Monday, December 26, 2005

EOY Survey

1) Was 2005 a good year for you?
Minsan good, minsan hindi.

2) What was your favorite moment of the year?
Announcement of overall Enggweek ranking, nakaka-high talaga :D

3) What was your least favorite moment of the year?
Hmmm...ngayon atang mga panahong ito. I'm really hoping that things will look up this coming 2006.

4) Where were you when 2005 began?
At home.

5) Who were you with?
Family

6) Where will you be when 2005 ends?
bahay din naman

7) Who will you be with when 2005 ends?
same people

8) Did you keep your new years resolution of 2005?
I don't make new year's resolutions.

9) Do you have a new years resolution for 2006?
Wala pa rin, kung may gusto man akong baguhin sa buhay ay hindi ko pa yun naiisip sa nagyon

10) Did you fall in love in 2005?
secret, hehe, joke. As if

11) If yes, with who?
walang panahon, ano ba

12) If yes, do they know?
they? assuming to ah

13) Are you still in love with them?
Grabe, it never stops

14) You regret it?
There's nothing to regret

15) Did you breakup with anyone in 2005?
nyek, walang ib-break.

16) Did you make any new friends in 2005?
Of course, special mention ang mga co-EC ko na hindi ko ka-close dati, para na kaming barkada ngayon

17) Who are your favorite new friends?
EC!(new ah!)=D

18) What was your favorite month of 2005?
April saka December!!!

19) Did you travel outside of the Philippines in 2005?
hindi e.

20) How many different countries did you travel to in 2005?
wala naman

21) Did you lose anybody close to you in 2005?
wala naman

22) Did you miss anybody in the past year?HS friends ko, hindi ko na sila nakita nung latter part ng year, busy na kasi e tapos yung isa nagpunta pa US

23) What was your favorite movie that you saw in 2005?
Hindi ko pa maisip e. Kakapanood ko lang ng After the Sunset, maganda naman, naiyak ako

24) What was your favorite song from 2005?
hmmm... hindi ko masyado trip yung mga songs this year e, wala ata akong super nagustuhan.

25) What was your favorite record from 2005?
Wala akong maisip

27) Did you have a favorite concert in 2005?
Jamengg, hehe. yun lang ata napanood kong concert a. ay hindi, nonood pala ako ng fair, so that counts too.

28) Did you drink a lot of alchohol in 2005?
May part ng 2005 na mega inom talaga ako pero iwas muna ngayon.

29) Did you do a lot of drugs in 2005?
Of course not

30) How many people did you sleep with in 2005?
bastos!

31) Did you do anything you are ashamed of this year?
Meron siguro pero wala ko maisip for now

33) What was the worst lie someone told you in 2005?
Wala naman ata akong major lie na nagawa this year

34) Did you treat somebody badly in 2005?
Hmmm... mejo evil talaga ako minsan e, especially to my younger brother, hehe.

35) Did somebody treat you badly in 2005?
Wala naman akong na-feel

36) How much money did you spend in 2005?
I don't keep track, pero malamang kasi ngayon wala na talaga akong pera, as in.

37) What was your proudest moment(s) of 2005?
Engg week pa rin!:D

38) What was your most embarrassing moment of 2005?
hindi ko pa maisip.

39) If you could go back in time to any moment of 2005 and change something, what would it be?
wala naman, yun na yun.

40) What are your plans for 2006?
graduate, take board exams, work, travel, have a baby(joke!)

Sunday, November 06, 2005

An Angel has fled...

Hay life, pupunta sana ngayong gabi si allan at si pame kaso yung “friend” ni allan ay tumangging sumama kasi nahihiya daw. Kaya eto, I’m stuck by myself. Nag-zuma ako sandali pero I decided to search na for the tabs para dun sa tugtog namin sa Tuesday.

Pero nalungkot talaga ako na hindi sila natuloy. Napansin ko kasi na I’m becoming more and more grouchy as the days go by. Maybe it’s because of the lack of sunlight, nabuburo na kasi ako dito sa bahay, feeling ko I’m losing touch of reality. Pero ang mas weird, hindi ko alam kung nags-stay ba ako sa bahay dahil wala akong pera or talagang ayaw ko lang talagang lumabas. Hay, ang moda kasi ng buhay ko ay extremes, either mega-gimik o trabaho ako or mega-bum ako sa bahay bihira mangyari yung in-between. Sa bagay, ganun naman talaga trip ko sa buhay, either total emptiness, exhaustion, or depression or ecstasy. Yak, ang sagwa nun a, basta, parang ganun.

Sa ngayon, depressed ako, our family’s situation is in extreme dump, I feel so helpless, and one of my best friends from high school just left for the States and there’s a chance that she won’t be going back here. She even called me in the airport before the boarding time and she told me about how she didn’t have the heart to tell us personally that she may not return if things go well for her there. I didn’t fully absorb it until this morning. When it finally sank in, my stomach did a three-sixty and I was washed over by sadness. I didn’t even say goodbye coz I thought that if I did say that, she may not really come back. I’ve known her for nine years now, and she has become one of the fortresses in my life. Whenever I’m in dire need she’s always just a text or a phone call away. I can’t even remember a time when she neglected my rantings. She is one of the few people I know who can really tell when I’m problematic though I’m doing the best “I’m totally happy and fine” act, titingnan niya lang ako tapos sasabihin niya “Hindi nga Maits?” Then we’d just talk it out over the phone, ym, over coffee or drinking sessions with my other close friends. They’d give me advice and whenever I look at their lives, I’d be totally inspired to have a good life and see how wonderful it has been and how I’m so blessed despite shortcomings. I’m really amazed at how well she can read me. My gulay, chunks are rising up in my throat now. I'll be crying like crazy in few seconds. Huhu, I really miss her.

Sunday, October 30, 2005

10 things you like:
1. chocolates
2. travel!
3. hanging out with friends
4. will and grace
5. gilmore girls
6. changes which make my life better
7. taking long baths
8. nice hair days
9. sleeping
10. reading magazines and good books

3 things that make you happy:
1. conversations with friends
2. knowing that my family is well
3. UP KEM

3 things that anger you:
1. drivers who deliberately give kulang change, grrr, kakahayblad!
2. Liars, irresponsible and selfish people
3. when i can't find something that i really need and i'm pressed with time

10 things that you hate:
1-3. same as previous
4. kaplastikan
5. mga killjoy
6. sobrang arteng tao (yun bang masyadong maselan)
7. poverty
8. seeing my mama sad
9. Philippine politics
10. goodbyes:(

3 facts about your name:
1. hindi ko alam kung saan siya galing
2. pag tinatanong ko parent ko kung san siya galing sinasabi nila "wala lang"
3. I really hate it when people make fun of it, as in umiinit talaga ulo ko

5 facts about yourself:
1. I am a 5th year student at UP Eng'g
2. I haven't been in EK my entire life
3. I live in Antipolo
4. I have 2 siblings
5. I love watching TV

2 things you expect (at least for now)
1. this coming sem will be very exhausting... but fun!
2. Papa will bring Alex home from Marawi this week (sana talaga)

4 random thoughts:
1. nalulungkot ako kasi one of my best friends will be leaving for US this week
2. malamang bukas mag-iiyakan kami over lunch
3. sana things will get better
4. I wonder what my future life will be like?

Song you're listening to (give singer): wala naman

Time: 6:40pm

Thursday, October 06, 2005

water raft

I found a temporary water raft. Somehow, it's really saved me from drowning. Just in time. Hay, nadedesperate housewives mode ako. I love Yia Yia Hall. Ay, ang gulo nitong entry na to. Basta, ayoko na mag-elaborate, ako na lang makakaintindi nun.

Tuesday, September 27, 2005

Mga kanta

Eto yung top 5 songs (as of the moment) na pag napapakinggan ko ay napapabuntunghininga at nalulungkot pero gustung-gusto ko pinapakinggan kasi ang ganda...

