre pagkakita ko nun, tayo na ako agad, sabi ko nuod kami TV sa sala para makita kung ano yung nasusunog. But no! Today is a Maundy Thursday, therefore, walang palabas sa local TV!!!

Lumabas na din si Vida, Joan, at nagising na si, si, si Queenie (medyo nahirapan ako alalahanin pangalan niya a). Tapos ayun, konting balitaktakan na may kasamang excitement, takot ang kung anu-ano pa, mga 5 mins yun. Naisip na din namin bumaba at tingnan kung saan nagaganap yung sunog. Yan na, sakay ng elevator papuntang PL. Paglabas ng elevator, WHOA, Pot@n*nech! Parang may isang pader ng sumasayaw na apoy sa ibabaw ng pader ng likod ng Kingswood, mind you, hindi lang ito usok kundi apoy!!! Josko, nasusunog pala yung squatter's area sa likod ng condo! Yun yung tipong akala ko hanggang sa special effects lang sa TV ko mapapanood. Na-amaze talaga kami lahat grabe at pinanood namin yung umaatikabong palabas na yun sandali.

Lumabas kami para tingnan kung san yun sakto, kasi yung iba nga sa amin gaya ko, ni hindi man alam na may squatter's dun. Iba-iba reaksyon namin:

Joan: sobrang excited, kulang na lang samahan niya yung mga bumbero sa loob ng sunog
Weenie/Queenie, watever: Mega panic, gusto na mag-alsabalutan at umuwi sa Pampanga
Ludivine: As usual, hindi ko ma-gets, parang nag-aalala, na hindi naman talaga, na natatakot, na hindi rin naman, ewan! May ka-text siya
Ako: Mejo not enough vitamins, sunod lang ako ng sunod sa kanila kasi ayoko lang mahuli sa balita. Minsan magsasabi ako ng kung anu-ano para "in" ako sa usapan. Pero sa totoo lang, gusto ko na umakyat at matulog. Naisip ko din, buti na lang walang news kundi tapos ang maliligayang araw ko sa condo.
Vida: Feeling ko parang ako din.

Pero yun, dahil nakashort shorts ako, at sila naman ay nakapantulog lang din, bumalik na kami sa condo. Tumambay sa PL, kahit na hindi ko magets kung baket namin ginagawa yun, samantalang wala naman nang ibang mangyayari. Nauusukan lang kami kasi napupulaan na rin yung apoy. Pero sabi ko nga, ayoko mahuli sa balita kaya nakisabit na lang. Umakyat na din kami. Dumiretso na ako sa kwarto, sinara ang bintana kasi mausok, naisip kong kawawa naman yung mga nawalan ng bahay ngayong Holy Week (sincere to) at natulog.

Moral Lessons:
- Ang maraming foreigner sa Kingswood ay naglalabasan pag may mga ganitong komosyon, kaya dagdag attaction na din. Pwede pwede.
- Wala akong kwenta, pag nagkaroon ng airstrike, patay ako.

2 comments:

Richelle said...

scary na exciting hehe! mejo malayo naman a sa condo niyo? san ba condo niyo?

Superproxy said...

Sobrang lapit!!! Right behind Kingswood, yung condo namin. Exciting talaga, welcome bakasyon talaga