Friday, February 26, 2010

Strange but pleasant surprise

Ghost of the archived past! Hahaha, shet natatawa na lang ako!

Expounding further, siya yung akala ko ay ka-MFEO ko for the longest time. Alam ata ng lahat ng kakilala ko nung HS kung gaano ako ka-patay na patay sa kanya, maygulay. Nagnakaw pa ako ng copper wire sa Physics experiment namin para lang ma-spell ko yung pangalan niya at malagay sa ilalim ng unan ko sa dorm ang stalker artwork ko. Naglulundag din ang puso ko nung nalaman kong makaka-transfer siya from LB to Diliman, edi feeling meant to be na naman ang beauty ko. Crush na crush ko na siya mula pa lang sa first screening sa Pisay hanggang sa.... Dandananan... Nagka-girlfriend siya nung 2nd year college!!! Haha, in fairness gumuho mundo ko noon. Pero after 1 hour naka-recover naman ako agad. Hindi naman kasi talaga kami friends, hindi kami nag-uusap masyado. Nung minsang nag-usap kami, wala akong naintindihan kasi yung boses niya yung garbled na malalim, parang pang-jock ba. Ganito lang conversation namin, sa library yun naalala ko pa:

C1: M, nlabdjefuefsdkfdflfijfeoialdesad...
M: Ano?
C1: nfsefnresufnsmlsdfsofsdkflsa...
M: Sorry?
C1: Meron ka nunsadSKFESFLENASDJAFOEKFDEFDASKDAJDALD?
M: Ah ok.

Therefore, I didn't know him at all!!! Hahaha. Hay, high school naman talaga! Gotta love et. :P

Thursday, February 25, 2010

Monday, February 22, 2010

Limbo Rock

Tama si Angel, nasa state of limbo ako ngayon. In-betweens are always the most difficult. Limbo sa work, family, at love life (apparently).

Ewan kung nabanggit ko na, pero kwento ko na rin. Ayun, more than 1 year na ganun pa din kami if not worse. Ang mga damdaming parang mga baklang takot na takot magladlad sa pangambang baka hindi matanggap ng isa't isa ang katotohanan. Ngayon aalis pa siya, naloko na. Hindi ko na talaga alam kung ano'ng dapat kong gawin o kung may ginagawa nga ba dapat ako. Hay naku, hindi ko na talaga alam. Dinadaan ko na lang sa dasal at iyak. Ang lungkot lang.

Ang hirap kasi e. Alam ko naman kasi na may mga bagay akong gustong magawa na hindi talaga swak sa sitwasyon. Pero kung ano man ang maisipan kong gawin, meron at meron talaga akong mabibitawan. Sa bawat malaking desisyon ko damay talaga ang malalapit na tao sa paligid ko.

Sa masaya naman, nag-Subic kami ng teammates ko nung weekend ng umaga para magpa-reserve ng venue para sa Team Building namin:





Sa hapon naman, sumama ako sa Ad Hoc lakad ng mga HP friends ko nung hapon sa Pansol. Hehehe, ang saya lang, first time ko mag-drive sa SLEX! At syempre masaya pa lalo kasi siya yung nasa passenger seat. Sorry naman, at sa kasamaang palad ay ako ang may sasakyan sa amin.









Pero siyempre sa hinaba-haba ng magdamag hanggang tanghali, hindi namin napag-usapan ang ang tungkol sa "amin". Medyo nakakailang pa, tinutukso kami ng walang humpay. Hindi tuloy namin basta matabihan ang isa't isa dahil konting QT lang, pinagpi-piyestahan na nila. Hay! Hindi nakakatulong mga friends! Buti na lang maaga siya nagising at ako din naman kaya mga dalwang oras nagvi-videoke kami ng kaming dalawa lang. Pero teka teka teka, may napapansin akong isang bruhang pumapapel sa eksena, hindi nakakatuwa. Masagasaan nga minsan.

Saturday, February 13, 2010

Friday Night Joyride (to Saturday morning, hehe) :D

Burns' Birthday Party/Mini High School Reunion
UERM Visit
Kain ulit sa Mr. Kabab :)

It's times like these that make me embrace life. I love Mangoes' spontaneity on our bonding sessions. Easy night outs, no pressure on where to hang out or what time to go home . Driving around Quezon City, my favorite city in Metro Manila. Quality time with my best friends. Kahit na Valentine's Day bukas, at ika nga ni Sherrie, ngayon mas nakakadepress pa ang usapang love life kaysa sa Ondoy, minimal na lang yung effect sa akin (well, KJ kasi ako, hindi ako fan ng V-day, I think everyday should be V-day. Nyeh meh ganun?!).