1. Alaala - True Faith

Sa pagsapit ng dilim
Ang buwan at mga bituin
Sa pagpukaw sa umaga
Sinag ng araw ay kakaiba

Bakit nga ba ikaw
Ang nasa aking alaala
Alaala

Habang lahat ay nalunod na
Sa alak at sa katatawa
Binili na ang lahat ng luho
Upang utak ko'y mapalayo

2. Lihim - Orange and Lemons

Di na malilimutan pa
Sa bawat sandaling ako'y iyong hagkan
Ang iyong mga halik

Sana'y wag ng matapos pa
Aking nadarama sa tuwing kapiling ka
Ako'y nasasabik

Sayo lamang ilalaan ang isang
Ligayang walang hanggan
Kahit pa nagsasalo tayo
Sa isang kasalanan

Bihag tayo ng panahon
At pagkakataong puno ng pangambang
Ika'y mawalay pa

Di na mahalaga
Ang sasabihin nila
Basta't may pag-ibig
Sa 'ting dalawa

Sayo lamang ilalaan ang isang pagsuyong walang hanggan
Kahit na nagsasama tayo sa isang kasalanan, kasalanan

3. Back To You - John Mayer

Back to you
It always comes around
Back to you
I tried to forget you
I tried to stay away
But it's too late

Over you
I'm never over
Over you
Something about you
It's just the way you move
The way you move me

I'm so good at forgetting
And I quit ever game I play
But forgive me, love
I can't turn and walk away

Back to you
It always comes around
Back to you
I walk with your shadow
I'm sleeping in my bed
With your silhouette

should have smiled in that picture
If it's the last that I'll see of you
It's the least that you
Could not do

Leave the light on
I'll never give up on you
Leave the light on
For me too

Back to me
I know that it comes
Back to me
Doesn't it scare you
Your will is not as strong
As it used to be

4. Burnout - Sugarfree

O, wag kang tumingin ng ganyan sa akin
'Wag mo akong kulitin, 'wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo, ako rin ay nagbago
'Di na tayo tulad ng dati, kay bilis ng sandali


O, kay tagal din kitang minahal
Kung iisipin mo, 'di naman dati ganito
Teka muna, teka lang, kelan tayo nailang?
Kung iisipin mo, 'di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo natangay

Tinatawag kita, sinusuyo kita
'Di mo man marinig, 'di mo man madama
O, kay tagal din kitang mamahalin


5. She is My Cain - Wolfgang

She is my drug
she is my vein
she is my life
she is my pain
she is my wheat
she is my grain

I can abstain
though I know it's so plain
she is my cain

upon the night
i see her eyes
her tears are my skies
her heart beats my life

I can't refrain though
I know it's so plain
she is my cain

she is my night
she is my day
she is my sun
she is my rain

I can't complain
cause I know
she's my bane
she is my bane

Sunday, September 25, 2005

Warasleep

Natulog ako kahapon ng 3 pm, nagising ako 3 am, kamusta naman. Ito na ata ang pinakamahabang tulog ko for this sem. Hindi pala okay sa akin ang gin, hindi siya tinanggap nang mabuti ng sikmura ko. Nung uminom kami nung Friday, ang aga ko nalasing, pero na-realize ko na ganun talaga ko when it comes to certain types of drinks. Pero yun ang pinakamalala kasi ang sama talaga ng epekto niya sa akin parang gusto ko na ilabas lahat ng laman ng tiyan ko. Pagkagising ko sa umaga sobrang sakit ng ulo at may reporting pa kami maya maya lang, tapos nung pabalik ako sa skul kumain ako ng agahan sa Jollibee Pantranco kasi sobrang gutom na talaga ako. But no! Habang kumakain ako, parang nasusuka ko ulit kaya hayun, hindi ko naubos yung pagkain. Conclusion: hindi na ako ulit iinom ng gin.

Anyhoo, wala na akong maisulat kaya magsasagot na lang ako ng survey:

What was the last foodfood that you ate?
- Bistek at kanin

Who was the last person you went out with?
- nung friday may sepkember kasama kemers

Kelan ka last nag-cry?
- last last week ata

What was the last thing that you said before answering this?
- Ewan, kahapon pa ako huling nagsalita e, wala naman akong kausap kasi madaling araw pa

Kelan ka last nag-attend ng b-day party?
- matagal na, at hindi ko na rin maalala kung kelan

Who was the last person you talked to on the fone?
- Yung taong winarla ko sa F3 dahil sa gradpic

Kelan ka last nag-in0m ng alak?
- Last Friday night/Saturday morning

When did you last brush your teeth?
- kahapon bago pumunta skul

When did you last take a bath?
- kahapon din, bago pumasok

Sino last person na na-miss m0?
hmmm... hindi ko maisip

Sino last mo nakaaway?
- Yung sa F3

Saan ka last tumambay?
- sa tambayan

Last person you texted?
- uncle ko

When was the last time you smiled?
-kahapon siguro

Kelan mo last hinawakan fone m0?
- 10 seconds ago.

When was the last time you sm0ked?
- nung huling inuman

Ang last tv show pinanuod m0?
- encantadia ata

What was the last movie that you watched?
- sa sine ba? d' anothers, and I must say, wala talagang sense

When was the last time you ate at mcd0?
- hindi ko maalala exact date, basta kasama ko nun si erma, allan, anne at RJ

Last thing na ginawa mo before answering this?
- read LJ ng hs friends ko

What are you loooking forward for tomorrow?
- bday sana ni celine pero baka hindi ako mkapunta kasi super tambak skulwork ngayon

Ang iksi lang pala niya.

Monday, August 29, 2005

Biotechnology

I'm so friggin' distracted right now. I've been trying to summarize our reading in STS so that i could come up with a decent script for our video project. But I've been in front of the computer for about three hours now and I haven't even reached half of the article. This is so frustrating.

I tried to turn on the music hoping that it'll help me concentrate on understanding biotechnological developments in agriculture, but lo! As soon as the first note of "She will be loved" came on, my mind went into a total blank. I can't understand a single sentence on this stupid piece of paper on my lap. And I remembered that the reason that I don't listen to music when I study is because I become so immersed in the rhythm and the words in each stanza and my mind floats away into whatever my imagination makes of the poetry that is embedded in each song. Most of the time, I get depressed and fall into a trance and off I go into an oblivion of longing... Wishing... Wanting all my problems to fade away. I'm beginning to feel very helpless. Why do they all have to come all at once? Can I request fate to reschedule them for the next month or at least next week maybe? Just not now, not tomorrow...

Friday, July 22, 2005

Hanggang Kailan

Kanina pinabili ako ni mama ng pacifier ni Alex sa SM, yung pigeon lang kasi ang gusto niya e at sa SM lang meron. Pagtungtong ko sa third floor ng department store, at nang mapaligiran na ako ng mga bagay na pambata, hindi ko na talaga mapigilang umiyak, tumutulo na sila at wala na akong magawa. Kukunin na kasi si Alex ng legal mother niya na nasa New Zealand this coming Sunday.

Mahigit isang taon din namin siyang inalagaan, at sa haba ng panahong yon paano ba namang hindi siya mapapamahal nang husto sa amin. Para siyang manyika na may sariling isip, marunong tumawa, umiyak, mangulit at manlambing. Minsan nakakainis sa sobrang kaingayan at kalikutan, pero mas madalas naman na nakakatuwa kasi kapag ngumiti na siya parang lahat na ng inis, pagod at sakit ng ulo mo mapapawi, lam niyo yun, yung tipong ngiti na pati ikaw mahahawa, sobrang inosente, sobrang totoo. Tuwing umuuwi ako, siya una kong hinahanap tapos nun maglalaro na kami, aawayin niya ako sa umpisa kasi mas gusto niya kay Ate Vilma o kaya kay Mama, pero maya-maya bati na kami tapos magtataguan na kami o maghahabulan na sa bahay. Kapag naman nag-aaral na ako o nagco-computer, ayan na, sisiksik siksik kasi gustong makihampas sa keyboard o kaya naman makipihit ng mga pahina ng mga libro ko. Minsan nakakasakit talaga ng ulo kasi hindi ako makagawa ng matino, pero kapag tinaboy mo naman iiyakan ka. Pano naman yun, e di natunaw naman ang puso ko, kaya sige, bahala na, hinahayaan ko na lang siyang gawin yung gusto niya, bunso-bunsoan e. Pakiramdam ko din naging mas malapit kami ng mga kapamilya ko sa isa't isa nung dumating siya kasi napapadalas na din ang mga kwentuhan namin dahil sa kanya, dahil madalas siyang maging paksa ng mga diskusyunan namin. At pag nagkakaroon ng alitan siya rin ang peace maker kasi siya ang common topic na gustung-gusto naming pinag-uusapan lahat.

