I'm doing much better now. These past two weeks have been some sort of treatment for me. Whenever I go to my barkada to complain and cry, I really feel my problems fade away bit by bit, although I'm not fully recovered yet. Pakiramdam ko nga naging pangalawang tahanan ko na sa eskwela yung college nila e. Iba talaga kung meron kang mga kaibigang nandyan lagi para sa iyo at handang makinig, mararamdaman mo talaga na may nagmamahal sa iyo kahit anumang problema mo. Pinagtiyagaan talaga nila ako kahit na sa tuwing nagkikita kami ay para akong lasing na naglalabas ng sama ng loob, umiiyak pero pinipilit ngumiti at tumawa, lalo na yung tungkol sa isa kong suliraning malala na halos magdulot na ng kabaliwan ko. Tinuruan nila akong wag masyado seryosohin ang buhay dahil sa ganyang ganyan nawawala ang katinuan ng mga tao. Hindi na ako makapapayag na tumigil ang mundo ko dahil lang dun sa mga pesteng yon, ayoko na magpaapekto, gusto ko lang ay maging maayos buhay ko. Tama yung kaibigan ko, magsimula muna sa sarili, at ang lahat ay susunod na. Ngayon ko talaga napagtanto kung gaano ko sila kamahal at kung gaano sila kaimportante sa akin. Paano kaya kung mawala sila sa buhay ko... wag naman sana mangyari.
No comments:
Post a Comment