Thanks for the food Burns! Celebrate ka din ng super sweet 27 para reunion ulit next year :D

Burns, Myra, James, Lou
High School Batchmates

At UERM





Mister Kabab

Transformation Complete! (Well, almost...) :D

Wow, I'm so proud of myself! I was actually able to renovate my room over my long weekend. It's so cool!!! It turned out exactly as I imagined it. I have a sketch of what I wanted the arrangements to be, and it truly materialized.

Sketch of planned layout:
Actual results:




I'm still not used to the new orientation though. Sometimes when I wake up, I feel like I'm in the wrong room, hehe. Far cry from my room's former chaos. But I'm really enjoying the artsy new feel and all the freed up space! :)

These are the pending items to fully complete this project:

- Get a side table - done! I was able to buy an antique side table from Cubao Expo, another cool item
- Get/copy wall design from Daiso
- Do finishing touches on the paint job (the hired person wasn't an expert so I need to do a lot of touch-ups)
- Buy that uber expensive wardrobe closet!!!

I'm giving myself an A for effort! Good job Maita! Hehehe :D

Thursday, February 04, 2010

Paint Job


Yehey! Finally got my painting paraphernalia! Bought the following:

1 gallon Ivory
1 gallon Victory Red
1 gallon of another color I can't remember
Thinner
Varnish for my bed
paint brushes
paint rollers
some device used to remove my old wallpaper

Kelangan ko na lang mahanap si Kuya na tutulong sa amin na magbuhat at pintura.
I'm so excited! :D








Monday, February 01, 2010

Mga bagay-bagay ukol sa buhay ko

Matagal ko na gusto gumawa ng ganitong entry pero dahil makakalimutin ako, hindi ko nasisimulan. Ngayon lang. Ayun, eto yung mga bagay tungkol sa akin na hindi ko naman masyado pinapagkalandakan, pero kung oobserbahan ng mabuti ay totoo naman.

1.) Makakalimutin ako. Sobrang absent minded ko talaga kaya pag may kelangan ako gawin nas-stress ako sa kakaalala. Kasi, kung hindi ako mag-focus sa kelangan kong tandaan, madistract lang ako ng konti, wala na sa utak ko yan. Extra effort ba ang present-mindedness sa akin, gets niyo?



2.) Takot ako sa ka-cheesy-han at kakornihan. Squeamish lang talaga ako sa mga ganung bagay. Ayoko ng mga din ng mga bagay na masyadong pa-cute. Hindi ko pa ma-define kung ano nga ba itong mga tinutukoy ko, pero pag narinig o nakita ko yan malamang mananahimik o mag-walk out na lang ako.


3.) Gustong gusto ko magsuot ng mga damit na seksing seksi, yung tipong bordering pokpokish. Pero kulang ako sa lakas ng loob kahit alam kong bagay naman. Kaya kahit minsan inookray ko ang mga babaeng bonggang bongga ang pagka-pokish ng damit, may konting bahagi pa rin sa akin ang naiinggit. Kung magsuot man ako ng ganun, malamang may pampatong ako kaya hindi rin halata.












4.) May pagka-loner/anti-social ako. The nice kind. Ang malala, nag-e-enjoy naman ako kahit ganun. Marami naman akong true good friends. Pero ako yung tipong hindi magpapasama sa CR unless feeling ko gusto din mag-CR ng kasama ko. Ok lang sa akin maglakwatsa ng mag-isa.
Pag nasa bahay ako nagkukulong ako sa kwarto. Hindi ako yung mga tipo ng tao na unang makikipag-usap pag may kasamang di kilala, malamang dedma na lang ako pag ganun. Ok lang kasi sa akin na nakatunganga. Basta ganun, marami akong friends pero ayoko lang talagang nagiging dependent sa iba masyado.

5.) Masungit ako sa bahay. Ewan ko ba, basta ganun talaga ako, I can't help it.






























6.) Hindi ako masyado nagpaplano ng buhay. I try to live one day at a time. Naniniwala kasi ako na kung inaayos mo naman ang kasalukuyang buhay mo, magiging maayos din naman ang kinabukasan. So far ayos naman, gumana naman ang prinsipyo kong ito.