Pero ngayon, kulang sa dalawang araw na lang siya dito. Iiwan niya na kami. Wala na yung maliit na batang paikot-ikot sa bahay, hindi ko na maririnig yung malilit niyang hakbang. Wala nang mang-aaway sa akin pag kunwari ay inaagaw ko mama ko. Wala na yung bigla na lang iiyak kasi bagong gising at lahat ay matataranta kasi wala pang nakatimplang gatas. Ayan, sumasakit na nang husto ang kalooban ko sa pagsulat nito, kasi habang humaba to lalo kong nararamdaman na totoo na talagang mawawala na siya sa amin. Ganito naman kasi ang usapan mula pa sa umpisa, pero gayunpaman pakiramdam ko pa rin ay biglaan ang lahat ng mga pangyayari kahit dapat ay hindi naman at dapat ay handa na kami matagal na. Siguro idagdag mo pa sa kinasasama sa loob ko ang katotohanang sa susunod na pagkikita namin ay hindi na siya talagang amin kundi sa iba na talaga, at malamang ay hindi man niya matatandaan ang mga masasayang alaala na iniwan niya dito sa bahay. Ang sakit pala talagang mahiwalay sa isang minamahal. Parang gusto mo siyang makasama palagi sa kakaunting panahon na magkasama kayo pero ganun pa rin naman ang mangyayari, parang normal lang naman, pero pag naiisip mong mawawala na siya kahit kasama mo pa malulungkot ka pa rin. Pag masaya siya masakit rin kasi alam mo sandali na lang ay hindi mo na makikita ang masaya niyang mukha, pero syempre ayaw mo rin naman na malungkot siya kaya pati ikaw ay magsasaya-sayahan na din. Ang hirap, parang dinudurog ang puso ko. Kanina pa ako iyak ng iyak e. Hindi ko na nga alam kung papano ko itatago ang pagmumukha ko habang namamasahe mula SM hanggang dito sa bahay, aba ang layo din nun a. Pero ayun, wala na lang pakialamanan. Pag pinipigil ko naman kasi luha ko lumalabas din siya sa ilong kaya ganun din, mas masagwa pa ang itsura. Pag-uwi ko naman sa bahay, tinanong pa ng nanay ko kung bakit ako umiyak, hindi na ako nakasagot at humagulgol na lang ako habang buhay. Ayun, nahawa na yung nanay ko,umiyak na din tuloy, pano ba naman parang tunay na anak na talaga ang turing niya kay alex. Sabi niya nga sa akin minsan "Pag lumaki siya at nalaman niya ang totoo ,sabihin niyo na lang na kahit hindi niyo siya tunay na kapatid, kahit na hindi natin siya kadugo ang tunay naman ay ang pagmamahal natin sa kanya", ang drama noh? Natameme nga ako nung sinabi yun ni Mama sa akin e. Sana naman kahit na bakasyon makabalik din agad siya sa Pilipinas. Ibang iba na talaga ang alog ng bahay pag-alis niya. Mamimiss talaga namin yun.

Monday, June 27, 2005

tulog na muna

Hindi ko na kelangan mag-alarm bukas. Hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako o hindi...

Sunday, April 03, 2005

Nakakaflip

I'm already getting a taste of vacation at ang masasabi ko lang ay... NAKAKAFLIP TALAGA!!! Nakakapanibago yung mula sa napakaraming iniisip at ginagawa ay biglang mabablangko ang academic schedule mo. Kahit na meron din naman akong mga gagawin, kakaiba lang talaga na nagagawa ko nang matulog nang matagal at makapagpahinga ng mabuti. Pero ang sakit sa ulo ng isip ka ng isip ng gagawin at maiisip mo na wala ka namang dapat gawin, gayunpaman, isip ka pa rin ng isip, lam nyo yun? Kaya sana talaga matanggap na kami dun sa inaaplayan naming OJT para hindi sayang ang summertime.

Nag-interview kami ni Erma sa Unilab nung Friday at ang weird kasi napakabilis lang talaga, labinlimang minuto lang ang tinagal niya para sa akin at ganun din kay Erma kaya hindi ko alam kung ano ba yun, parang kalokohan.

Magsusulat pa sana ako kaso...tinatamad na ako!!! wahaha!!!

Saturday, April 02, 2005

survey survey

1 ANO'NG STUDENT NUMBER MO?
2001-12395

2 NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
Pasado, 1st choice, astig!

3 PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?
Through the sister of my dorm mate. Heavy ‘to man, lahat sila nagkukumpulan sa isang sulok sa 3rd floor ng girls’ residence hall main kasi kausap ng dorm mate ko yung sis niya na nasa up at the time, looking at the list. At ako’y nakaupo sa sarili kong sulok sa kwarto namin kasi ayokong makarinig ang “Hindi niya mahanap pangalan mo e.” Sa kabutihang palad, may nagmagandang loob na nagtanong para sa akin nang hindi ko nalalaman. Nagulat na lang ako nang pumasok siya sa kwarto namin at sinabi “UP Diliman ka daw, Engineering” at napabuntung-hininga na lang ako ng malakas. Para talaga akong nabunutan ng espada nung mga panahong yun. Me papasukan na ako para sa kolehiyo, ang saya.

4 FIRST CHOICE MO BA ANG UP?
Sa totoo lang, hehe, gusto ko talagang mag-ateneo nun e kaso financial constraints held me back, pero ngayon feeling ko mas masaya talaga sa UP.

5 ALAM MO BA ANG UPG SCORE MO?
hinde.

6 ANO SA TINGIN MO?
100!!! Wahaha, walang pakialamanan.

7 ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
Chem Engg talaga.

8 SECOND CHOICE?
--Chem.(Yak, ano ba meron sa chem.? Na-flip ata ko nun e)

9 ANO COURSE MO NGAYON?
ChE pa rin, at napapagod na ako

10 MAY PLANO KA MAG-SHIFT?
Hindi ko plinano kasi ibig sabihin balak kong gawin, ginusto ko lang mag-shift dati pero medyo matayog na pangarap kasi malayong kurso ang gusto ko

11 CHINITO/CHINITA KA BA?
wow, special treatment ba sa kanila? Hindi e, morena ang beauty ko.:P

12 NAKAPAG-DORM KA NA BA?
oo, nung high school.

13 NAKA UNO KA NA BA?
oo

14 NAGKA-3?
oo

15 HIGHEST GRADE:
sa physics lab ata, as in yung average, generous teacher namin e, astig pa yun, nanlibre ng bowling sa SM, nilibre niya yung isang class at naki-epal ako,wahehe

16 LOWEST:
singko!!!! Sa ES 12!!!

17 WORST EXPERIENCE SA UP:
nung panahong feel na feel kong babagsak ako sa dose pero tinatamad ako mag-exert ng effort. Inuusig pa ako ng mga tao sa bahay kasi nga delikado ako pero mas inuuna ko pa ang org, at dahil dun, lalo akong tinamad. Ayun, bumagsak naman…

18 LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
oo, mabait naman akong estudyante e, hindi lang kasing sipag mag-aral ng iba

19 ANO'NG ORG MO?
UP KEM

20 MAY SCHOLARSHIP KA BA?
yup, DOST

21 ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO?
hindi ko iniisip yan e.

22 NANGANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE?
hinde kahit kelan, hindi rin kasi ako ka-GC-han, basta walang bagsak keri

23 KELAN KA MAGTATAPOS?
next year, hopefully april

24 FAVE PROF:
Sir Melo, Sir Nato, Maam De Leon, Sir Paulino

25 WORST TEACHER:
Orillos!!! Kas 1!!! Tanginerds, sana lamunin na siya ng lupa!!! Saka pala yung teacher ko sa Math 53, mukhang lion buhok niya, mamatay na siya!!!

26 FAVE SUBJECTs:
Masaya yung hum 1 this sem, though I didn’t get as high a grade as I wanted, pero masaya, daming matututunan

27 WORST SUBJECTs:
CE 22!!! Hindi ko siya talaga ma-appreciate. At saka Math 53

28 FAVE LANDMARK SA UP:
oblation pa din

29 BUILDING:
Syempre engg, second home ko to e, as in mas matagal pa ata ako sa engg kesa sa bahay .

30 PABORITONG KAINAN:
Basta sa SC.

31 Noong ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
nung sa up na ako nag-aaral, ang naabutan ko ay yung kwatro

32 LAGI KA BA SA LIB?
mej, sa engg lib, lalo na pag kasagsagan ng exams.

33 NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA?
huh, clinic? Meron ba? Hehe, hinde, nung isang beses nagpunta ko para kumuha ng excuse slip dahil isang lingo akong absent at dami talaga akong na-miss, yun lang

34 MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
walang panahon

35 BF/GF?
wala

36 MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD?
Pucha, ayoko na mag-aral after pumasa sa board exam!!! Pero ang hirap magsalita ng tapos kaya I don’t want to keep the doors closed

37 ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
Badminton(hehe, drinop ko to, walang kwenta teacher e), taekwondo, arnis, self-defense, bowling

38 KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
Hindi masyado close, pero karamihan naman sa mga kabarkada ko ngayon ay blockies ko din.

39 NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA UP?
nope

40 MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?
UP naaaaaminnnnng mahaaal....*watermelon bubblegum*<-- hehe, panalo talaga si kurt! Pero gusto ko siya mamemorize one of these days.

