Sayang, tapos na engg week, ang saya saya nya kasi kahit medyo naging halos 24/7 na siya para sa akin. Talagang sinagad ko ang pasensya ng nanay ko kasi dalawang beses akong umuwi nang umaga na para lang maligo at kumain at hindi pa kasama dun yung last night ng engg week na hindi talaga ako umuwi at nung kinahapunan ay nagyaya pang manlibre yung kabarkada ko nung high school kasi bday nya kaya halos dalawang gabi akong hindi umuwi kasi madaling araw na akong nakabalik sa bahay. Ngayong engg week ko lang naranasan na maglakad mula KNL hanggang engg dahil wala na kaming masakyan nung isa kong kasama sa band ng org at ngayon ko lang rin naranasan na dahil sa wala na talagang matulugan dahil madaling-araw na ay naglakad na lang papunta sa mcdo philcoa at dun natulog, kakatawa talaga.
Sobrang sulit ko talaga ang engg week at nung last day ay may pahabol pa kaming duet na singing contest na naka-second place pa kami nung kapartner ko kahit super impromptu lang yung song namin at ni wala man kaming minus one kaya a capella lang yung performance. Nung hapon, nagpasama ako dun sa isa kong kaibigan para isoli yung gitara ng pinsan ko sa tandang sora tapos pagbalik bumili ako ng regalo para dun sa monito ko. Kahit na second kami at hindi first sa over-all ranking ng engg week ay ayos lang, hindi naman down ang mga tao kasi alam namin na we all played fair hindi kagaya nung iba na obvious na nandaya. Ang saya talaga, pero nalungkot nga lang ako kasi nung last night akala ko kumpleto kaming magkakasama nung mga kabarkada ko kaso yung isa hindi pinayagang mag-stay, yung isa, hindi ko alam kung nasaan nga ba at yung isa naman, may trabaho pa at halos hindi ko man na-feel yung presence.
In fairness, ang tino na ng facade ng cubao ngayon pag gabi, siguro dahil yuns newly opened na gateway mall. Dati kasi pag cubao, naiisip ko lang ay puro magnanakaw pero ngayon nagawa pa naming maka-gimik dun.
Hay...walang coherence tong entry ko, pasensya bangag pa ako kasi kakagising ko lang mula sa 12-hr sleep ko, pero kahit anupaman, masaya ako.:)
Slow down everyone you're moving too fast... Frames can't catch you if you're moving like that...
Saturday, December 18, 2004
Saturday, December 11, 2004
Paris
Masaya tong araw na ito in fairness.
Nung umaga pumunta ako sa pasalamat para sa mga kabataan kasi sinama namin ng nanay ko yung baby namin at pareho kaming naiyak ng nanay ko nung nananalangin na, kasi sobrang nagpapasalamat talaga kami at nagkaroon kami ng munting anghel sa bahay namin.
Pag-uwi ko may inasikaso ako para dun sa banda na pinapaayos nung organizer nung jameng'g kaya medyo tanghali na ako nakapunta sa skul. Masaya naman ang naabutan ko, kahit na hindi naman talaga ako nakalaro, pakiramdam ko kasali pa rin ako kasi todo nagsusuportahan kami ng mga orgmates ko.
Pagkatapos nakikain muna kami dun sa party ng department namin bago kami pumunta dun sa pagpapraktisan ng mga kabanda ko. Masaya naman yung nangyari kahit na akala ko ay medyo kakaiba kasi ako lang ang babae sa amin. Hindi pa rin masyadong naaayos yung mga kanta pero ok lang kasi first practice pa lang naman e, kayang-kaya nila yun, magaling naman sila e, lalo na yung gitarista. Natuwa din ako kasi ok din yung nakuha naming bagong bokalista kahit na medyo nahihiya pa siya. Natatawa ako kasi nabuhay na naman yung dating isyu na hindi naman talaga isyu dahil mali kasi ang ipormasyon at iyon ay isang pawang tsismis lamang. Masaya naman yung gabi, pagkatapos ng praktis nilibre kami nung isa alumni na kasama namin at nagkukulitan kami lahat sa McDo. Pilit naming pinagkakasya ang 200 pesos sa siyam na tao kasi lahat kami ay walang pera at umaasa lang sa libre at in fairness, nagawan naman ng paraan.
