Tama si Angel, nasa state of limbo ako ngayon. In-betweens are always the most difficult. Limbo sa work, family, at love life (apparently).
Ewan kung nabanggit ko na, pero kwento ko na rin. Ayun, more than 1 year na ganun pa din kami if not worse. Ang mga damdaming parang mga baklang takot na takot magladlad sa pangambang baka hindi matanggap ng isa't isa ang katotohanan. Ngayon aalis pa siya, naloko na. Hindi ko na talaga alam kung ano'ng dapat kong gawin o kung may ginagawa nga ba dapat ako. Hay naku, hindi ko na talaga alam. Dinadaan ko na lang sa dasal at iyak. Ang lungkot lang.
Ang hirap kasi e. Alam ko naman kasi na may mga bagay akong gustong magawa na hindi talaga swak sa sitwasyon. Pero kung ano man ang maisipan kong gawin, meron at meron talaga akong mabibitawan. Sa bawat malaking desisyon ko damay talaga ang malalapit na tao sa paligid ko.
Sa masaya naman, nag-Subic kami ng teammates ko nung weekend ng umaga para magpa-reserve ng venue para sa Team Building namin:
Sa hapon naman, sumama ako sa Ad Hoc lakad ng mga HP friends ko nung hapon sa Pansol. Hehehe, ang saya lang, first time ko mag-drive sa SLEX! At syempre masaya pa lalo kasi siya yung nasa passenger seat. Sorry naman, at sa kasamaang palad ay ako ang may sasakyan sa amin.
Pero siyempre sa hinaba-haba ng magdamag hanggang tanghali, hindi namin napag-usapan ang ang tungkol sa "amin". Medyo nakakailang pa, tinutukso kami ng walang humpay. Hindi tuloy namin basta matabihan ang isa't isa dahil konting QT lang, pinagpi-piyestahan na nila. Hay! Hindi nakakatulong mga friends! Buti na lang maaga siya nagising at ako din naman kaya mga dalwang oras nagvi-videoke kami ng kaming dalawa lang. Pero teka teka teka, may napapansin akong isang bruhang pumapapel sa eksena, hindi nakakatuwa. Masagasaan nga minsan.
No comments:
Post a Comment