41 MEMBER KA BA NG UP VARSITY TEAM?
sorry, overqualified. Wahahaha!!!!!!.

42 SINO ANG PABORITO MONG UAAP BASKETBALL PLAYER?
hindi ko sila kilala, si cruz lang, so siya na.

43 NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
hindi ko maisip, siguro, siguro hindi

44 ANO'NG AYAW MO SA FINALS WEEK?
dwah! syempre final exams.

45 DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
hindi, BI tatay ko e, pinapainom kami bata pa lang

46 ANO'NG GUSTO MO SA UP?
walang pakialamanan, do whatever you want, suffer the consequences later

47 ANO'NG AYAW MO?
madaming nagaganap na krimen

48 BUMILI KA NA BA SA SHOP SA SPORTS COMPLEX?
meron pala nun, sensya, was not informed

49 MAGANDA BA ID PIC MO?
Oo naman!!! Ako pa! wahaha!

50 MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS?
Ano ba ang illegal sa UP?

Thursday, March 24, 2005

Time in a Bottle

Nakanood ako ulit kanina ng american idol, tagal ko nang hindi nakakanood e, na-break kasi yung pagsubaybay ko dahil dami ginagawa at tinamad na akong mag-antabay palagi. In fairness, madaming magaling talaga at nag-enjoy ako sa theme nila, billboard chart toppers. At napakinggan ko ulit ang Time In a Bottle, medyo may panahon kasi nung high school when I got so fixated on Jim Croce songs, lalo na yung Photographs and Memories, ganda kasi ng tabs niya, nainlab talaga ako sa rhythm at maganda din talaga yung lyrics.


Lately I've been eating so much pizza, ang weird talaga kasi bago nun parang gustung gusto kong kumain nun tapos sabay biglang lagi akong nakakain ng libre. Last week kasi madaming apps ang nagdala ng greenwich for their interview. Then yesterday we went to an FOPC chuva meeting at kumain ako ng three slices of pizza kasi gutom talaga ako. Tapos kanina naman nagpadeliver tatay ko ng pizza kasi bday niya. Sarap!

Hehe, bday ni papa today... ay, tapos na pala kasi it's past twelve na. Last year, disaster yung birthday ng tatay ko dahil sa akin. Basta, to make the long story short, we had a major fight, as in major, pangtele-novela sa drama, sigawan to the max with matching sinumpa ako ng tatay ko at ako naman ay sumasagot pa rin dahil pareho nang kasing init ng blue flame sa kalan ang mga ulo namin. Buti na lang hindi niya ako pinalayas. Napaiyak ko ang tatay ko, at nun ko lang siya nakitang umiyak sa buong buhay ko. Ang gago ko talaga, pero may dahilan naman yun. Pero masyado ata akong naging harsh kasi bday niya nun. Buti na lang at hindi pa naman lumipad pataas sa himpapawid ang pride ko kaya nag-sorry ako sa tatay ko through text the next day, hindi niya nga binura ever yung text ko e (but no, nanakaw yung phone niya). Ayun.

Nagyayaya mga high school berks ko na mag-beach sa summer. but no! Ang mahal ng plano nila, aabot siya ng 1500 at overnight lang yun, wala pang food. Hay, nalungkot ako at hindi ata ako makakasama kasi hindi ako pwedeng maging magastos masyado. Nakakainis kasi naka-oo na ako as in dati pa, kaso may mga bagong dapat pagkagastusan kaya I'll have to pass...again. Sayang, grad gimik kasi nila yun and I really wanna go, kaso can't afford talaga ako.

Haggard tong week na nakaraan, kakatapos ko nga lang ng isang exam kanina e. Pero all that's over na, next week na ulet, time to rest. Ranting will only drain my energy more kaya...magsasagot na lang ako ng survey!!! yehey!!


Name a band/musical artist for every letter of your name:
M - Mojofly
A - Alicia Keys
I - Incubus
T - True Faith
A - Aerosmith

what color are the pants that you are wearing? hindi pants, black na shorts
what song are you listening to right now? all i have- j lo
what taste is in your mouth? pizza!!!
what's the weather like now? maenet
how are you? medyo relaxed pero feel pa rin ang pagod
getting motion sickness? no
have a bad habit? worrying
like to drive? gustung gusto ko na talaga, i swear

f a v o r i t e s

tv show: gilmore girls, will and grace
conditioner: pantene
book: sa ngayon, god of small things, arundhati roy
non alcoholic drink: water
alcoholic drink: red horse, ito ang tama!

been in love: hmmm...pag-iisipan natin yan
had a hard time getting over someone: oo, pramis
been hurt: oo naman, ano ako, bato?
your greatest regret: wala akong maisip sa ngayon, nag-eenjoy naman ako sa buhay ko e
gone out with someone you only knew for 3 days: no

r a n d o m
do you have a job: none
your cd player has in it right now: cd, hehe
if you were a crayon what color would you be: white
what makes you happy: friends, travel, si alex, family, good food, good music, great tv shows, dami e, babaw lang naman kaligayahan ko e

w h e n / w h a t w a s t h e l a s t

time you cried: the other night ata, tinotopak ako e
you got a real letter: wala naman nagbibigay sa akin e, hehe
you got e-mail: kani-kanina lang
thing you purchased: chocolate
movie you saw in the theater: hehe, ang olats, the incredibles pa ata yung huli

y o u r t h o u g h t s o n

abortion: ayoko siya, dalhin niya na lang sa orphanage kung hindi niya talaga kayang buhayin
teenage smoking: hehe, pero ayoko naman talaga siya for other kids
spice girls: wala lang, fun sila nung una pero hindi talaga sila marunong kumanta
dreams: minsan oki, minsan hindi

-----------------------------

Four Vacations You've Taken:
1. Baguio
2. Cebu
3. Misamis Occidental
4. La Union

Four songs that get stuck in your head recently:
1. Fallin- Janno Gibbs
2. I wanna know-joe
3. suntok sa buwan- session road
4. boomshiboomshiboomboomboom

Four Things You'd Like To Learn:
1. drive!!!!
2. foreign language
3. painting na parang pro
4. html para maayos ko tong blog ko

Four Beverages You Drink Frequently
1. water
2. coke
3. iced tea
4. kape

Four TV Shows That Were On When You Were A Kid
1. Boy Meets World
2. Voltes V
3. Bioman
4. Sesame Street

Four Things To Do When You're Bored:
1. TV
2. read
3. clean my room
4. eat

Four things that never fail to cheer you up:
1. gimik
2. chocolates
3. travel
4. tsismisan with friends

Pramis, aayusin ko blog ko this summer.


***if I could save time in a bottle....the first thing that I'd like to do...is to save it every day 'til eternity passes away, just to spend them with you. if I could make days last forever....if words could make wishes come true.....I'd save every day like a treasure and then, again I would spend them with you***- Jim Croce

Tuesday, March 15, 2005

High Tech

Amazing, feeling ko may sarili akong opisina sa study hall namin kasi dalawa ang gamit kong PC. Ginawa ko kasi yung 140 presentation ko sa desktop namin but I had to burn it on CD so gamit ko din yung laptop ng tatay ko kasi dun yung cd writer. Astig, first time ko makapag-burn ng cd, hehe. Naaliw ako kasi parang ang daming techie stuff ngayon dito, pero ngayon lang naman ito kasi syempre ginagamit ni papa tong laptop sa opisina. hay, gusto ko rin nito, ang convenient. Gusto ko rin ng flash drive, naaliw ako nung ganun yung ginamit ni waquer para sa report niya. Yun lamang, natuwa lang ako.:P

Palipas oras

Dahil higante ang ina-attach kong file, update muna. Ay, bigla akong tinamad. Nyehe, saka na lang.:P

Monday, March 14, 2005

Naloko na

Hala, naflip na. Nag-update na naman. Wala akong mahanap na isusuot sa photoshoot bukas. Me sinukat ako tapos tinanong ko kapatid ko, sabi niya mukha daw akong abstract, hehe, sa tingin ko nga rin. Meron pa akong isang sinukat, mukha naman akong losyang. Yung isa, oki lang, pero hindi ko pa rin feel. Bahala na, ang hirap kasi hanapan nung napili naming motif e.

Nagugutom ako. Hindi ako inaantok pero nagui-guilty ako na hindi ako natutulog kasi alam kong kelangan ko yun lalo na sa mga panahong ito. Kaso andami kong nainom na coke kanina e tapos nagkape pa ako. Nagugutom ako. Ay, nasabi ko na pala yun.