Buti na lang din at sinabayan ako nung isa kong kasama pauwi kundi kaawa-awa talaga ako nun.
At bilang panghuli, nahuhumaling na talaga ako dun sa isang napili naming kanta na tutugtugin nila, sana lang talaga walang sablay...

Saturday, December 04, 2004
changes
galing to sa kaibigan ko, pucha ang ganda kasi totoo:
sometimes, change may do you good. sometimes it turns out to be for the worse. pero kahit ano pa man, change is always scary... especially if ambilis ng transition...
then warm now cold
then new now old
then broken now fixed
then happy now sad
then certain now doubtful
then wanted it now has it
then intense now numb
then scared now brave
then restless now content
then clear now blurred
then near now far
then what; now what?
-cutterpillow

Thursday, December 02, 2004
survey
Magsusurvey na lang ako, nakakalungkot ang bagyo e, sobrang kawawa yung mga nasalanta, pasko pa naman...
Para lang ilayo ang isipan ko sa sakuna...
10 Years Ago. . .(1994)
[01] isa akong pariwarang batang nanghuhuli ng mga isda sa kanal at nanghahabol ng mga tutubi sa parking lot ng skul namin
[02] na-confiscate yung ID ko nung science teacher namin kasi nagtatatakbo ako sa corridor
[03] may pagka-apathetic talaga ako nun, kebs sa mundo
[04] transferee ako sa skul ko
5 Years Ago. . .(1999)
[01] gumanap ako bilang sita sa class play namin ng ramayana sa auditorium at sa buong play isang beses lang kami nag-usap ng rama ko, parang hindi kami talaga magka-partner
[02] lithium ako nun at kahit na barubal yung section namin at walang natatapos na matinong class project, super enjoy pa rin
[03] may pagkalibrary person ako nun, hindi para mag-aral kundi para magbasa ng better homes and gardens, haha, ang pathetic
[04] yung mga groupmate ko sa bio ay dalawang lalaki, yung isa, sobrang pasaway sa gulo at yung isa naman ay pasaway na colorblind kaya hindi siya makagawa ng matinong observations at dahil ganun sila ako lagi gumagawa ng lab rep namin
3 Years Ago. . .(2001)
[01] nasa dorm room ako, naninigas na sa kaba at hinihintay na may magsabi sa akin ng UPCAT results, hindi ako makalabas at makapagtanong kasi ayokong marinig na sabihin sa aking "hindi makita yung pangalan mo e..." buti na lang pinuntahan ako nung floor mate ko at sinabi " uy, engineering ka daw sa diliman." at saka lang ako nakahinga ng maluwag.
[02] naaksidente ako, nung naghuhugas ako ng pinggan, dumulas sa kamay ko yung plato, sinubukan ko syang saluhin gamit ang binti ko but no, tumama siya sa lababo at ang sinalo ko pala ay isang basag na pinggan kaya dumanak ang dugo sa may kusina at nagkaroon ako ng 1-inch deep 2 1/2-in long wound sa may tuhod ko, akala ko nga puputulin yung binti ko e, super daming stitches nun, malalim kasi, at hindi ako nakapasok for one week.
[03] hindi ako umattend ng grad ball kasi ayoko na makita muna ang mga tao sa hayskul ko
[04] ayun, tuluyan na akong nag-aral sa UP at so far, nag-eenjoy naman ako kahit ayoko na mag-aral
A Year Ago. . .
[01] naging official member na ako nung org ko
[02] nagka-gelpren na yung dati kong kinababaliwan na crush for the longest time at I was quite shattered for some time, hehe, ang pathetic
[03] yung tatlong magkakasunod na katulong na namasukan sa amin ay may topak, yung una nahome-sick kaya umuwi rin agad, yung pangalawa, sadya atang may sayad at bigla na lang umalis at sumulat na lang na padala namin yung gamit niya sa catanduanes, kapal! yung huli, isa palang tibong ubod ng sinungaling at nanghinayang kami sa kanya kasi she was young and pretty at ang balita namin ngayon ay me kinakasama siyang matandang lalaki sa baguio
[04] we got alex.=)
This Year . . .
