Dahil lumipat na kami sa UP Ayala Technohub site, kelangan mag-food trip sa Alma Mater namin ni Jason at Pao. At siya na nga! Bilang puro mga barako ang kasama, at pagbukas ng elevator sa ground floor ay saktong kakadating lang ni Jaime, si Vaj ni Pao ang aming school bus dahil dun lang kami magkakasya. :D
Ayun, sinubukan namin sa dalawang isawan sa UP kaso parehong kakabukas lang kaya lumipat kami sa Faculty Center. Marami namang nakain ang mga tao, fishball+hotdog+kwek kwek+cheese sticks. Si Noel at Jay hindi mapakali, parang nasa buffet lang. Pagkatapos kumain, jabar na ang mga tao, lalo na ang dalawang ito! Hahaha.
Sa aming bagong opisina naman, kung kakalimutan ang katotohanang mas malayo siya kaysa Eastwood, maaliwalas naman kung tutuusin. Maliwanag, maluwag at mas may privacy ang work stations namin sa office, saka green siya, my favorite color! Napipilitan din kaming mag-exercise dahil lahat mas malayo namely CR, kainan, at hi-way. :P
At malaki ang pantry!!!! Pag may dumating na bagong grupo ng kakain, hindi kami required tumayo at lumayas para lang may malibreng upuan. Kasi maraming iba pang pwedeng pwestuhan, parang canteen lang! Maganda rin naman ang view sa mga bintana. Sa bandang likod forest kung saan matatagpuan ang Microstop. Sa may harap park-park-an na may mga bibe, bulate at hyper na mga sprinklers. Pag umuulan, pwedeng pwedeng mag-emote, wagi.
Afu, malamang ay iiling-iling ka pag nabasa mo to, pero wag ka kasi mag East Avenue, mag Q. Ave ka!!! Ang mga tao pumupunta lang dun pag kukuha sila ng birth certificate! :P
No comments:
Post a Comment