Ang saya talaga ng soundtrack ng 50 first dates, napaka... basta... makabagbag-damdamin? Parang ganun. Malungkot pero hindi. Well, madami namang ganung kanta e, masaya yung mensahe pero malungkot pa rin kasi hindi ka naman maka-relate sa kasayahan nung kanta. Maiisip mo lang na wala ka nung mga sinasabi nung kumakanta, na parang ang saya saya niya kasi inlab siya, na parang buo na ang buhay niya kasi meron na siyang mahal, pero kaw, wala lang, malulungkot ka lang ng lubos kasi wala ka nun. Twak! Ano ba ito? Nafi-flip na talaga ako. Kelangan ko nang gumimik. Kelangan na ng dibersyon. Grabe, ang tagal ko nang hindi gumigimik, namimiss ko na mga pinsan ko, siraulo kasi yung mga yun e. Ang galing galing nilang maghanap ng pang-aliw, kayang kaya naming ubusin ang magdamag hanggang umagahin na sa kakagimik sa kung saan saan. Naalala ko tuloy nung nag-Adonis kami, yak yak talaga, hindi ko na ulet gagawin yun sa buong buhay ko. Pero nakakatawa yun kasi dumating yung puntong parang wala lang, kebs na lang sa mga nasa stage. Pero kadiri talaga. Tapos nung isang beses na nag-Malate kami, bigla kaming nag-Tagaytay pagkatapos para magpalamig at mag-inuman out of sheer impulse at hanggang ngayon ay hindi alam ng mga magulang namin ang ginawa naming yun. Yun talaga ang isa sa mga pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko. Grabe, miss ko na ang mga happening na nakalipas.

Pero iba na talaga priorities ko sa ngayon. Need to focus on the more important things. Tumatanda na e, hehe. Medyo sawa na rin ako sa mga inuman, hindi gaya dati na OA talaga ko uminom, patayan ba, bawal kasi sa aming tumigil hangga't meron pang iinumin o kaya man ay nagsusuka ka na. Hmmm... Nagdadalawang-isip ako kung ipu-publish ko ba itong entry na ito, napapaghalata ang mga kalokohan ko dati e, hehe, pero enjoy yun! Naloko na. Bahala na.

Sunday, March 13, 2005

Sayang

Hay, kainis. My HS friends had a blast dun sa gig sa Pisay, mega kinukulit pa naman nila akong pumunta. Nainggit ako to the highest level kaya I'm just channeling my lack of time and money to my beloved blog. Putek, ang pathetic ko na, this is my third entry for today.

Kakainis talaga, mejo k lang pala kahit walang ticket kasi they were able to sneak in friends of band members. Malas, wrong timing. Yun lang, delaying tactics lang ako from doing my 140 powerpoint presentation.

listahan

Bago ako magsimulang gumawa ng mga homework, ililista ko muna lahat ng mga gagawin/ ipapass para hindi masyado magulo utak ko:

Monday: submit 135 paper. photo chenes ng incoming EC. ham ng 4-7. burn cd for 140 presentation. intindihin ang CE 22 kasi niratratan kami ni sir vergel ng homework, 3 homeworks to be submitted in 1 meeting! na-excite siya masyado. Ang dami ko palang gagawin sa araw na ito.

Tuesday: Pass 140 powerpoint. Pass CE 22 homework. Meet KEM band ng 5:30. Prepare for my 140 presentation sa wednesday.

Wednesday: ChE 140 reporting. Mamalengke kasama ang co-EC. Prepare for induction. Aral for EEE 1 practicals.

Thursday: Go to church. EEE 1 practicals. Uwi sa bahay at magprepare ng food for induction. Balik sa school at mag-ayos ng venue for induction. Induction!!!

Friday: Wala lang. Gusto ko sana manood ng sine or mag-mall or something kaso wala naman akong kasama. Bahala na, I have no plans pa for this day.

Weekend: Aral for CE 22 exam. Aral for EEE 1 exam. 135 paper. Baka dito rin ang EC treat.

Ang hectic naman. Patapos na kasi ang sem. Matatapos at matatapos din naman to e. Pero excited ako kahit na overwhelmed with the workload. :P

Gender bender





Your Brain is 46.67% Female, 53.33% Male



Your brain is a healthy mix of male and female

You are both sensitive and savvy

Rational and reasonable, you tend to keep level headed

But you also tend to wear your heart on your sleeve




Kamusta naman, mas lalaki pa pala ako. Ang saya, napagawa ko na salamin ko kaya nakakapagnet pa ako kahit ala-una na! Nag-mall kasi kami kanina nila Mama at Ate kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.:P

Saturday, March 12, 2005

Manok part 2

Nagising na naman ako sa mga manok. Panget ng gising ko. Nagpaprint ako ng EEE handouts sa tatay ko at nakita ko na naman yung finished product, wadahek! Ginawa na namang 1 slide per page! Pucha naman, nasabi ko na yon sa tatay ko e, na 4 or 6 slides per page, siguro kasi pdf file siya kaya hindi niya alam kung paano i-edit. Pero naha-hayblad talaga ako, mukha na siyang kasing kapal ng libro at supposedly there are two lectures pa sabi ni Maam. Hindi naman ako pwede mainis kasi ako na nga lang itong nagpaprint, ako pa magrereklamo. Putek, this sucks.

Nalulungkot ako, nafi-feel ko na naman ang pagiging sacrificial lamb ko dito sa bahay, lagi kasi ang nagiging kaso ay I have to give up things of my own to give way for other members of the house. Kung kelangan may puntahan, kahit malayo, ako palagi, mag-absent na lang daw ako, saka na mag-aral. Tapos dahil sa financial turmoil namin ay meron na naman akong kelangan igive-up for my brother sa pag-aaral niya sa college. Putek, chunks are building up in my throat na. Nakakalungkot talaga. Pero alam ko namang no choice ako kasi si Ate ay may trabaho at ang kapatid kong mas bata ay plain useless at baka kapag siya pa ang inutusan ay lalo pang magkandaleche-leche. Ako rin ang nagiging dumpsite ng nanay ko ng kanyang excess baggage towards our situation. Pero ako, hindi ako pwede magreklamo coz I don't want to heighten my mom's worries, nakikinig na lang ako kahit ayoko na talaga kasi it's really weighing me down. Ganun talaga. Wala na akong magagawa, ganito na ito for life.

Sana may kadamay ako sa bigat ng loob ko na hindi ako iiwan kahit ano mangyari, na magiging pader kong sasandalan at sisilungan kapag masyado na akong napapaso sa init ng araw.

Sana hindi na ulit ako magresort sa masasamang bisyo...

Friday, March 11, 2005

Manok

Tarantadong mga manok ng kapit bahay na yan. Ang aga aga ko nagising kasi tilaok sila ng tilaok. E ang babaw ko pa namang matulog. Bukas pagsasasaksakin ko na yang mga yan, at iuulam. Tama ba naman kasing mag-alaga ng mga manok na pangsabong sa lote sa likod ng bahay namin, mejo subdivision kasi to e, kahit na wala naman talaga akong karapatang makialam dun. Pasensya na, I feel really crappy, wala pa kasing limang oras ang tulog ko at sadyang hindi na sila tumigil sa pagtilaok. Gud am.

Wednesday, March 09, 2005

Haba nito

March 4, 2005:

I got home at a little past ten, nag-mini stop pa kasi kami ni Erma e, super gutom na kasi ako, hindi kasi ako nakagapag-dinner before our exam. I did bad in the test, I wasn’t able to study well because I was very busy preparing some things for the elections in KEM tapos the night before the exam, Mama asked me to go to my sister’s place to pick up something. Kaso masyado akong naengganyong maglibot kasi sa Eastwood yung condo ni Ate kaya late na ako nakauwi at pagdating ko sa bahay ay pagod na talaga ako. Ayun, palpak talaga yung exam.

March 5, 2005:

Hay salamat at nakapagpahinga na akong muli. Kagabi natulog ako at around eleven tapos nagising ako ng mga 6 at nagbasa-basa ng nobela at natulog ulit ng mga seven. Ginising ako ni Mama ng nine kasi kelangan na bayaran yung insurance at tubig so I got up, naligo at humayo na. Dumaan din ako kanina sandali sa skul para makiusyoso total dadaan din naman ako ng katips. Tapos umuwi na ako at natulog ulit for three more hours, sarap!

Namimiss ko na high school friends ko. They’ve been constantly asking me to have lunch or dinner with them kaso I’m just too busy for now. Dalawa pa kasi exam ko nitong nakaraang week kaya haggaran talaga. Gusto ko nang makipagtsismisan tungkol sa latest sa mga minamahal kong batchmates sa Pisay. Nagyayaya nga silang pumuntang skul e para sa Pisay fair, tutugtog din kasi yung Deltajoy. But no! The ticket for the concert na gaganapin costs 150! Hindi na lang, said na talaga ang bulsa ko e, tipid to the max ako ngayon. Ang olats olats ko nga e, ang tagal ko na talagang hindi nakakapag-mall, ni hindi ko man lang mapapalitan yung lens nung salamin ko, hirap na hirap tuloy ako pag nagkaklase. Hay, Dr. Ester Ogena ng DOST nagsusumamo ako sa iyo, bigay mo na yung reimbursement ko. Makapunta ngang DLRC next week para mangulet.

