
Dahil lumipat na kami sa UP Ayala Technohub site, kelangan mag-food trip  sa Alma Mater namin ni Jason at Pao. At siya na nga! Bilang puro mga  barako ang kasama, at pagbukas ng elevator sa ground floor ay saktong  kakadating lang ni Jaime, si Vaj ni Pao ang aming school bus dahil dun  lang kami magkakasya. :D
Ayun, sinubukan namin sa dalawang isawan  sa UP kaso parehong kakabukas lang kaya lumipat kami sa Faculty Center.  Marami namang nakain ang mga tao, fishball+hotdog+kwek kwek+cheese  sticks. Si Noel at Jay hindi mapakali, parang nasa buffet lang.  Pagkatapos kumain, jabar na ang mga tao, lalo na ang dalawang ito!  Hahaha.

Sa aming bagong opisina naman, kung kakalimutan ang  katotohanang mas malayo siya kaysa Eastwood, maaliwalas naman kung  tutuusin. Maliwanag,  maluwag at mas may privacy ang work stations namin  sa office, saka green siya, my favorite color! Napipilitan din kaming  mag-exercise dahil lahat mas malayo namely CR, kainan, at hi-way. :P
At  malaki ang pantry!!!! Pag may dumating na bagong grupo ng kakain, hindi  kami required tumayo at lumayas para lang may malibreng upuan. Kasi  maraming iba pang pwedeng pwestuhan, parang canteen lang! Maganda rin  naman ang view sa mga bintana. Sa bandang likod forest kung saan  matatagpuan ang Microstop. Sa may harap park-park-an na may mga bibe,  bulate at hyper na mga sprinklers. Pag umuulan, pwedeng pwedeng  mag-emote, wagi.
Afu, malamang ay iiling-iling ka pag nabasa mo  to, pero wag ka kasi mag East Avenue, mag Q. Ave ka!!! Ang mga tao  pumupunta lang dun pag kukuha sila ng birth certificate! :P