[01] na-experience ko ang unang singko sa buhay ko at para talaga yong isang malufet na dagok sa self-esteem ko
[02] nung b-day ko nasa baguio sila mama at nanood kami ng mga kaibigan ko ng lfs ng troy at nung sumunod na araw ay nagpaka-pariwara kami nung isa kong kaibigan sa ortigas, masaya naman
[03] na-suspend yung dost scholarship ko,huhu
[04] na-reinstate yung dost scholarship ko! haha!
Yesterday . . .
[01] na-suspend ang classes dahil sa bagyo
[02] tumunganga lang ako sa bahay
[03] nag-attach ako ng mp3 at ang tagal tagal kasi nad-dc ako for life kaso it turned out na masyado pala siya malaki kaya wala ring kwenta kasi hindi masend-send
[04] Nagwala yung tatay ko nung gabi kasi yung nanay ko ay nagmahjong pa sa katabing village e bumabagyo na nga at ang mga palayan ang nagiging dagat na at ang mga bahay ay bubong na lang ang natitira.
Today . . .
[01] nanood ako ng tv at nalungkot ako kasi disaster talaga ang dala ng bagyo at wala man lang akong nagawa para makatulong
[02] pinatulog ko si alex
[03] kumain ako ng tuyo at itlog for breakfast
[04] sinagutan ko tong survey
Tomorrow . . .
[01] may make-up class pa kami for CE 22
[02] baka i-postpone ko na muna yung band practice namin, baka lang...
[03] gusto ko mag-mall kaso ala akong pera
[04] hopefully do something related to acads
ay, tapos na, isa pa, isa pa!
5 places you've slept at?
dito sa bahay
kina mimay
sa bahay ng mga pinsan ko
sa kabaong sa tambayan
sa mga pinupuntahang resort sa mga outing
Do you dream often?
oo, halos araw-araw
Do you drool when you sleep?
sure, why not!
Do you talk in your sleep?
hindi naman ata.
Do you snore?
wala pa namang nagsasabi sa akin na humihilik ako
Do you sleep on your left side / right side? pag natutulog ako on my left ako pero usually pag gising ko, i'm on my right
Are you one of the people who sleep with their eyes half open?
hindi
Do you enjoy sleeping?
ay hindi!
Do you get enough sleep?
oo, 8 hrs on the average, maaga ako matulog e pero maaga din magising
What is the size of your bed?
single ba yun? basta pangisang tao lang
When you just can't get to sleep, what do you do?
read with dim lights para mapagod ang mata
Sleep with lights On or Off?
off, ayoko talaga ng maliwanag e
Which side of the bed do you wake?
yung malapit sa dingding
Pillows? 2, no more no less, isang yakapan, isang unan sa ulo
Hard bed? Soft Bed? soft naman.
What do you normally do before you sleep?
read
What can you not sleep without? kama, dalawang unan, at kumot
What is the bad thing about you when you are sleeping? mababaw ako matulog kaya madaling magising
What u fear when u're sleeping?multo o magnanakaw
sige na nga, tama na.:)

Saturday, November 27, 2004
wala lang
wala lang. nakakapagod mag-isip nang mag-isip tungkol sa madami mong dapat na ginagawa pero hindi ka naman kumikilos at in the end, you accomplish nothing but still you end up being tired and drained. sakit na ng ulo ko.