March 9, 2005

Nagpunta ako sa Albert Hall kanina para suportahan yung friends ko sa thesis defense nila. Though I didn’t understand any of their topics, kasi parang hard core genetics na siya, natuwa pa rin ako kasi parang todo na-apply nila ang mga natutunan nila at mukhang may sense talaga yung mga research nila, about vaccines, epitopes, malaria, at pagpatay ng mga daga. Parang napupunta talaga ako sa ibang dimension kapag sila kasama ko, kumpara kasi sa mga tao sa Engg parang super tamed (excuse the term) ng mga tao sa Albert, parang hindi sila taga-UP, ang behave nila. Pero I still have an equally great time pag kasama ko ang HS friends ko. They have just the right dose of superficiality that kind of what makes them different from my other friends, may pagka-konyotic na hindi kasi yung mga yun e, konyotic pero ang lupet uminom at magmura. Pero ang galing talaga nila, alam na alam nila whenever something’s bothering me, as in tatawag sila or text ng pangangamusta o yayaya sa labas tapos yun, kayang kaya nila akong paiyakin kasi ilalabas ko na lahat ng sama ng loob ko. Alam na alam nilang isang bote lang ng red horse ang katapat for me to spill my guts out, umiiyak habang tumatawa, palibahasa lasing, pero hindi ako masyadong naaapektuhan ng hard drinks. Tapos kapag bigla akong pumupunta sa Albert, they’ll pause what they’re doing para kulitin ko sila. Mayroon kasing mga bagay na hindi ko masabi sa mga Engg friends ko na sa kanila ko lang nasasabi and vice versa kaya kelangan ko talaga sila pareho sa buhay ko. Kaso, unlike my Engg friends mejo protected talaga sila kaya mas spontaneous ang mga kaibigan ko sa Engg. Pero either way, I love all of my friends and they are the ones who help keep my sanity intact.

Bumalik na ako ng Engg nung maglu-lunch na sila, ayoko sumama dun sa mga yun, pag sila ang kasama ko kumain napapagastos talaga ako ng malupet e.

Ayun, tapos na eleksyon, mixed emotions ang nararamdaman ko, excited, natatakot, overwhelmed. Na-drain talaga ako nung campaign period and even before nun kasi kalaban ko yung kabarkada ko at na-feel ko talaga na may tension sa pagitan namin tuwing election issues ang pag-uusapan. Sobrang umiyak ako nung nalaman kong tatakbo pala siya, hindi lang isang beses, kaya emotional rollercoaster talaga ever nung preparations, e mejo sensitive talaga ako pag friendship issues e, as in to the highest level. Pero nairaos na din naman. Sayang lang at hindi ko makakasama sa pagiging EC yung iba kong kaibigan kahit na alam kong kayang kaya din naman nila ang trabaho, pero hindi ko naman kasi desisyon yun. Alam ko malaking responsibilidad ang aakuin ko pero aware naman ako dun mula pa nung una kong mapagdesisyunang tumakbo. Alam ko na kapag nagsimula na ang term namin ay tuluy-tuloy na trabaho ito and there’s no room to slack off. Kelangan mabalance ng mabuti ang oras, pera at atensyon, pordat, bibili na ako ng matinong planner. Pero ang pinaka-concern ko talaga ay ang gastos kasi hindi napupulot ang pera. Well, come to think of it… when we start working... it IS a never ending gastos... Never ending pagtatabi ng pera... pang events, panplano, pangkain, pang gimik (hehe, sabay ganun)... pero the rewards naman are priceless: happiness and fulfillment, the feeling of completeness and joy is actually more important than that popular concept of 'ginhawa'... I find a moment of laughter, of joy in gaining new friends, of happiness in knowing that you’ll be able to help to the best of your ability- despite the monotony of work and sacrifices - more rewarding than having comfort.. Siyempre when we look at it, the task ahead of us is daunting…pero come to think of it, what big responsibility isn’t daba? I’ll just have to work hard to do my best like what I’ve really planned from the start. Salamat sa lahat ng nagtiwala! :)

Tuesday, March 08, 2005

Rated X

put an 'X' next to what u have accomplished

(x) snuck out of the house
( ) gotten lost in your city
(x) seen a shooting star
(x) been to any other countries besides the united states
(x) had a serious surgery *hindi naman life-threatening, pero umabot siya ng about 20 stitches*
(x) gone out in public in your pajamas
( ) kissed a stranger
( ) hugged a stranger
( ) been in a fist fight
( ) been arrested
( ) done drugs
(x) Had alcohol
(x) laughed and had milk/coke come out of your nose
( ) pushed all the buttons on an elevator
( ) swore at your parents
( ) been in love
(x) been close to love
( ) been to a casino
( ) been skydiving
( ) broken a bone
( ) been high
( ) skinny-dipped
(x) skipped school
( ) flashed someone
( ) saw a therapist
(x) played spin the bottle
(x) gotten stitches
( ) drank a whole gallon of milk in one hour
(x) bitten someone
( ) been to Niagara Falls
(x) gotten the chicken pox
( ) kissed a member of the opposite sex
( ) kissed a member of the same sex
( ) crashed into a friend's car
(x) been to Japan
(x) ridden in a taxi
( ) been dumped
(x) shoplifted *unintentionally naman*
( ) been fired
(x) had a crush on someone of the same sex
(x) had feelings for someone who didnt have them back
( ) stolen something from your job
( ) gone on a blind date
(x) lied to a friend
(x) had a crush on a teacher
( ) celebrated mardi-gras in new orleans
( ) been to Europe
( ) slept with a co-worker
( ) been married
( ) gotten divorced
( ) had children
( ) seen someone die
( ) had a close friend die
( ) been to Africa
( ) Driven over 400 miles in one day
( ) Been to Canada
( ) Been to Mexico
(x) Been on a plane
( ) Seen the Rocky Horror Picture Show
( ) Thrown up in a bar
( ) Purposely set a part of myself on fire
(x) Eaten Sushi
( ) Been snowboarding
( ) Met someone in person from the internet
( ) lost a child
(x) gone to college
( ) graduated college (almost...)
( ) done hard drugs
( ) tried killing yourself
( ) fired a gun
(x) purposely hurt yourself
(x) taken painkillers
(x) love someone or miss someone right now..

Mejo I feel numb right now. Walang pakialamanan. Kelangan ko pa i-organize thoughts ko kaya survey na lang muna.:)

Saturday, February 26, 2005

Affection

hug from behind
hug from behind - you like to feel what the other
person is feeling and see things how they see
them. you tend to be serious and emotional.


What Sign of Affection Are You?
brought to you by Quizilla

Sunday, February 13, 2005

Saturday, February 12, 2005

Color of my heart

Blue info
Your Heart is Blue


What Color is Your Heart?
brought to you by Quizilla

Ano ba naman yun, wrong spelling pa. Pero naalala ko, once upon a time sinabi ko kay shal yung last line nito e, lagi kasi inlab si shally, lalo na dati, e ngayon kaya? hmmm...

Saturday, February 05, 2005

Wadahek

Wadahek. Naguguluhan na naman ang utak ko. Feeling ko ang dami kong gagawin pero hindi naman talaga. I'm stressing over nothing and thinking that I'm stressing over nothing stresses me even more.

Pero syempre kahit na feeling stressed ako, kanina, pagkagaling namin ng mga kaibigan ko sa cubao, natulog lang ako mula 2:30 to 6 at pagkagising ko ay nanood pa ako ng movie tuloy nood ng gilmore girls. Syet, procrastination sucks.

The movie I watched was fairly good. It was about what's really important in life, you know those kind of movies. It makes you feel really bad during the course of the show, bida has a very abundant life but some life turning event happens and he experiences the lowest point of his life. Then he meets someone who'll teach him life lessons which, in turn, will make him realize that it doesn't matter how much money he has but how much love he has gained in his life. Whatever. It's such a depressing shit. And I'm a real shithead for being affected. And made me realize how much of a masochist I truly am. I always say things that I really don't mean and know that I'll only get hurt by doing so. I'm always so hard on myself. Nakakainis, feeling ko kasi kapag meron kang nararamdaman na masama dapat lalo mo pang saktan ang sarili mo kasi in the end you'll feel better...or just plain numb. Para bang sugat na naimpeksyon na dapat mong putukin kahit masakit para lumabas lahat ng nana, pag wala nang nana, gagaling na daba? Hay, bwiset.

Ijo-jog ko na lang to. Nakakaadik magjog.