7.) Hindi ako mahilig sa self-help books. Parang common sense lang naman kasi yung mga pinagsasasabi sa mga ganun. Nagiging defensive lang ang utak ko tuwing nagbabasa ako ng ganun kaya hindi na lang. Maayos naman ang pagpapalaki sa aking ng magulang ko.


8.) Kahit na gusto ko naman maging magaan ang buhay ko, hindi ko pinangarap na maging sobrang yaman. Tipong gagawin ko ang isang bagay kasi may mabuti siyang maidudulot sa buhay, pero hindi ko consciously naiisip na para yun sa ikayayaman ko. Tipong bonus na lang kung may kayamanang kapalit. Tuwing nagsasabi ang mga kaibigan ko na gusto na nilang yumaman nababagabag at nalulungkot ako. Hindi ko kasi matarok kung baket kelangan maging sobrang mayaman ng mga tao. Pera ba talaga ang nagpapaikot sa buhay ng tao? Pero hindi ko rin masabi, kasi nakakaluwag siguro ako ngayon kaya naiisip ko tong mga to.

9.) Pag iniisip ko ang pag-aasawa, at siya naman kasi ang dami kong kilalang nagpapakasal ngayon, napapagtanto kong ayoko pa talagang magpakasal! Hay, naiinis na nga ako e. Gusto ko naman ma-inlab, pero pag naiisip ko ang magiging epekto nito sa kalakaran ng buhay ko ngayon hindi ako natutuwa. Hay, sana magbago na ako.

10.) Napakaiksi ng pasensya ko. Bow.



























11.) Ayoko ng kinukulit ako. Please lang. Kung tatawagan mo ako para lang makipag-chikahan, magtext ka muna kung busy ako. Nas-stress kasi akong makipagdaldalan pag wala ako sa mood, kasi wala rin akong lakas ng loob para sabihin na "Ay sorry busy ako, usap na lang tayo next time".

12.) Hindi ko kayang makipagplastikan. Pag ayaw ko sa isang bagay/tao hindi ko kayang magpanggap na ok lang, na maganda naman etc. May facial expression kasi ako na nagsasabi na "Ay di ko type". Terible.

13.) I love my sense of humor. Kahit may pagka-anti social ako, hindi ako hirap magfit-in sa isang grupo kasi wide ang spectrum ng sense of humor ko. Madali akong maki-ride at hindi naman ako masyadong pikon.

14.) At this point in life, wala na akong pakealam sa sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. Kung ayaw mo sa akin edi wag mo. Ginagawa ko kung ano man gusto kong gawin. Pero mabuti naman akong tao, hindi naman ako consciously gagawa ng makakasakit sa iba.






















15.) Hindi naman ako materyosang tao, pero gustong gusto ko talaga napapaligiran ng mga magagandang bagay. Siguro nagkakataon lang na yung mga magagandang bagay na nagugustuhan ko ay mamahalin din. Pero pag may nakita akong magandang mura, malamang bilhin ko din naman yun.

16.) Hindi ako girly. Sa kabila ng mga kurbada sa katawan ko, may pagka-maton ako kumilos. Kikay at mapag-ayos ako, pero hindi ako hihingi ng tulong para lang magpapansin o magpa-cute. Nakakasayang ng oras. Sabi nga ng ka-opisina ko hindi daw ako babae, hahaha. Hindi ko lang talaga magawang maging mahinhin at pino. Kahit sa mga gamit ko, gusto ko yung may pagka-masculine ang features, madalas kasi mas matibay at useful ang mga ganun, at madali din bagayan. Pero pangako, hindi ako tibo. Sayang naman ang beauty ko noh, hahaha!

17.) Pessimistic ako. Pero ginagamit ko yun sa positibong paraan. Tipong do your best but expect the worst ang drama. Dahil sa sobrang nega ko, ginagawa ko ang makakaya ko para ma-offset ang mga masasamang bagay na pwede dumating sa buhay.

18.) Kung nabasa mo yung mga naunang punto, malamang isipin mo hindi ako kaaya-ayang tao, pero nagkakamali ka. Masayahin ako, maraming kaibigan, matulungin, mababaw ang kaligayahan, maganda, seksi at marami pang mabuting pang-uri na pwede mong maisip. Hahaha! Pwera biro, mabuti naman akong tao. Sa tingin ko lang naman.













19.) May dahilan kung baket hanggang 19 lang ito. Ikaw yun.