Saturday, January 02, 2010

I love My Brus

Nag-Christmas chorva kami kagabi nung College berks ko sa Antipolo. Grabe, na-miss ko sila!!! Ang mga usapang kakikayan at career. Pero grabe, tumatanda na talaga kami, kasama na sa pinag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal, pag-iipon at pagpapamilya. Dyusme, ni wala pa nga akong boypren, at sa totoo lang hindi ko pa rin makita ang sarili kong nagpapasakal in the near future. Hindi lang talaga ako ganung klaseng tao. Pero gusto ko rin naman magkapamilya syempre, hindi lang yun yung tipo ng bagay na pinagtutuunan ko ng pansin sa mga panahong ito.

Ayun, masaya naman. Kahit jologs yung receptionist at parang gusto na siyang saktan nila Erma dahil hindi siya accommodating. Napa-rent pa tuloy kami ng cottage kahit di naman kelangan at naulan-ulanan pa kami. And pordat, isang oras lang tulog ko at pauwi humataw na ako galing tikling nang mahatid na sila agad at makauwi sa pinakamadaling panahon.

Nakakaaliw talaga yung ganitong klase ng pagkakaibigan. Kung tutuusin halos isang taong ko na silang hindi nakakasama (nung kasal ni Gidget di naman kasi kami gaano nagkausap). Pero parang pakiramdam ko last week lang kami huling nagkita at kung paano kami nung college ganun pa din hanggang ngayon. I love you friends!






At dahil sa mga kaganapan kagabi, gagawa ako ng to-do list:
- Upload ng pictures namin
- Lamunin yung chocolates na bigay ni Bars (pati yung para kay Allan, hahaha)
- Aralin ang paggamit ng LX3 at install sa PC yung software
- Basahin yung regalo ni Erma
- Tumunganga, magpahinga at matulog ng bonggang bongga!!!

Ayun. Hintay hintay pa akong matapos tong inu-upload ko. :)

2 comments:

iche said...

in fairness ganon din observation ko, parang last week lang nong huli tayong nagkita. parang college lang. haay namiss ko ang girly bonding.

at ang sarap ng chocolate ni bars, ubos na.

Superproxy said...

Haha, diba? Kakaiba, parang no time in between. Pinipigilan ko pa yung sarili ko na ubusin yung chocolates. Pero ang sarap nga!!!