*Don't push too far, limitations scar*- Natalie Imbruglia

Wednesday, February 02, 2005

Wala lang, naisip ko lang, these are the songs that really overwhelm me, tipong biglang nag-iiba yung mood ko pag naririnig ko sila:

1.Don’t Dream It’s Over- Crowded House
2.Alaala- True Faith
3.Back to You- John Meyer
4.Kiss from a Rose- Seal
5.Buloy-Parokya ni Edgar
6.Beauty on fire-Natalie Imbruglia
7.Somewhere in Time
8.Moon River
9.Africa-Toto
10.The Scientist-Coldplay


Haaaaay...

Sunday, January 30, 2005

relax

Wow, at last i had a peaceful and sound 12-hr sleep after a week of staying up late to study for two exams and to do my paper.

Yesterday, I cleaned up my room since the floor was full of clutter and there was barely any space left to walk on. Mama also gave us a new rack for our clothes so I spent most of the day rearranging my room and organizing our clothes, shoes, and bags. After fixing everything up, I was very pleased, I realized that we had so much stuff, especially shoes. I dozed off after cleaning up and it felt so nice to finally sleep in a tidy room and on a bed that had very clean sheets.

Last Friday, I watched Mutya ng NIP with some of my high school friends after an excruciating ChE 123 exam. When I entered the building, it felt rather unusual , I expected a lot of people to be running about and preparing and stuff. But instead, it was quiet, as if it was just an ordinary day. When I went into the room of the program, I was a bit surprised because it was very...should I say "intimate"? It was a very small scale version of Ms. Engg. There were only five contestants from the different laboratories, and their preparation was really....hmmm...humble compared to that of engineering orgs. Oh well, what can I expect, their population was very small compared to our college and the event only involved one department. Anyway, I just enjoyed the show. The question and answer portion was very entertaining, the judges were asking very absurd questions like "Bakit mabuti ang may buhok sa kilikili?" and "Ano gagawin mo kapag meron ka at nag-cause ito ng matinding pamumuo ng dugo o blood clot?". The contestants were so witty and funny, especially pocahontas who, when asked what she/he would do as a princess in case a tsunami hit her kingdom answered, "Kasi naman, pag may tsunami ay wala ka na talagang magagawa, kaya ako, tatakbo na lang ako!" with matching actions pa!. Though she/he was the most unfortunate-looking among the contestants, her charm, wit and promiscuity won her/him the title.

After the program we went to katips to have dinner. We were supposed to eat in an Asian resto but it was closing when we arrived, so we just settled for Shakey's. I was really disappointed coz I realized that the resto we passed on was Tajma, the one featured in F and it supposedly had a moroccan smoke, something like a cigarette but actually wasn't. I think was called huka or something that sounded like that. Anyway, we had a great time like we always do whenever we go out, reminiscing, talking about the latest in each other's lives and laughing our hearts out.

I was supposed to hitch a ride home with my friend. But we finished at around a little past midnight, so I just decided to sleep at her house coz it was her parents who picked her up, not the driver, and it would be dyahe to ask them to bring me home that late. We stayed up until three just talking about...stuff, hehe. They dropped me off at my house the next morning.

Hmmm... I don't have a profound ending sentence so...wala lang, yun lang.


Friday, January 28, 2005

survey survey

THREE NAMES YOU GO BY
1. Maits
2. Maity Maits
3. Teng

THREE SCREEN NAMES YOU HAVE HAD
1. dimple_14
2. migraine_gurl
3. mango

THREE THINGS YOU LIKE ABOUT YOURSELF
1. disiplina sa sarili
2. not being afraid to go places kahit na mag-isa
3. my non-bopek voice

THREE THINGS YOU DON'T LIKE ABOUT YOURSELF
1. my inability to take big risks
2. my pimples!
3. my lack of money, hehe

THREE THINGS THAT SCARE YOU
1. ipis
2. multo
3. losing loved ones

THREE OF YOUR EVERYDAY ESSENTIALS
1. food
2. pera
3. a book to help me sleep

THREE THINGS YOU ARE WEARING RIGHT NOW
1. t shirt ng bro ko
2. shorts ng bro ko
3. glasses

THREE OF YOUR FAVORITE BANDS OR MUSICAL ARTISTS (at the moment)
1. coldplay
2. sugarfree
3. destiny's child

THREE OF YOUR FAVORITE SONGS (at the moment)
1. the scientist
2. ano ba yun, yung kay pharell, yung puro percussion, hey mister ba yun o she's sexy
3. don't dream it's over, orig version

THREE NEW THINGS YOU WANT TO TRY IN THE NEXT 12 MONTHS
1. travel alone at malayo
2. get a part time job
3. mag-diet ng tunay

THREE THINGS YOU WANT IN A RELATIONSHIP
1. yung tipong you can really count on each other whenever, wherever
2. lots of laughs
3. no secrets, no lies

TWO TRUTHS AND A LIE (in no particular order)
1. maaga ako magising
2. i love my course
3. i'm a romantic

THREE PHYSICAL THINGS ABOUT THE OPPOSITE SEX (or same) THAT APPEAL TO YOU
1. height
2. shoulders
3. lips

THREE OF YOUR FAVORITE HOBBIES
1. watching TV
2. strolling
3. reading

THREE THINGS YOU WANT TO DO REALLY BADLY RIGHT NOW
1. travel papunta sa kung saan mang malayo
2. eat, gutom ako e
3. just friggin sleep!

THREE CAREERS YOU'RE CONSIDERING
1. chemical engineer (sana lang)
2. professional bum
3. taong grasa

THREE PLACES YOU WANT TO GO ON VACATION
1. paris!!!
2. Sa province namin sa misamis
3. Cebu

THREE KID'S NAMES:
1. alexandra
2. margarita (para long version ng maita)
3. Dominique

THREE THINGS YOU WANT TO DO BEFORE YOU DIE
1. travel as much I can (afford)
2. fall in love
3. rule the world

THREE WAYS I AM STEREOTYPICALLY A GIRL
1. when I have time, my kikay regimen is really complicated
2. I love fixing my hair
3. Dressing up or shopping (kahit window lang) lifts me up

THREE WAYS I AM STEREOTYPICALLY A BOY
1. Mejo bossy ako sa bahay
2. hindi ko palagi kelangan ng kasama pag may gusto akong puntahan
3. Barubal ako manamit sa bahay

THREE CELEB CRUSHES
1. josh hartnett!
2. gael garcia
3. eric bana, pero sa troy lang

Thursday, January 27, 2005

bangag

Hanlufet, ngayon pa talaga ako inatake ng migraine with matching sore throat. Kahapon nabinat ako kaya hindi ako nakaaral ng maayos para sa exam kaninang umaga. Me insomnia rin ata ako lately e, pag matutulog na ako feeling ko antok na antok na ako pero bumibilang ako ng oras bago makatulog tapos yung tulog ko yung tipong parang half-awake pa rin, ang panget, at ang OA sa aga ko pa magising. Kanina ngangumaaga nagising ako ng 4, que horror! Pumasok na lang ako ng maaga para mag-aral. Kanina rin maaga akong umuwi at natulog ako agad kasi parang mabibiyak na ang ulo ko. At eto ako ngayon, bangag pa rin. Haay, kelangan pa mag-aral para sa exam bukas, banas talaga.

Saturday, January 15, 2005

TV

Wow, this is my third time to make a post today, though yung dalawa just came from online quizzes. I watched Indecent Proposal earlier and honestly, I was a bit disappointed coz it was not as indecent as I expected, hehe. Pinaunahan pa kasi ako ni ate e, sabi niya "Bold yan." So I waited for something really obscene to happen. Pero to my utter dismay, it just merely had some love scenes that weren't that scandalous and could have been better. Hehe, parang ang manyak tuloy ng tunog ko noh? Well, it's not my fault that it had such a suggestive title. I watched pa Passion of Mind, it had a very interesting and creepy plot. Demi had a rare case of MPD wherein you'll feel you're living two lives, parang when she sleeps in her other life, she wakes up in another entirely different but seems equally real life. So, in effect, it's as if she's awake 24/7. Astig nga e, what if wala kang gustong i-give-up na version ng buhay mo, baka masira na utak mo nun. Hindi ko lang siya natapos kasi may hinihintay ako kaya hindi ko nalaman kung alin yung totoo.

Anyway, enough of Demi Moore. After a few weeks of waiting in vain for a new episode of Gilmore Girls, sa wakas, hindi na replay yung kanina. It was partly about journalism, kaya nga na-inspire ako mag-update, though this a farcry from Rory's well thought of articles. Ayun, tapos back to work na, kelangan na ituloy ang paper na nakkaatamad talagang gawin.
Sige na nga...