Tuesday, November 23, 2004
Shiver
So I look in your direction
but you pay me no attention do you
I know you don't listen to me
Cause you say you see straight through me don't you
But on and on, from the moment I wake
till the moment I sleep
I'll be there by your side
just you try and stop me
I'll be waiting in line
just to see if you care
Did you want me to change
Well I changed for good
And I want you to know
That you'll always get your way
I wanted to say
Don't you shiver
Shiver
Sing it loud and clear
I'll always be waiting for you
So you know how much I need you
But you never even see me do you
And is this my final chance of getting you
But on and on, from the moment I wake
'Till the moment I sleep
I'll be there by your side
Just you try and stop me
I'll be waiting in line
Just to see if you care
Did you want me to change
Well I changed for good
And I want you to know
That you'll always get your way
I wanted to say
Don't you shiver
Don't you shiver
Sing it loud and clear
I'll always be waiting for you
Yeah I'll always be waiting for you
Yeah I'll always be waiting for you
Yeah I'll always be waiting for you
For you
I will always be waiting
And it's you I see
But you don't see me
And it's you I hear
So loud and clear
I sing it loud and clear
And I'll always be waiting for you
So I look in your direction
But you pay me no attention
And you know how much I need you
But you never even see me
-coldplay
*naapektuhan ako, grabe
Saturday, November 20, 2004
Hay naku, nararamdaman ko yung eksaktong naramdaman ko nung 4th year hayskul ako, kaya nga hindi ako pumunta sa grad ball namin. Yung pakiramdam na nagsawa na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, na parang nagiging routine na lang ang lahat, ayoko na ng ginagawa ko, kelangan ko na ng panibagong setting ng buhay ko, ayoko nang makita ang skul ko ang ang mga tao dito (maliban sa mga kaibigan ko). Parang nagiging joke ang lahat, at matatawa na lang ako at sasabihin sa sariling "Ano ba talaga pinaggagagawa mo ha?!". Nakakatawa naman, 4 years din ang pinalipas bago ko maramdaman ito ulit. Kagabi nagpapakalat-kalat ako sa mall, at habang naglalakad ako nakita ko ang mga bagay na tunay na gusto kong gawin o makamit sa buhay ko at syempre, naiyak na naman ako. Nung hayskul pa lang, tinatanong ko na ang sarili ko kung tama ba ang pinili kong field, pinilit ko ang sarili kong mag-oo. Sa bagay ito naman lang talaga ang pinaka-ayos para sa akin among the sciences...pero science nga ba ang gusto ko? Nakakainis kasi kapag naiisip ko ngayon, it's just a matter of not having a choice, I simply didn't have the luxury of choosing what I really want to do. Pwede rin namang masyado akong naging duwag para gawin ang gusto ko dahil talaga namang may kapalit yun na importante rin naman sa akin.Basta, kapag nagka-anak ako, hindi ko siya pipiliting mag-aral ng mga bagay na hindi naman talaga niya ikasasaya. Pero ngayon, wala na, masyadong na akong tumanda, eto na, tanggapin na lang. Pakiramdam ko ginagawa ko na lang ang lahat dahil dapat ko itong gawin at ito ang "tama" na landasin. Wateber, tatapusin ko na lang muna itong hinayupak na kursong to at magbo-board exam tapos saka ko na lang aayusin ang mga bagay-bagay sa buhay ko.
Peste, Christmas pa naman, lalo pa naman akong nagiging unstable at sabog pag dumadating ang panahong ito. Ang abnormal ko talaga, bad trip.

Saturday, October 09, 2004
tinatamad ako
Grabe, sobrang tagal ko nang hindi nag-update. Wala pa rin akong masulat e, tuwing nagsusulat kasi ako, puro na lang reklamo, at ayoko nang magreklamo, gusto ko lang maging kuntento sa buhay ko, yun lang naman gusto ko maramdaman sa ngayon.
Yun lang.
Yun lang.
Thursday, August 19, 2004
Ika nga ni Gretchen Barreto sa pamilya nya, “I’m hurting, I’m really hurting”.
Kapag ako ang nasa bahay laging bad trip ang nanay ko, parang lagi akong may nagawang kasalanan kaya dapat ay parusahan. Kapag sila ang nasa bahay, parang ang gaan gaan ng feeling ng nanay ko…pero sa kanila lang iyon, sa akin walang pinag-iba. Para sa kanila, ako ang kontrabida, ako ang bastos, ako ang walang pakialam. Lahat sila ay ganoon ang tingin sa akin. Pero diba’t ang kontrabida ay hindi inuutus-utusan ng bida? Bagkus, siya pa nga ang-nang-aapi.
Alam ko na minsan matigas din ang ulo ko, at minsan ay hindi mapigilang umalma. Nasasaktan din naman kasi ako. Ayos lang naman talaga sa akin ang magtrabaho sa bahay e, pero hindi na ako kelangang sampalin ng mga masasakit na salita para lang kumilos, hindi naman kasi ako tamad na kagaya nila. Pero sana maintindihan nyo na hindi naman pwedeng palagi ko na lang gawin lahat ng inuutos sa oras na gusto nyo. May sarili rin naman akong buhay at sa buhay ko pa lang na iyon ay hindi ko na mapagkasya ang oras ko.