Your Element Is Air



You dislike conflict, and you've been able to rise above the angst of the world.
And when things don't go your way, you know they'll blow over quickly.

Easygoing, you tend to find joy from the simple things in life.
You roll with the punches, and as a result, your life is light and cheerful.

You find it easy to adapt to most situations, and you're an open person.
With you, what you see is what you get... and people love that!







Ano bang kanta ito? Parang mukha pang mga penguin yung mga singers. pero nakakatuwa din naman yung result.


1985 by Bowling for Soup





"Where's the mini-skirt made of snakeskin?
And who's the other guy that's singing in Van Halen?
When did reality become T.V.?
What ever happened to sitcoms, game shows?"

You took the bitter with the sweet in 2004 - and kept laughing.



Friday, January 14, 2005

Suntok sa Buwan

Kakaiba, bigla akong na-depress kanina. Bakit tuwing Friday night ang lungkot ng hangin kapag naglalakad ako pauwi. Hindi ko talaga maintindihan, pero nalulungkot talaga ako. Well it's really not just a feeling of sadness, but more like emptiness. Sabi nung teacher namin sa hum kanina, the more knowledge you attain, the more sorrowful you become, ibig sabihin ba tumalino ako? Hehe, asa pa. Pero medyo naniniwala din ako dun, na ignorance is bliss. Hay, siguro kung mabaliw ka dahil sa sobrang saya, nirvana talaga yun. Alam mo yun, dahil baliw ka, masaya ka na palagi, you won't ever give a damn anymore about the things that happen outside your crazy little world. Here I go again, babbling on and on about my twisted ideas, nahahawa na ata ko dun sa teacher ko e, ang daldal niya kasi, pero unlike me, his ideas sound so philosophically intense while mine just seem plain stupid. What to do, what to do... Actually madami, hindi ko pa nga natatapos basahin yung binabasa kong nobela, kasi lagi na lang akong late umuwi at computer kaagad ang kaharap ko, tulad ngayon. Nakakainis nga e, maganda yung libro,pero the bulb of the reading lamp that I'm using got busted, ang hirap tuloy magbasa, ang liit kasi ng font.

Tatapusin ko na lang ang entry na ito sa pamamagitan ng lyrics ng suntok sa buwan, para me malagay ako sa title, wala na naman kasing sense pinagsusulat ko e. Pero ang ganda kasi ng lyrics, kanina ko lang nagets...

Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan

'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin

Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko'y 'di nabibitin

Haaay...


Wednesday, January 12, 2005

paper paper paper

Putek, intro pa nga lang nahihirapan na akong gumawa e. Nakakatamad, grabe, lalo na kung napakadaming distractions! Pero kelangan ko magawa at least a quarter of my paper, para hindi naman ako masyadong mapraning later. wala lang, yun lang, delaying tactic.

Sunday, January 09, 2005

blah part 2

Hehe, wala lang. Feel ko lang ulit magsulat kahit wala naman nangyaring importante. Ang pangit pala pag taglish ang entry mo, ang konyong trying hard ng dating, parang yung huli kong entry. Natawa ako nung binasa ko siya kanina. Ang weird, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, para akong masayang hindi, kuntento pero marami pa ring gusto, busy pero hindi naman talaga, sa utak lang ang pagka-busy, sinisipag pero tinatamad, naghihintay pero hindi alam kung ano'ng hinihintay, nanonood ng tv pero ang isip nasa ibang eksena. Kakaiba, yun lang.

Friday, January 07, 2005

blah

Ang hirap naman magpaka-profound kapag hindi ka depressed, wala tuloy ako masulat. Ililista ko na lang ang mga nasasaisip ko:

1. My sister moved out na so akin na yung kwarto pag weekdays.
2. Sana hindi na ako masyado managinip ng mga events which resemble the end of the world, I usually cry in my sleep whenever I experience that e.
3. Sana magawa kong mag-lose ng 10 pounds.
4. Bakit ba wala pa ring stipends?!
5. I give up, wala na talaga akong masulat.

Saturday, January 01, 2005

Year End Survey

1. What did you do in 2004 that you'd never done
before?
Matulog sa McDo. Andami e, mahirap sulat lahat.

2. Did you keep your new years' resolutions, and will
you make more for next year?
> Hindi ko kelangan nun, mabait na ako e

3. Did anyone close to you give birth?
> yup.

4. Did anyone close to you die?
> ala naman

5. What countries did you visit?
> France...sa panaginip

6. What would you like to have in 2005 that you lacked
in 2004?
> kotse!!! Kaso mahal na ang gas. Lablayp! wahaha!!!

7. What date from 2004 will remain etched upon your
memory, and why?
> hmmm...hirap naman...bday ko(?)..summer getaway din siguro

8. What was your biggest achievement of the year?
> Achievement? dami e. wahaha!

9. What was your biggest failure?
> Yung acad performance ko nung summer, sobrang disappointed sa akin ang mga tao dito sa bahay nun e.

10. Did you suffer illness or injury?
> Sa awa ng Diyos, oki naman ako

11. What was the best thing you bought?
> wahehe, wala akong pera nitong nakaraang taon e

12. Whose behavior merited celebration?
> ako! ako! hehe. lahat ng kabarkada ko.:)

13. Whose behaviour made you appalled and depressed?
> basta, the ones who always keep my hopes up, but lets me down in the end... pero oki lang rin, naging mas independent and cautious naman ako.

14. Where did most of your money go?
> pagkain at pamasahe

15. What did you get really, really, really excited
about?
> summer getaway, enggweek, plant visit(hehe, no kidding), bday ni alex

16. What song will always remind you of 2004?
> hmmm...Ikaw nga, southborder, araw-araw kasi pinapatugtog sa mulawin

17. Compared to this time last year, are you:
i. happier or sadder? happier
ii. thinner or fatter? parang fatter, mas nagtakaw ako this year
iii. richer or poorer? poorer!

18. What do you wish you'd done more of?
> hmmm...sana mas nakapag out of town ako this year, more travel ba

19. What do you wish you'd done less of?
> cry, worry, stress

20. How will you be spending Christmas?
> wala kami nun e, at tapos na din, natulog lang ako nun

22. Did you fall in love in 2004?
> hmmm...pag-iisipan ko muna...jok jok jok!!

23. How many one-night stands?
> sikreto...jok ulit! wish lang nila noh!

24. What was your favourite TV program?
> will and grace pa rin at gilmore girls

25. Do you hate anyone now that you didn't hate this
time last yeaR?
> hindi naman ata hate, annoyed lang

26. What was the best book you read?
> Nagustuhan ko talaga yung god of small things, ang wierd ng pagkaka-narrate

27. What was your greatest musical discovery?
> astig pala yung keane, tatlo lang sila, keyboards, at gitara, walang drums, pero buo pa rin yung songs, astig *ay mali, meron palang drums, pero gusto ko talaga style nila*

28. What did you want and get?
> small things lang naman, new pants, astig na shoes, bags etc.

29. What did you want and not get?
> driving lessons, bummer

30. favorite film of this year?
> mean girls, wahaha! ang ganda pala ng wicker park, ngayon ko pa lang napanood e, josh hartnett gwapo! basta yun kasi yung mga latest ko na napanood e.

31. what did you do on your birthday, and how old were
you?
> ano nga ba yun... house to house sa village ng aunt ko para sa FOPC, nung hapon kumain sa bahay with friends at tumuloy kami sa LFS ng Troy nung gabi, saya naman

32. What one thing would have made your year
immeasurably more satisfying?
> secret... ewan ko, siguro kung biglang pwede na akong grumadweyt now na, hehe, tinatamad na talaga akong mag-aral e.

33. how would you describe your personal fashion
concept in 2004?
> sabi ng ate ko, wirdo daw akong manamit. basta sinusuot ko lang kung ano ang komportable para sa akin.

34. What kept you sane?
> My faith and my friends, saka TV

35. Which celebrity/public figure did you fancy the
most?
> Eric bana sa troy, gwapo kaayo! Pero josh hartnett pa rin.

36. What political issue stirred you the most?
> Pyudalismo sa Pilipinas, American Imperialism, gloria bulok, hehe PI kasi

37. Who did you miss?
> wala naman ata, nakasama ko lahat ng gusto ko makasama...

38. Who was the best new person you met?
> Hmmm...ewan, wala ko maisip

39. Tell us a valuable life lesson you learned in
2004.
> Sometimes you get what you want, sometimes you don't, nevertheless, you should learn to count your blessings.

40. Quote a song lyric that sums up your year.
> "Life has a funny way of sneaking up on you when you think everything's okay ang everything's going right. And life has a funny way of helping you out when you think everything's gone wrong and everything blows up in your face..." saka "There's a rainbow always after the rain...", meron pa pala, "Don't push too far, limitations scar..."