Naalala ko noon, nung sya ang nahihirapan ng kagaya ko nagyon hindi naman kayo ganito sa kanya. Walang problema kahit na sa eskwela na sya tumira, hatid sundo pa sya kamo. Inihahanda nila lahat ng pwedeng magpagaan sa sitwasyon nya. Pero ako, minsan lang akong nagpasundo, parang pinahirapan ko na kayo ng husto at ang sama na ng loob nyo sa akin.
All I want is just a little support, but what do I get? An endless intinerary of household chores, bills to pay, and errands to do. I understand that I’m the only one who is available enough to do these things, but I only wish that you could put things in their right places. I can only do so much. Wala akong mahabang baba na kagaya ni Ai-Ai para maging martir, o kaya man red, blue with matching stars na costume ni Wonder Woman at higit sa lahat, hindi ako isang ES Department teacher para magkaroon ng pusong gawa sa bato.

Sunday, August 15, 2004
Weekend
Biyernes: Sabi dati nung isa kong kaibigan, ang musika ay buhay, sana naramdaman ko ito noong araw na iyon. Hindi bumagay sa kalagayan ko ang kanta, lalo tuloy ako nainis. Ang sagwa talaga ng mga pangyayari sa buong maghapon, parang naniniwala na tuloy ako sa Friday the 13th.
Sabado: Sarap kumain!!!
Linggo: Naramdaman ko ang epekto ng pagpapagod at pagpupuyat ko nung nakaraang linggo kaya buong maghapon akong natulog. Paggising ko lalo ko naramdaman ang pagod at sakit ng ulo at eto ako ngayon, pagod pa rin pero nagsusulat.

Wednesday, August 04, 2004
Gulong
Hindi ko alam kung ano susulat…hmmm...ano ba…exam bukas…exam sa Biyernes…10-page reading…2-page critical paper….n-page reading…maglaba sa Sabado…a required novel…exam sa Wednesday…hmmm…ang oras walang katapusan…kaso pati rin naman ang mga gagawin ko hindi rin nauubos…isang malupit na pag-ikot ang lahat… iba-iba ang anyo...pero pare-pareho lang naman talaga kung tutuusin…lahat nilikha para pagurin ang isang tao…taong kagaya ko…
Wednesday, July 28, 2004
Burnout
Nakakapagod talaga maging masaya. These past few days, I feel that trying to be cheerful, bubbly or whatever, drains me. It drains me whenever I try to talk too much or get too involved in something. I don’t know if it’s because of burnout from school or from home or from my whole existence in this society altogether. I feel so unreal and everything else seems surreal. Whenever I’m in a crowded place and it’s just too damn noisy, it just exhausts me. Pakiramdam ko kasi hindi totoo ang lahat, ako’y nasa isang panaginip, at ang mga naririnig ko ay mga alingawngaw lamang.
Lately I’m truly finding refuge in my solitude. The hustle and bustle around me makes my head split. I‘ve been resorting to different vices and I don’t even understand why. Maybe because doing these things temporarily verifies my understanding that the world that I’m living in is just a big fraud, and that my being too is a fraud. Maybe because clouding my mind makes me forget all the stupid and meaningless thoughts that clutter my head. Or maybe I’m simply losing my mind. Shit, I need a shrink.
*O wag kang tumingin ng ganyan sa akin, huwag mo akong kulitin huwag mo akong tanungin. Kung iisipin mo di naman dati ganitokay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay*

Monday, July 26, 2004
Sagad
Bakit ganun, tuwing umuuwi ako, pakiramdam ko hindi ako napapahinga, bagkus lalo pa akong napapagod. Diba dapat pag nasa bahay ka dapat mas komportable ka na? Nakakaubos lakas talaga manatili sa bahay namin, pakiramdam ko alila ako, ako na lang lagi ang nakikita ng nanay ko, walang humpay sya kung mag-utos. Sa eskwela pa nga lang pagod na ako e tapos pagdating sa bahay ang sasambulat sa akin ay “ Sino ba maghuhugas nito, kapitbahay?...maghiwa ka na ng baguio beans…hindi lang yan yun, meron pang isa pang plastic sa pridyider…magsampay ka na…itupi mo na yung mga bagong tuyong damit…bukas punta ka sa Project 7 kasi tumawag na si ethel…tapos daan ka na rin sa mercury, bili ka ng gatas…sa Biyernes ikuha mo ulit ng birth certificate yung pinsan mong hindi mo naman kilala...sa isang araw naman pumunta ka sa buwan para magpalutang-lutang ka na lang dun habang buhay!”-ha! sana nga mangyari!. At bawal pa magreklamo, para bang wala na akong karapatang mapagod, pag nakita akong nagpapahinga parang bigla na lang makakaisip ng bagong iuutos sa akin. Palibhasa hindi magawa ng nanay ko na utusan ng utusan si paboritong bunso at ang dakila ko namang ate ay pagod galing sa trabaho. O baka naman sadyang ako lang talaga ang paborito kaya pangalan ko na lang ang palagi nilang naaalala kapag may utos. Pag nagreklamo ako ito naman ang linya: “ Wala ka talagang pakialam, wala ka nang iniisip kundi sarili mo at ang mga kabarkada mo”. Kapag kelangan ko naming mag-aral ito naman: “ Napakamakasarili mo talaga, puro ka na lang aral, e kung sa eskwela ka na lang kaya tumira? Sa susunod na semestre talaga, pahihintuin na muna kita”. At nagtataka sila kung bakit parang ayaw kong tumatagal sa bahay.
Hindi ko na alam kung paano gagawin ko, maaga na nga ako umuwi kung maari e, kasi alam ko naman na hindi na kayang mag-alaga ng nanay ko ng bata sabay maglinis ng bahay. Aba, may konsensya din yata ako. Sa umaga naman, nililigpit ko na yung pwede kong iligpit sa kakaunting libreng oras na meron ako. Hindi naman din kasi ako tamad sa bahay e, kaso marunong din naman ako mapagod. Alam ko naman na ako ang pinaka-rebelde sa amin, pero hindi ko naman pinapabayaan ang mga responsibilidad ko. Pero kahit na anong gawin ko parang napakasama ko pa rin sa paningin nila. Ayoko na ng ganito, para akong under probation, bawat pagkakamali ko ay magnified ng x1000. Pakiramdam ko tuloy bumulusok na ng isang milyong puntos pababa ang EQ ko. Pigang piga na nga ang utak ko, pati ba naman lakas ko kelangan sinasagad? At ito’y bahagi lamang ng mga problema ko. Sa totoo lang, sinusubukan ko na talagang isantabi ang lahat at kaya ko namang gawin yun, pero yun ay kung magpapakalayo layo ako. Pero kung lahat na lang ng magpapaalala sa mga suliranin ko ay nakapaligid sa akin, mahirap din talaga. Akala ko ba simple lang ang buhay, pero bakit parang hirap na hirap ako?

Sunday, July 25, 2004
Transcendence
I'm doing much better now. These past two weeks have been some sort of treatment for me. Whenever I go to my barkada to complain and cry, I really feel my problems fade away bit by bit, although I'm not fully recovered yet. Pakiramdam ko nga naging pangalawang tahanan ko na sa eskwela yung college nila e. Iba talaga kung meron kang mga kaibigang nandyan lagi para sa iyo at handang makinig, mararamdaman mo talaga na may nagmamahal sa iyo kahit anumang problema mo. Pinagtiyagaan talaga nila ako kahit na sa tuwing nagkikita kami ay para akong lasing na naglalabas ng sama ng loob, umiiyak pero pinipilit ngumiti at tumawa, lalo na yung tungkol sa isa kong suliraning malala na halos magdulot na ng kabaliwan ko. Tinuruan nila akong wag masyado seryosohin ang buhay dahil sa ganyang ganyan nawawala ang katinuan ng mga tao. Hindi na ako makapapayag na tumigil ang mundo ko dahil lang dun sa mga pesteng yon, ayoko na magpaapekto, gusto ko lang ay maging maayos buhay ko. Tama yung kaibigan ko, magsimula muna sa sarili, at ang lahat ay susunod na. Ngayon ko talaga napagtanto kung gaano ko sila kamahal at kung gaano sila kaimportante sa akin. Paano kaya kung mawala sila sa buhay ko... wag naman sana mangyari.
Subscribe to:
Posts (Atom)